Chapter 85

342 33 21
                                    

Hindi mapakali si Apple Pie habang aligagang kinuha ang panggamot na ni-request niya sa isa sa mga katulong. Matapos kasi ang nangyari kanina ay agad niyang ginabayan ang heneral papasok sa bahay para magamot ang maliit na sugat nito sa ulo. Pinaupo niya ito sa may sala at agad namang inutusan ang isang katulong na kumuha ng panggamot sa sugat ng ginoo. Nang dumating naman ito ay halos hablutin na niya ang sisidlan upang siya na ang umaksyon sa nagdudugong ulo ng heneral. 

She quickly sat down at the general's side and proceeded to pull out all the stuff inside the basket. May mga iilang bimpo doon kaya iyon ang ginamit niya upang punasan ang kaunting dugo na umagos sa may noo ng lalake. 

Napakagat siya ng labi habang nililinisan ang mukha nito. Lumingon siya sa katulong na nakatayo sa may likuran niya at mukhang hindi alam ang gagawin dahil inagaw na niya ang trabaho nito. "Maaari po bang magpakuha ng tubig?" tanong niya dito na agad namang tinanguhan nito.

She watched as the maid walked out of the room to get what she asked for. Nang tuluyan na itong nakalabas ay binaling niya muli ang atensyon sa lalake bago nagtanong, "Heneral, nasulyapan niyo po ba ang mukha ng tao na nagtangka sa buhay ko?"

Napag-isip-isip niya kasi na imposibleng hindi nakita ng heneral ang mukha ng "culprit" niya dahil nailigtas siya nito kaagad. The culprit's face should be visible when he or she dropped that vase on top of her. 

"Pagpasensyahan mo na binibini, ngunit napakabilis ng pangyayari. Tanging mga kamay lamang ang nakita ko na lumabas sa bintana at nang mapansin ko na may hawak itong plorera na ihuhulog nito sa iyo ay agad na akong umaksyon," pagpapaliwanag ng heneral sa kaniya. Aaminin niyang nadismaya siya sa sagot nito. Ibig sabihin lamang ay back to zero siya. Wala pa rin siyang kahit isang clue sa kung sino ang nais pumatay sa kaniya. 

She disguises her dismay with a simple smile. 

Tinuon na lamang niya ang buong atensyon sa paglilinis ng sugat nito ngunit bigla naman siyang nagulat nang hawakan ng lalake ang kamay niya at dinala iyon sa labi nito. Heneral Cristobal de Castro lovingly kissed the back of her hand before saying, "Alam mo namang kaya kong gawin ang lahat para sa iyo, hindi ba?" She was taken aback by his actions because it just came from nowhere. She doesn't know what he was trying to imply. Baka yung pagligtas nito sa kaniya o baka iba. Hindi niya talaga alam. Napalingon siya dito at nakita ang intesidad ng pagkakatitig nito sa kaniya. "Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa iyo," dagdag nitong ika bago muling pinatakan ng halik ang kamay niya. 

She was so confused because it felt like he was apologizing for something he did. Na para bang pinapaliwanag nito na nagawa lamang nito iyon dahil sa nararamdaman nito sa kaniya. She was about to open her mouth to say something but the maid that she ordered to get the water came back. "Narito na po ang tubig na hinihingi niyo po, binibini."

Mabilis niyang hinablot papalayo sa heneral ang kaniyang kamay at tinignan ang katulong. Base sa reaksyon nito ay mukhang nahagilap nito ang sitwasyon kanina ngunit agad itong umiwas ng tingin na para bang nahihiya. "Uhmm . . . Pakiasikaso ang sugat ni Heneral Cristobal, may kailangan lamang akong gawin," nagmamadali niyang ika bago lumayo sa lalake at walang lingong naglakad papalabas ng silid na iyon. 

Halos patakbo na siyang tumaas ng hagdanan. Ang puso niya ay tumitibok ng napakabilis. She can't interpret what she was feeling right now. Para bang hindi sa kaniya nanggagaling iyon.

It was as if it came from Christina herself. 

Ang bilis ng tibok ng dibdib niya na para bang kinakabahan siya. It was like seeing your crush at the end of the hallway, or maybe it was something else and she interpreted it wrongly. 

Maybe Christina has some feelings for the general. Magkababata ang dalawa kaya naman hindi malabo na magkagusto ang babae dito. Maybe nagti-trigger ang feelings nito ngayon kaya naman nararamdaman rin niya iyon.

Iyon ba talaga ang nangyayari?

Gusto niyang guluhin at sabunutan ang buhok dahil sa inis ngunit nahagilap ng kaniyang mga mata ang pamilyar na bata. It was the maid that she asked to send her letters to Yohan. Mukhang hindi pa siya napapansin sapagkat nakayuko ito at naglalampaso ng sahig.

Maingat siyang naglakad papalapit dito at bahagyang tinapik ang balikat nang makalapit. Agad naman itong napatingala sa kaniya at nang mapagtanto kung sino siya ay nagmamadali itong tumayo at nagbigay galang. "Binibini . . . ano po bang kailangan niyo po?" tila kinakabahan nitong tanong.

"May liham ulit sana akong ipapadala sa iyo," panimula niya bago hinawakan ang kamay nito at ginabayan papunta sa kwarto niya. Nang makapasok sa kaniyang silid ay pinaupo niya ito sa isa sa mga silya doon bago kinuha ang panibagong liham na sinulat niya kanina. Wala pa rin siyang nakukuhang sagot mula kay Yohan kaya naman napagdesisyunan niyang gumawa ulit ng panibago. 

Lumapit siya sa bata at inabot dito ang liham at iilang salapi na sa tingin niya ay malaki-laki na rin. Mas niramihan niya iyon kaysa doon sa unang bigay niya. Hinawakan niya ang kamay ng bata kung saan pinatong niya ang liham at pinantay ang mukha niya sa mukha nito. "Nais ko sanang dalhin mo rin ito kay Ginoong Eduardo Magbanua. Siguraduhin mong walang nakakaalam sa mga liham nito pwera na lamang sa kaniya. At saka . . . maaari bang magtanong kung wala man lamang bang tugon si Ginoong Eduardo sa liham na una kong pinadala?"

Nagbabakasakali siya na may sagot na si Yohan. Why isn't he answering her? Akala ba niya na isang sumbong niya lang dito ay ililigtas na siya nito. 

The young girl shifted her gaze to the opposite side of the room as if avoiding her gaze. "Binibining Christina . . . hindi ko po alam kung maaari ko pong sabihin ito sa iyo," nag-aalangan nitong ika ngunit agad niya itong hinimok na magsalita.

"Ano? Pakiusap, kailangan ko lamang malaman kung ano bang tugon niya sa akin," she literally begged.

The girl cleared her throat before answering her, "Tinapon lamang po ni Ginoong Eduardo ang liham na pinabibigay niyo po at ni hindi man lamang niya po binasa."

Sa sinabi nito ay tila ba bumagsak ang puso niya. 

A/N: So sorry sa maikli at matagal na update! Naging busy lang sa pag-travel!

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz