Chapter 42

14 1 0
                                    

Geryne's P.O.V.

"It's my time to ask you, Rage." Usal ko at ngumiti lang si Rage.

I have 5 questions left. Anong worth it na itanong? Anong size ng paa mo? It's gross. Haha
Long sleeve or topless? Just kidding. Hehe What's your ideal girl? Baka mahalata niya na curious ako. 'Wag na lang.

"Mmm" Nag-iisip pa ako. Ayoko namang sayangin 'yung isang tanong ko 'no.

"You're taking so long. Hahaha" Komento ni Rage sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin at nag-isip lang ako.

"Ah!" Sabi ko nang may maisip ako at napahalakhak ako nang magulat si Rage sa reaksyon ko.

"Sorry!" Sabi ko sabay peace sign kay Rage na nakahawak na sa dibdib niya. Parang inatake sa puso ang itsura niya.

"Ok, here's my question. Have you ever been in love?" Tama ba ang desisyon ko na itanong sa kaniya ang katagang iyon? Hindi ko ba 'to pagsisisihan?

Sandali siyang ngumiti, mapait na ngiti. Inalis niya ang titig niya sa akin at nilinga ang paligid upang makapag-isip. Agad niya naman akong nilingon nang may ngiti.

"Yes." Ito ang tangi niyang sagot kaya nawala ang ngiti sa mukha ko. 'Di man lang ba siya magkwekwento?

"Anong nangyari?" Tanong ko. Swerte naman ng babaeng 'yun.

"Nasagot ko na 'yung tanong mo. Ako naman." Natatawang sabi niya kaya napanguso na lang ako. Mabuti na lang na hindi ko malaman para hindi ko maikumpara ang sarili ko sa babaeng minahal niya.

"Okay." Sagot ko. Hinintay ko siyang magtanong nang makita namin si Froy na papalapit sa direksyon namin na may 'di maipintang mukha.

"What's with your ugly face?" Harsh na tanong ni Rage kay Froy kaya napatawa ako.
Nagpout si Froy kaya mas lalo akong napatawa.

"Hulaan ko. Talo ka kay Divine 'no?" Natatawa kong sabi at tumango lang siya na nakabusangot pa rin ang itsura.

"Hindi ko alam na sirena pala ang isang 'yun. Kung nakita niyo lang talaga! Huhuhu Now, I'm stuck being her fucking handsome sexy slave." Paliwanag nito.

"Yabang mo kasi. Look what you've got." Sermon pa ni Rage kay Froy.

"Hoy Froy Timang!" Singhal ni Divine kay Froy na halos umiyak na.

"Ano?! Huhu" Parang bata talaga 'tong si Froy. At ito namang si Divine, parang reyna.

"Loser!" Natatawang sabi ni Divine with matching gesture pa na "L" kaya nagacting si Froy na umiiyak pero agad naman siyang tumigil at nagpose ng pagi sign kaya napataas ng isang kilay si Divine.

"At least gwapo." Sabi nito kaya binatukan siya ni Divine.

"Ang hangin mo talaga eh 'no?" Usal ni Divine.

"At least gwapo." Ulit pa ni Froy kaya ang sama na ng tingin ni Divine sa kaniya habang siya ay nakangiti lang. Nangaasar pa ang isang 'to.

"Tigil tigilan mo na please ang pagsinghot ng asin. Ang panget ng epekto sa'yo." Sabi ni Divine.

"At least gwapo." Ulit pa ni Froy na halatang nasisiyahan dahil naiinis na si Divine.

"Tumupad ka sa usapan! Sabi mo 'pag nanalo ako susundin mo 'yung mga iuutos ko!" Pagpapaalala ni Divine na ikinabagsak ng balikat ni Froy.

"Fine." Usal ni Froy.

"You're such a gay, Froy." Sabi ni Rage na nagpalingon kay Froy. Froy splashed water on Rage kaya napatawa ako. May panibagong labanan ata ang magaganap.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now