Chapter 11

24 2 2
                                    

Geryne's P.O.V.

Ang ganda ng panahon ngayon. Parang gusto kong manood ng Fantasy Movie pero kailangan ko pa palang samahan si Divine sa paggrocery. Ang ganda talagang panuorin ng ulan. Nakakarelax.

Hays makahanap na nga ng damit. Ano kayang pwede kong suotin? Kahit anong kumportable na lang. Bibili lang naman kami. Maglolongsleeve na lang ako kasi ang lamig ng panahon. Tapos paparesan ko na lang ng loose pants.

Pagkatapos kong maghilamos at magbihis ay lumabas na ako para hanapin si Divine na nakaupo lang pala sa sala at nanonood kasama si Charlyn at Junajoy.

Ibinaling ko sa kusina ang atensyon ko at nakita ko naman na nandoon sina Chiqui, Cherry at Jay na abala sa pagluluto. Napalingon ako kay Divine 'nang tawagin niya ako.

"Geryne! Tara na! Baka lumakas pa 'yung ulan." Sabi nito sabay kuha ng dalawang payong at ibinigay nito ang isa sa akin na agad ko namang kinuha.

"Weirdos, alis na kami" Pagpapaalam ni Divine.

"Sige, ingat kayo. 'Wag niyong kalimutan 'yung sabon ha? Ayokong malukot 'yung kutis ko" Pahabol pa ni Jay. Agad naman silang tumawa.

"Lukot naman 'yang mukha mo" bulong ni Junajoy pero narinig iyon ni Jay kaya agad na naghabulan ang dalawa.

Narinig kong bumuntong hininga si Divine kaya nilingon ko siya.

"Tara na" sabi nito sabay hila sa akin palabas.

After 10 minutes

Nandito na kami ngayon sa Grocery Store at naghahanap ng mga ipanabibili sa amin ng Weirdos.

"Ito 'yung mga hahanapin mo. Magkita na lang tayo sa cashier 29. Nasa akin kasi 'yung pera." Sabi niya sabay bigay sa akin ng listahan. Dalawa kasi 'yung listahan na dala dala namin. Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula ng maglakad para kumuha ng basket at nakakuha naman ako kaya nagsimula na akong maglibot. Magkikita na lang kami ni Divine sa Cashier 29.

"Ang una kong hahanapin ay Whitening soap?! Kay Jay talaga 'to. Walang duda"  Napabagsak na lang ako ng balikat ko.
Mahanap na nga lang. Pumunta ako sa Soap section at kumuha ako ng isa.

Ang pangalawa naman ay Gatas.
Well, sa akin 'to. It's my favorite pero share share kami. Huehuehue. May nakita akong mga Chocolate flavor, strawberry flavor pero gusto ko Milk flavor na gatas. Ayoko ng mga arte pa -_- 

Kumuha ako ng dalawang lata ng gatas at kumuha din ako ng dalawang Banana Milk. Paborito 'to ni Jungkook kaya paborito ko na rin. Hehehehe 

Lumipas ang 6 minutes at isa na lang ako hahanapin ko.
Ang mahiwagang ASIN ni Chiqui. 'Di ko nga alam kung bakit ba ang bilis maubos ng asin namin eh minsan nga lang kami gumammit 'nun? Suspetsya ko, may isa sa aming weirdos na sumisinghot talaga ng asin eh. Tss

"Condiments area.." Tumungo na ako sa area kung saan makikita ang asin at obviously maraming uri ng asin ang nakita ko. Alin naman ang pipiliin ko?

Chineck ko lahat ng brand pero 'di ko pa rin alam kung ano 'yung pipiliin ko dota o ako hahahaha joke hehehe
Natawa na lang ako sa sarili kong kabaliwan. ^_^ baka isipin ng ibang tao ng baliw ako. Mabuti na lang walang ta--

"Hi" Napatigil ako sa pagtawa ko sa sarili ko 'nang malaman kong may tao pala dito. Damn, how to get out of this situaton? Did he just see me laughing by myself?!

