Chapter 53

15 2 0
                                    

Chiqui's P.O.V.

Kagigising ko lang ngayon at agad na bumili sa kalapit tindahan ng maaaring almusal.
Hinahanda ko na 'yung Sopas at lugaw ma binili ko.

Una kong kinatok ang kwarto nina Geryne.

"Ger! Cha! Gising na kayo? Almusal na tayo" Utas ko at agad namang bumukas ang pintuan na ang bungad ay si Charlyn na halatang nagising ko.

"Geryne is nowhere to be found here." Usal nito at lumabas na sa kwarto niya.

"Baka nasa paligid lang. Gisingin mo nga 'yung iba." Utos ko dito na ikinabagsak ng dalawa niyang balikat pero sumunod naman siya.

Sa'n kaya 'yung babaeng 'yun? Reticent kasi 'yung isang 'yun. Gaya nung nakaraan, Nasa labas siya ng bahay mga alas singko ng umaga. Nagpapahangin daw.

"Chiq, wala si Divine pati na rin si Jay." Sabi ni Charlyn na kasama na sina Junajoy at Cherry Luz.

'Yung tatlong bibe pala ang nawawala. Sino na naman may pakana ng pagkawala nila?

"Sige, kumain na kayo. Baka may pinuntahan lang. Tirahan niyo na lang." Usal ko sa kanila at nagsimula na silang kumain.

Bumalik muna ako sa kwarto ko kasi nakalimutan kong itali 'yung buhok ko pero bago ko pa man hanapin ang tali ng buhok ko ay naagaw ng phone na nagbliblink ang light ang atensyon ko.

Kinuha ko ito at binuksan ang unread message ni Matthew. Kagabi pa ata ito.

I understand. Good night and dream about me.

'Yan 'yung message niya.
Hindi ko inabalang mag-reply at tiningnan pa ang isang unread message galing kay Jay.

'Wag kayong mag-alala sa amin nina Divine at Geryne. Nasa masarap este mabuting kalagayan kami. Nasa Gym kami nina Zeus. Babalik kami mamaya. Nautusan ako nina Geryne at Divine na itext ka.

Mahabang text ni Jay sa akin.
Walang kasweet-sweet text niya 'no? Ganiyan talaga 'pag magkaibigan. 'Pag sa text cold. Kapag sa personal ang ingay sobra.

Napaface-palm ako ng wala sa oras.

Nahanap ko naman agad ang tali sa buhok ko at lumabas na ng kwarto para mag-almusal.

Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang isa't isa sa kanilang mga gawain. At saka kanina ko pa napapansin na abala si Junajoy sa textmate niya. Panay ngiti eh. Baka mapagkamalang in love.

Nasa kusina naman si Cherry, naghuhugas ng mga plato.

Alas-otso pa lang naman.

Binuksan ko ang T.V. at nanood ng balita. Nagulat ako nang makita sa Balita na ngayong gabi na magsisimula ang pagdiriwang ng Karamass Festival. Yayain ko kaya ang Weirdos? Kausapin ko sila mamaya 'pag kumpleto na kami.

Nawala ang atensyon ko sa palabas nang mag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa.
Kinuha ko ito at binasa ang unread message galing kay Matthew.

Ang aga aga eh.

From: Matthew

Awake? Good morning, Mi amore. Hope you start your day with a smile on your lips. Are you free this night? :)

Pinigilan ko ang sarili kong tumili dahil nasa kusina lang si Cherry.

Wait, hindi dapat ako kiligin. Dapat formal. Kikiligin pero hindi ipapahalata. Pero nakakakeleg eh. Pwede na bang mamatay? Charot lang.

Binuksan ko ang data ko at sinearch ang meaning ng 'Mi amore' at agad naman akong napatili kaya nasigawan ako ni Cherry mula sa kusina.

"Hoy Bruhilda! Anong tinitili mo diyan?" Sigaw nito.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now