Chapter 73

404 48 17
                                    

"Bagay na bagay ka dito." Agad na napalingon si Apple Pie sa kaniyang likuran dahil sa narinig na boses. It was Yohan, walking slowly towards her. He was smiling while holding something.

Siya ay nakaupo katapat ng vanity mirror at nag-aayos dahil papunta sila ulit kina Xav. Nang makalapit si Yohan sa kaniya ay tiningala niya ito at sinuklian ng ngiti. "Hmm . . .?" she hummed in response.

"Here in the past," paliwanag nito sabay hawak sa kaniyang mga balikat. Pinaharap siya nitong muli sa salamin bago nito pinatong ang baba sa kaniyang leegan. Parehas silang nakatingin sa repleksyon nila at napangiti muli siya dahil sa nakita. "Bagay na bagay ka sa panahon na ito," dagdag nitong ika.

"Nah . . . I don't think so," tanggi niya dahil alam niyang hindi siya papasa bilang "proper binibini" sa panahong ito. Palengkera siya at tila ba laging may kaaway sa tuwing binubuka niya ang bibig.

"You're perfect in my eyes," Yohan murmured before lovingly kissing her right cheek. Napangiti siyang muli dahil sa sinabi nito at tinignan muli ang repleksyon nila sa salamin. "I miss this. I miss you," dagdag na bulong ni Yohan habang hinahagkan siya mula sa likuran. 

Hinawakan niya ang braso nitong nakalingkis sa kaniya bago nag-ika, "Ako rin . . ."

Ang raming panahon na nasayang dahil sa nangyari noon. They had so many plans for their future. Mga planong pinaghandaan na nila kahit matagal pang mangyayari. Ultimo ilang anak ang gusto nila ay napag-usapan na rin nila. Kahit nga ang mariing pag-ayaw niya sa caesarean ay nahabilin na niya dito. Anong brand ng gatas bibilhin nila, anong kulay ng crib, saang school nila pag-aaralin ang anak nila ay nahanda na nila.

Days, weeks, months, and years were wasted. Just because of a single man. Just because of his father. 

Pero babawi na sila. Babawiin nila ang mga panahong nasayang. 

Another chapter would be open. This time, they will no longer be one book far from each other. They're in the same chapter, on the same page, on the same line now.




Hinilig ni Apple Pie ang ulo nito sa balikat ni Yohan na nagpangiti naman sa lalake. Inayos ni Yohan ang pagkakapwesto upang hindi mangalay ang babae bago tinuon ang atensyon sa harapan. Papunta sila ngayon kina Xav, better yet - hinahatid niya si Apple Pie dahil may kailangan siyang asikasuhin sa kaniyang negosyo. He just wanted to make sure that she would arrive safe there. 

Hindi niya pa rin lubos akalain na babalik sila sa pagiging sweet sa isa't-isa ngunit aaminin niyang nagugustuhan niya ang pagbabagong iyon. He smiled and held her hand before squeezing it tightly. Dinala niya ang kamay nito sa kaniyang labi at hinalikan iyon. 

He wanted this . . . for so long. He dreamt of this, craved it.

Yaong magkakabalikan sila. Ilang ulit siyang nagdasal sa Diyos na maibalik sa dati ang lahat. He promised that he would exert two times more effort as her boyfriend if she came back to him. He would make sure that she was provided for, make sure that she would get what she wanted. Lahat ng luho nito ay ibibigay niya.

Dahil sa napagtanto ay napaisip siya kung ano ang maaari niyang bilhin para sa babae. A little surprise perhaps. Bibilhan niya ito ng mga alahas at libro. Natandaan nga rin pala niya na mahilig sa pagkain ang babae kaya siguro iyon ang raramihan niya. Bigla na lamang bumalik sa alaala niya ang mga regalo ng putang-inang De Castro na iyon. 

I should buy something better than those.

Inakbay niya ang kaliwang braso kay Apple Pie at mas nilapit ito sa kaniya. Hindi niya hahayaang may makakuhang iba pa dito. Magkakamatayan muna bago mangyari iyon. 

He knew people might laugh at him. Siya na nga ang niloko at iniwan para sa ibang lalake noon ngunit heto siya at handa na namang magpakatanga. There may be 8 billion people in this world but he is ready to let one woman ruin his life over and over again. 

