Chapter 36

468 46 17
                                    

Nagising si Apple Pie dahil sa malakas na tunog ng alarm clock niya. She was about to sit up and leave the bed, not until she felt Yohan's hands cupping her breast. Napa-roll eyes na lang siya at unti-unting tinanggal iyon.

It has been more than a month since they started living together and Yohan made it a habit to always fondle her breast every time they sleep. Ginawa na nitong hobby iyon at parang hindi na ito makatulog kung hindi nakahawak sa dibdib niya.

Mahina na lamang siyang napatawa bago iiling-iling na pinatay ang alarm niya. She carefully stood up and went to the bathroom. Their bathroom consists of a shower, sink with a big front mirror and flushable toilet with bidet. It was simple yet she liked it. Naghilamos muna siya bago tuluyang naglakad sa kitchen.

Their place was a two-story-high apartment that has a large bright bedroom with a comfy queen-sized bed, a modern fully-equipped kitchen, and a sunlit living room with a flat-screen TV. Palagi silang nakatambay ni Yohan doon at nanonood ng Netflix movie. Ang sofa doon ay pwede pa ngang i-convert into a bed para sa mga panahon na gusto nilang matulog sa sala o di kaya'y kapag may makikitulog sa kanilang bisita.

For more than one month na magkasama sila ni Yohan sa iisang bahay ay nakaugalian na niyang gumising ng maaga para makapagluto ng baon nito sa trabaho. Hindi kasi ito nakakauwi para tanghalian kaya nagluluto na lang siya para dito. Nang sinabi nito na natikman at nagustuhan ng mga co-workmate nito ang luto niya ay nagsimula siyang magluto ng mas marami para makapag-share ito sa iba.

Buti na nga lang at hindi na ito nagagalit kapag may gustong kumain ng mga luto niya. Tinanong niya ito noon tungkol doon at sabi nito ay hindi na daw ito nagseselos dahil matatali na rin naman siya dito. Noon kasi ay natatakot itong may ma-inlove rin sa kaniya dahil sa mga luto niya. Doon niya nalaman na kaya pala siya napansin ni Yohan ay dahil sa mga pagkaing palagi niyang binibigay dito. Since hindi daw iyon bulaklak o kung ano-anong "walang katuturang bagay" (that was his exact words) ay hindi nito magawang matapon ang mga binibigay niya. Noon daw ay si Joshua ang pinapakain nito ng mga gawa niya ngunit nang makita na nae-enjoy ng kaibigan ang luto niya ay nagdesisyon itong subukan at doon na nga daw nagsimula ang pagka-interes nito sa kaniya.

Living with him was such a bliss. Hindi dahil sa hindi sila nag-aaway kasi honestly, may mga times talaga na napagmamalditahan niya ito. She loves their set-up now dahil for the first time in her life ay nakaramdam siya kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng sariling tahanan. She grew up in an orphanage and she spent her time sharing everything with everyone. When she became too old for the orphanage ay lumipat naman siya sa isang boarding house kung saan kahati rin niya ang iba sa lahat ng mga facilities.

Yohan gave her a home.

She can't help but smile because of that thought as she prepares the ingredients of what she was gonna cook. Nang makauwi sila galing sa San Juan ay agad siyang sinabihan ni Yohan na ihanda ang gamit niya. Sabay silang lumipat sa apartment na ito.

They then arranged for the civil wedding and took care of the requirements. Ngayon nga'y next week na ang kasal nila at magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya excited. They opted for a simple wedding band first dahil sabi ni Yohan ay nag-iipon pa ito para sa wedding ring nila. Wala naman siyang problema doon basta kay Yohan siya ikakasal.

"Langga . . ." Mabilis siyang napalingon sa may hagdanan at nakita ang inaantok na mukha ni Yohan habang pababa doon. Kinukusot-kusot pa nito ang mga mata habang papalapit sa kaniya.

"Bakit bumangon ka na? Maaga pa," ika niya. 5 AM pa kasi ngayon at 8 AM pa ang trabaho nito. Ok lang naman sa kaniya na maagang gumising dahil tapos na ang kaniyang OJT at naghihintay na lang siya ng graduation niya. May trabahong naghihintay na sa kaniya after graduation dahil inabsorb siya ng restaurant na pinag-OOJThan niya. Si Yohan ang inaalala niya dahil laging late na itong nakakauwi. Gusto kasing magpasikat ng lalake upang maging regular employee na ito kaagad sa pinagtratrabahuan nito. Sabi kasi ng boss nito ay oobserbahan muna nito ang performance ni Yohan bago ito tuluyang kunin bilang empleyado. She knew that he needed every sleep that he can get.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now