Chapter 36

15 5 2
                                    

Charlyn's P.O.V.

Do you know what's the silliest and funniest Aphorism ever? It is no other than this quote of Confucius saying "Do not do unto others what you don't want others do unto you." And want to know what's ridiculous about it? I obey that quote of him, always. But why is it some shits still treating me the way like i'm some trashy, mortifying and gross humankind. Is this what I get by obeying Confucius Aphorism? Then if it is, Darn my whole life.

"Are you thinkin' of me?" Nagising ako sa katotohanan ng biglang magsalita si Blaze sa tabi ko. Marahas akong napalingon sa isang 'to nang maunawaan ko ang katagang inusal niya.

He smirks, he always does if he got some disgusting stuffs stuck on his narrow and little mind of his. Well, It's Blaze. What's new?

Napabuntong-hininga ako at tinitigan siya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo 'no? Ikaw? Iisipin ko? Asa ka." Sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa swing at pinagpag ang Derriere ko. Hinarap ko siya at nakangisi pa rin ito sa akin. Kasalukuyan akong nakapameywang at hinihintay ang isang 'to kung may balak man siyang bumalik duon sa mga kaibigan namin.

"Just don't deny it. You're already falling for my Charm." Tumawa ako at huminto rin. Tinitigan ko siya with my serious face.

"Mas gugustuhin ko na lang ma-inlove sa mga pulubi kesa naman sa isang arogante at antipatikong tulad mo!" Pagkasabi na pagkasabi ko nu'n ay agad akong naglakad-takbo paalis at tumungo sa Weirdos na kasulukuyang abala sa kani-kanilang mga gawain.

Marahas akong napaupo sa tabi nina Geryne at Divine na naguguluhan na malamang sa inasal ko.

"Anyare sa'yo, babaita?!" Tanong ni Jay mula sa kabila na halatang nagpapapansin kay Nate. Ang landi.

Sasagot na sana ako nang makita kong lakad-takbo si Blaze papunta rito sa lokasyon namin.
Agad kong nilingon ang ulo ko kay Zeus na kasulukuyang nag-iihaw para hindi ko makita ang nakakabwisit na mukha ni Blaze.

Narinig ko ang yapak niya at rinig ko rin ang pag-upo niya sa kabilang upuan.

"Kaya naman pala. Blaze, kung hindi ako nagkakamali magkasama kayo all this time at pwede mo bang sabihin sa amin ang nangyari sa babaitang 'to?!" Tsismosang Jay. 'Di na lang itahimik ang bibig, tss. At kailangan pa talagang itanong? Gusto ata nito makatikim ng upperpunch.

Nanatili ang titig ko kay Zeus na wala pakealam sa amin ngayon.
Ayokong makita o marinig ang reaksyon ng lalaking kinaiinisan ko.

"You're right about us being together ALL THIS TIME. As what you have said. But the answer to the second question.." He trailed off but I didn't glance at him. "Lagi naman siyang ganiyan. Masungit."

Nabigla ako sa sagot niya kaya nilingon ko siya at tinapunan ng masamang tingin. Alam niyo 'yung nakakainis? 'Yung naiinis ka na nga pero nakasmirk pa rin siya. Bwisit siya. Nakatagilid pa ang ulo niya niyan! Parang sinusuri 'yung reaksyon ko.

"Excuse me, Ikaw nga 'tong buntot ng buntot sa akin. Saka wala kang karapatang sabihan ako ng masungit kasi mas malala ka pa sa'kin. Isa kang AROGANTE, ANTIPATIKO, MAYABANG, MAPAGMATAAS AT FEELINGERONG LALAKI!" Usal ko at agad na iniwas ang tingin. That Bastard! Ugh!

"Don't be mad at me, Baby. Kaya kong tiisin ang pagiging masungit mo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya kahit na dinig ko pa ang pagtawa nito. Pinagtritripan talaga ako ng bwisit na 'to.

Tumahimik ang tawanan nina Jay nang may biglang magsalita.

"Tama na 'yan. Kadadating lang namin tapos ito na agad ang sasalubong sa amin? Umayos kayo. Pumunta tayo rito para ienjoy ang bakasyon hindi ba?" Bigla biglang sabi ni Chiqui na kararating lang kasama si Matthew. Sila na ang nakipagnegotiate duon sa nagbabantay dito.

"Hayaan mo na sila, Chiq. Malalaki na 'yan." Usal ni Cherry Luz na kasulukuyang may pagkain sa Plato nito. Nauna na talaga siyang kumain?

"Di bale. Bakit 'di pa kayo magswimming? Inexclusive na nga 'tong pool para sulit ang punta natin dito." Sermon pa ni Chiqui at umupo sa tabi ni Cherry luz.

"Hindi muna ba tayo kakain?" Tanong ni Geryne.

"Kung sinong gustong kumain, kumain na. Kung sinong gustong magswimming, magswimming na." Sabi ni Chiqui sabay subo ng 'di ko alam kung ano 'yun.

"Magbibihis na ako, guys." Usal ko at agad na kinuha ang Swimwear ko sa bag kong kulay pink.

"Kailangan talagang sabihin?" Sabi ni Jay na halatang nambwibwisit na naman. Inggit lang 'yang isang 'yan kasi hindi siya makasuot ng bikini tulad ko.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa banyo para magbihis.

Nang makarating ako sa banyo ay agad kong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin.
Maputla, parang nakakita ng isang madugong labanan.

Mahina kong tinapik ang dalawa kong pisngi upang kahit papaano ay magkaroon ito ng kulay.

Hindi nagtagal at agad naman akong lumabas at tumungo sa cottage namin. Napatigil ako nang ilang sandali nang mapansin kong si Chiqui, Cherry, Matthew, Rage, Zeus, Geryne at Divine na lang ang natitira. Saan na ang iba? Nagbihis na rin kaya? Pake ko.

Ipinatong ko ang bag ko sa pinakamalapit na upuan at hindi na sila pinansin dahil alam kong abala sila.

"Charlyn!!" Tili ni Cherry Luz. Siya lang naman ang kilala kong ganiyan tuwing ganito ako. Hindi ko siya nilingon dahil hindi ko rin alam eh. Nakakaramdam ako ng hiya eh dati naman confident ako sa body figure ko. I don't know why. Feeling ko ang taba ko. Darn.

"Una na ako." Sabi ko at naglakad pero narinig ko ang malakas na pahabol na sabi ni Cherry luz na "Nasa Pool na sila!".

Sino ang tinutukoy niya sa "Sila"? 'Yung iba? Si Blaze? Erase erase Ba't ko ba naiisip si Blaze? Malas 'yun sa buhay. 



PulchraVita

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now