Iyon lamang ang tanging nasa isip niya hanggang sa makarating sila kina Xav. Agad naman niyang tinulungan ang babae na pumanaog sa kalesa bago ito ginabayan sa harapan ng pintuan. "Hanggang dito lang ako. Kailangan ko pang bumalik sa bayan dahil may aasikasuhin ako," paliwanag niya dito na mahinang tinanguhan lamang ng babae. Papatakan niya sana ng munting halik ang noo nito ngunit bigla nilang narinig ang isang yabag papalapit sa kanila. Sabay silang napalingon ni Apple Pie doon at nakita ang seryosong mukha ni Kuya Zy.

"Huwag ka munang umalis. May problema tayo," tipid nitong ika bago sila muling tinalikuran at naglakad papasok. Nagkatinginan sila ni Apple Pie dahil sa sinabi ng kapatid niya at kahit pa man hindi sila magsalitang dalawa ay alam nila ang pangamba ng isa't-isa.

Kaysa umalis at puntahan ang negosyo niya ay napili niyang manatili at alalayan si Apple Pie papasok ng mansyon ni Xav. Dumiretso sila ng lakad sa may sala ng nakababatang kapatid at nakita silang lahat na naroon at mukhang nag-uusap.

"Anong problema?" agad niyang tanong habang humihigpit ang hawak sa kamay ni Apple Pie. 




Gustong masuka ni Apple Pie dahil sa takot at kaba. Kakaayos pa nga lang nila ni Yohan ay may problema na namang dumating. Aaminin niyang ang bawat hakbang niya papunta sa sala ay tila ba matutumba siya. Buti na nga lang at nakahawak sa kaniya si Yohan. Nang makarating naman sila doon ay agad niyang napansin ang grave expression ng lahat. Nagpasalamat siya sa Diyos na si Yohan na mismo ang nagtanong sa mga ito kung ano ang problema dahil tila ba nabaluktot ang dila niya sa kaba.

Kaysa sagutin si Yohan ay diretso lamang siyang tinignan ni Kuya Zy at tinanong, "Lourdes Zaldua, does that name ring a bell to you?"

Agad na napakunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Ang apelyido nito ay alam niya dahil Zaldua si Christina ngunit hindi niya kilala ang babaeng sinasabi ni Kuya Zy. "Hi-Hindi . . ." nag-aalangan niyang ani. "Ba-Bakit? Ano bang nangyayari?" 

Malakas na bumuntung-hininga si Kuya Zy bago may dinampot na papel sa may lamesa. Inabot nito iyon sa kaniya na agad naman niyang tinanggap. She looked down at the paper and saw a perfect sketch of her face - or rather Christina's. Naguguluhan siyang napatingin ulit kay Kuya Zy kaya naman agad itong nagsalita.

"She is looking for you, claiming that you're her niece. It just so happen that one of Yohan's maid is a tattletale and informed the woman that you are living under his home," habang sinasabi iyon ay nilingon ni Kuya Zy si Yohan sa tabi niya. Ramdam niya ang pagkumo ng kamao ng katabi dahil sa hawak pa rin nito ang kamay niya. Natanggal lamang ang atensyon niya kay Yohan nang magsalitang muli si Kuya Zy. "Sa nakalap ko na impormasyon, ang tanging alam ko lamang ay dadating ang ginang mula Europa sa susunod na linggo. Paniguradong ang pagkuha sa iyo ang unang gagawin nito pag-uwi rito."

"Pe-Pero paano kung ayaw ko? Matanda na ako para magdesisyon sa buhay ko," agad niyang alma ngunit seryoso pa rin siyang tinitigan ni Kuya Zy. Kahit nga sina Xav, Elisa at Pedro ay tikom lamang ang bibig at matiim na pinapanood lamang sila. 

"Hindi iyon ganoon kadali Apple Pie. You're Christina Zaldua and you're not just an ordinary aristocrat. You're from a noble family, a daughter of a baron. An illegitimate one but still the only living child of the late Baron Julian Zaldua," mataas nitong paliwanag na nagpakabog ng dibdib niya. "Apple Pie . . . you're a baroness."



A/N: Napa-update ako dahil ang raming active sa comment section. Thank you~

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now