Chapter 56

91 2 0
                                    

Chiqui's P.O.V.

"It's been a long time since we visit this place together. I remember, We're 10 years old that time. Laughing, not knowing we would get separated and turned out like this." Pagsasalita ni Matthew sa tabi ko. Hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi dahil halos pabulong na ito. Ang ingay pa naman dito sa Panead.

"Sabi mo libre mo 'di ba?" Nakataas na kilay kong tanong kay Matthew na gwapo sa hoodie niyang kulay Gray. 'Wag kang papahalata na nagwagwapuhan ka sa kaniya.

"Yes. Ako naman lagi ang nanglilibre sa ating dalawa." Pagmamaktol nito na nakanguso pa. Aba! Nginusuan pa ako at least cute.

"Nalibre na kaya kita! 'Wag ka ngang magkunwari na ikaw ang naapi." Sabi ko at naglakad tungo sa bilihan ng mga Fried foods.

French Fries ang paborito dati naming kainin, samahan pa ng Rocky roads na Ice cream. Yes, heaven. Sa totoo lang, Ako lang dati ang mahilig sa Rocky Roads na Ice cream. Madalas ko itong kainin kapag nalulungkot ako. Pangpawala ng lungkot, ganu'n. Pero naging paborito na rin iyon ni Matthew dahil lagi niya akong sinasabayang kumain nito kapag wala ako sa mood. Sounds cheesy right? I know.

"Ate, Magkano po ang French Fries niyo?" Tanong ko sa tindera na masiglang nakangiti sa akin. Nasa tabi niya ang anak niyang lalaki ay tahimik lang na nakaupo at nagmamasid sa paligid.

"May 10, 15 at 20 pesos po ma'am." Sagot ng tindera at tumango naman ako. Magpapabili ako kay Matthew, 'Yung tig 20 pesos. Wala akong pake kung isipin niyang inaabuso ko siya. Hindi naman ako nang-aabuso, sadyang gutom lang.

"Sa'n na ba 'yung lalaking 'yun?" Tanong ko sa sarili at nilinga ang paligid. Nagulat ako nang sumulpot siya sa harap ko at inaabutan na ang tindera ng pera.

"Bibili ka?" Tanong ko dito at natunaw ang puso ko nang tumango ito nang hindi tumitingin sa akin habang nakangiti na para bang nasisiyahan siya sa nangyayari.

"Tatlo pong tigbebente." Sambit ni Matthew sa tindera at agad naman itong lumingon sa akin nang nakangiti. Ang cute niya pa rin hanggang ngayon.

"Ano 'yung binili mo? Ba't tatlo pa? Magpapabili pa naman sana ako sa'yo ng French Fries eh." Sabi ko dito.

"French Fries ang binili ko. Akala mo ba na makakalimutan ko na paborito mo 'yun? Ikaw lang naman ang nakalimot sa atin." Nawala ang ngiti niya sa huli niyang sinabi kaya nakonsensya naman ako. At ba't naman ako makokonsensya? Wala naman akong ginawang mali ah.

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita dahil hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi niya. Dapat ipagpatuloy ko lang ang Cold Attitude ko. Ayoko nang makita niya ang pagiging comfortable ko sa kaniya dati. Hindi na iyon mababalik. Ayoko nang umasa. Masasaktan lang ako. Kahit pa na sinabi niyang mahal niya ako.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Baka totoo naman talaga? Ba't hindi ko subukan? Bahala na.

"Sir ito na po." Binigay sa kaniya ng tindera ang tatlong supot na naglalaman ng Fries. Inabot niya naman agad ito at napalaki ang mata ko mas malaki pa sa tarsier nang ibigay niya sa akin ang dalangng supot. Anong akala niya sa akin? Dragon?

Parang wala lang sa kaniya iyon kaya tinanong ko siya.

"Ba't dalawa sa'kin?" Tanong ko dito at nagtaas naman siya ng tingin dahil sumusubo na siya ng Fries niya.

"I know it's your favorite that's why I ordered two for you. Ang lakas mo rin namang kumain eh." Sabi nito. Hindi na ako nagsalita pero nilingon kong muli ang tindera at ang anak nitong nag-oobserba lang.

Hindi naman ako masyadong gutom at madami na ang isang supot para sa akin. Maybe I should give the one to the child? Halatang hindi pa siya kumakain eh.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now