Chapter 6

38 3 0
                                    

Chiqui's P.O.V.

Kararating lang ni Charlyn galing Mall at halata sa itsura nito na naiirita siya. Meron ding mantsa ang pinakamamahal niyang dress. 'Di siya bumati ni isa sa amin dahil dumiretso na ito sa kwarto niya para linisin ang madungis ng itsura nito.

Alas tres na ng hapon at ako'y nagtitimpla ng gatas para sa mga anak ko joke hihihi para sa mga Bwiset kong kaibigan. ^_^
Para nila akong yaya dito haha okay ang naman pero hindi talaga okay -_-

Inihain ko na ang mga gatas nila. Nakita ko si Geryne na busy sa pagbabasa sa isa sa mga libro niya. --_-- Si Jay naman na kinakalikot ang malaki niyang tigyawat at si Divine naman na busy sa panonood ng Asianovela na My Love From The star. Habang si Cherry at si Junajoy ay may pinaguusapan na kakaiba. Ano kaya 'yung pinaguusapan nila? Malalaman ko rin mamaya. Makikitsismis rin ako.

"Ito na 'yung mga gatas niyo mga reyna" Sabi ko at agad naman nila itong kinuha. Matawag nga si Charlyn.

Ng makarating ako sa ikalawang palapag  tinungo ko agad ang kwarto niya di naku nag abalang kumatok pa pinasok ko na agad ang kwarto. Nadatnan ko siyang nakahiga habang nagcecellphone di manlang niya naramdaman ang presensya ko "Charlyn baba kana dyan nag  timpla ako ng gatas." Sabi ko sa kanya nag angat siya ng tingin at tumango. Bumaba nalang ako at hindi siya hinintay badmood siya ata.

Naubos na namin ang isang plastik ng pandesal at ang kanya kanya naming gatas habang pinapanood ang Teenwolf.

"Cha, Badmood ka ata? Anong nangyari?" Tanong ni Junajoy habang kumukuha na naman ng pandesal sa isa pang plastic ng pandesal.

Nanatili lamang ang mga mata ni Charlyn sa T.V.

"Hindi ko lang kasi nabili 'yung gusto kong damit dahil naunahan na ako." Sabi niya sabay tingin sa labas.

"Pero ba't may mantsa 'yung damit mo kanina?" Tanong ko.

"Aksidente ko lang natapunan ang sarili ko." Sagot niya at agad namang sumingit si Jay.

"Ano peg mo? Tanga lang?" Mataray nitong sabi.
Binatukan naman ito ni Geryne sabay tingin ng masama.

"Oo tanga. Tanga ako para sa kanya" sabi ni Charlyn with matching iyak iyak pa ngunit di kalaunan ay tumawa rin ito na ikinatawa din ng wirdos.

Dumiretso na kami sa mga kwarto namin. Bali dumiretso kami sa ikalawang palapag. Malaki naman ang bahay at may kapasidad na 5-10 people.

Mayroon itong apat na kwarto. Magkasama sina Jay at Cherry sa iisang kwarto. May double deck  kada kwarto kaya naman sure ako na komportable sila. Magkasama naman si Charlyn at Geryne. Ang kwarto nila ay nandun banda sa may bintana.
Habang si Divine at Junajoy naman ay nasa kabilang kwarto na katabi ko lamang at ako naman ay iisa dito sa maganda kong kwarto. Masaya ako kasi walang mangiistorbo sakin. Palakpakan tayo.




VOTE.COMMENT.BE A FAN

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now