Chapter 1

1.6K 77 17
                                    

"Psst . . . Apple Pie!" Apple quickly stopped whatever she was doing and glanced at the slightly-opened office door where her friend, Gwyneth, was standing and motioning for her to come closer. Agad siyang napatingin kay Ma'am Fortu at nakitang busy pa ang guro sa pag-aayos ng mga pinack nilang pagkain.

Foundation day kasi ngayon sa university nila at sabay ang celebration na iyon sa intrams nila. As a student scholar ay isa sa mga trabaho niya ang tumulong sa paghahanda ng mga snacks para sa mga athletes. Siya ang pumupunta sa kitchen laboratory na ginagamit ng mga HRM tuwing klase at kinukuha doon ang mga inihandang pagkain para sa department nila. Kasalukuyan niyang tinutulungan ang prof niya sa pagpapackage ng mga iyon at mamaya nga ay ihahatid rin niya iyon sa mga athletes.

Nang masiguradong hindi naman magagalit ang guro ay mabilis siyang lumapit kay Gwyneth at tinanong ito. "Simula na ba?!" 

"Oo! Nagwa-warm up na sila noong umalis ako para tawagin ka!" sagot nito sa kaniya.

Agad naman siyang nag-panic dahil hindi pa siya tapos sa ginagawa dito sa office ngunit magsisimula na ang soccer match ng honey loves niya.

"Hindi pa ako tapos dito!" tila papaiyak niyang sabi sabay yugyog sa balikat ni Gwyneth dahil sa frustration. 

"Aba't bilisan mo at baka may mauna pang magbigay ng tubig doon sa honey loves mo," pagmamadali sa kaniya ng kaibigan na kaysa makatulong sa kaniya ay mas nagpainis pa sa kalooban niya. 

She was really about to cry out of frustration, when Ma'am Fortu suddenly interrupted them.

"Punta ka na doon Apple," ika ng matandang ginang habang dala-dala ang isang box ng snacks na inayos nila kanina. "Doon kayo sa soccer field pupunta, hindi ba? Dalhin niyo ito at kailangan rin naman na may maghatid ng mga snacks para sa mga players natin doon."

Agad naman niyang tinanggap ang isang box ng sandwich at juice na binigay ni Ma'am Fortu sa kaniya. Ang cooler na naglalaman naman ng tubig ay si Gwyneth na ang nagdala.

"Ma'am! Thank you po!" tuwa niyang pasalamat na nakangiting tinanguhan lamang nito. 

"Sige na. Sige na. Baka mahuli pa kayo doon. Mukhang magsisimula na rin," her teacher opened the glass door and ushered them to go now. Hindi lingid sa kaalaman ng kaniyang teacher na may malaki siyang crush sa isang lalake na nasa kabilang course. Proud siyang president ng fanclub ng lalake at siya pa nga ang nangunguna sa lahat ng mga competition nito. Mapaloob o labas man ng university nila.

Buti na nga lang at ang kalaban ng HRM course niya sa soccer ngayon ay ang mga taga-Business course. Business kasi ang kurso ng lalake samantalang siya ay HRM. Nagkaroon tuloy siya ng dahilan upang makapunta doon kahit pa man kinakailangan pa niyang tumulong sa office. Parte kasi ng pagkakaroon niya ng scholarship ay ang pagtratrabaho sa school. Hindi naman kasi siya ganuon katalinuhan. Hindi rin siya magaling sa sports kaya ang scholarship lang na akma sa napaka-talentless at bobong self niya ay ang Student Service Scholarship. Wala naman siyang problema doon pwera na lamang sa mga araw na katulad nito na kinakailangan niyang suportahan ang honey loves niya.

Mabilis lamang sila ni Gwyneth na nakarating sa may soccer field. May mga golf cart kasi na pwedeng sakyan upang mas mabilis na maka-navigate sa loob ng university nila. Pagdating nila sa may entrance ay agad silang nahirapang pumasok sapagkat siksikan ang mga taong nanood ng laro. Open kasi for outsiders ang celebration nila kaya naman kahit mga hindi nag-aaral dito ay nakikinood na rin. Add to the fact na si honey loves niya ang isa sa mga maglalaro ay tiyak na hakot talaga ang mga babae at binabaeng audience.

"Tabi! Tabi! Dadaan ang maganda!" sigaw niya habang tinutulak ang mga echoserang palaka na nagkukumpulan sa harapan niya. Halata namang pagpapapansin sa honey loves niya ang pinunta ng mga babaeng galing sa kabilang university kaya naman walang habas niyang pinagtutulak ang mga ito.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now