Chapter 25

459 48 16
                                    

Naglalakad si Apple Pie papunta sa soccer field. A few days has passed and today was Friday. Kakatapos lamang niyang gawin ang mga kailangan niyang gawin sa Food Lab at ngayon nga'y papunta siya sa practice ni Yohan. 

Hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin siya ng boyfriend sa paglilinis ng lab pero kailangan nitong mauna sa kaniya kanina dahil maagang pinapunta ang mga players ngayon ng coach nila. Malapit na kasi ang inaabangang Invitational Games laban sa kabilang Uni at may pagka-competitive rin ang soccer team nila kaya naman puspusan ang training ng mga ito.

Binilisan niya ang lahat ng gawain para makapaghanda siya ng snacks para sa buong team. Simula kasi Monday ay lagi na lamang siyang binabati ng mga ito kapag nakikita siya sa hallway o kahit saang parte ng uni. Mukhang hot topic talaga siya sa GC ng mga soccer players.

Buti na nga lang at may maraming unused ingredients ang natira sa klase niya kanina kaya naman may nagamit siya ngayon. Pinapayagan naman siya ni Mrs. Fortu na gamitin ang lahat ng iyon dahil tiyak na diretso sa basurahan ang lahat ng mga iyon kahit pa man hindi pa nila nagagamit. Napakastrikto kasi ng uni nila pagdating sa mga ingredients na ginagamit. 

Ngayon nga'y may dalawang malalaking plastic siyang dala habang naglalakad papunta sa soccer field. Naghanda siya ng mga hard boiled eggs, avocado toast at veggie omelette para sa lahat. Dahil alam niyang tiyak na magrereklamo si Yohan sa gagawin niya ay ginawan rin niya ito ng chicken wrap. Iisa lang iyon para naman hindi ito magselos sa iba. 

Hayaan nating isipin ng baby damulag na special siya.

Napakaseloso kasi ng gago. Napagalitan niya ito last time dahil sa pagiging OA nito. Nanakot pa ng classmate niya. Hindi niya ito pinansin ng buong araw at kay Gwyneth sumabay ng kain kaya naman mabilis itong nag-sorry sa kaniya. Pinagsabihan niya lang na huwag ng uulitin at para namang bata ito na kumapit sa kaniya.

Mahina na lamang siyang napatawa nang matandaan ang nangyari sa buong linggo nila. The news of them being a couple quickly spread like a wildfire across the campus. Hindi naman mahirap matuklasan iyon dahil panay sunod sa kaniya ni Yohan. Para itong aso na nakatali sa kaniya at kung wala pa silang class ng magkahiwalay ay baka dumikit lang talaga ang gago sa kaniya. 

Tuwing umaga ay dadating ito sa boarding house niya at sabay silang pupunta sa uni. They will attend their separate class and then meet up again during lunch. Nakadepende lang sa mood nila kung saan sila kakain. Minsan sa labas pero mostly sa canteen lang sila. Yohan even cash in some money in her I.D. so she can still eat in the canteen even when he was busy. Then they will attend their afternoon class and meet up again after class. Didiretso sila sa boarding house niya at doon tatambay. They will either eat out or have their dinner delivered at her place. Tapos uuwi ito ng 10 PM, magcha-chat sa kaniya kapag nakarating na ito sa bahay, they will talk for maybe an hour or so and then sleep. 

Napaka-routine ng buhay nila as in.  

Naputol lamang ang kaniyang pagbabalik-tanaw nang makarating na siya sa labas ng soccer field. Buti na nga lang at dinala rin ni Yohan ang bag niya nang pumunta na ito dito kaya naman hindi siya nahihirapan sa dala ngayon.

Tumingin-tingin siya sa field habang naglalakad sa usual seat niya. Nagsisimula na ang mga players sa practice game nila at kita niya si Yohan na seryosong nakatuon ang atensyon sa bola. Mukhang hindi pa nito napansin ang pagdating niya. 

Agad naman niyang nilapag sa bleachers ang dalang plastic nang makarating na siya sa upuan niya. As expected ay naroon ang mga bag nila ni Yohan na magkatabi. Umupo siya at tinuon ang atensyon sa mga naglalaro. Nakangiti lamang niyang pinapanood ang laro hanggang sa sabihin ng coach na break muna daw ang mga ito. 

Agad namang naglakad papunta sa direksyon niya si Yohan at nang makita na naroon na siya ay lumawak ang ngiti nito. He started jogging towards her and when he was already in front of her, he quickly kissed her forehead before greeting her. "Hi, langga!"

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now