There's a guy beside me and he's intenly staring at me with his teasing smile! He's familiar. Hmmm Oh! Naalala ko na. Isa siya sa mga lalaking titira dun sa tapat ng bahay. Buhay nga naman oh

Yumuko ako at kunwaring umubo. Nakakahiya >//<
Lumingon ulit ako at nakatayo pa rin siya tapos samahan pa ng smile. Blonde 'yung buhok niya tapos 'yung mata niya ay Blue. Gwapo pero nakakahiya pa rin 'yung sitwasyon ko ngayon.

"Hi hehehe" I replied to what he said. Ifinocus ko na lang ulit 'yung atensyon ko sa paghahanap ng asin. Lahat naman 'to asin eh?! -_-

"You're cute when you're laughing" Sabi nito na nakapagpalingon sa akin. He's still smiling and he even chuckled after saying that phrase. Is he making fun of me?

"Nah I'm not laughing" pagtutol ko sa sinabi nito sabay yuko.

"But i saw you did just a while ago" He said na mas lalong nagpainit sa mukha ko. Darn this.

Sasagot pa sana ako 'nang may sumingit na lalaki na..
Ito 'yung lalaking cute na kasama din nila. Napapalibutan na ako ng mga gwapong.. tao? Anyways, ito 'yung lalaking cute kasi ang cute ng mata niya ^_^

"Bro, are you don-- Oh! Who's this Pretty girl?" Sabi nito sabay akbay sa lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Bwisit naman 'tong buhay na 'to. Sige pahiyain mo pa ako.

Ang gwapo din pala ng lalaking umakbay sa isang lalaki. Kasi pagnakasmile siya, nakasmile din 'yung mata hahaha Siya 'yung bet ko. Parang dati lang kulot 'yung buhok niya tapos natatabunan 'yung mata niya? Pero ang cute pa rin ihh. Hehehe

"Oh! I don't know her name. May I know your name Miss?" Tanong nito sa akin. Tinitigan ko silang dalawa at nakatitig din sila sa akin na nakangiti.

"A-ako? Hehehe I'm Geryne" Sabi ko sabay nagDalagang pilipina dalagang pilipina. Joke hahaha sige Geryne, ngayon ka pa magjoke.

"What an angelic name. It suits you. By the way, I'm Xavier and he is Rage. " Sabi pa ng lalaking may blue eyes. Masyadong sugar-coated 'yung mga pinagsasabi ng isang 'to eh. Tsaka ang bobongga ng pangalan nila huh? Bagay sa feslak nila kasi gwapo din eh.

"Do you know her?" Tanong ni Rage.

"Yes, nakatira siya kasama ang anim niyang kaibigan sa harap ng nirerentahan nating bahay." He said na ikinagulat ko at ng isang lalaki. 'Di ako nagulat dahil sa harap namin sila nakatira, kundi dahil alam niyang nakatira ako.. kami sa harap nila.

"Huh?" Ang tanging naibulalas ko. Nakalimutan ko na tuloy ang ipinunta ko rito. Kukuha pa ako ng asin!
Kumuha na lang ako ng asin na mahawakan ko  at iniligay sa basket ko.

"I saw you and the rest of your friends jogging last.. I forgot when. We were also jogging that time but one of our friend got lost but he's fine now." He explained and looked at the other boy who has a questioning look right now.

"I didn't see them.. her" Rage said.

Tinanggal ni Xavier ang pagkakaakbay sa kaniya ni Rage at tiningnan ito ng masama.

"Busy ka kasi sa kaabnormalan mo kaya ayan! 'Di mo nga rin alam na nawala si Blaze eh" Sabi ni Xavier at nagkibit balikat lang si Rage, his smile is still plastered on his face.

Nagsimula na silang magbangayan kaya umalis na ako 'dun at pumunta sa Cashier 29.


VOTE.COMMENT.BE A FAN.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now