Chapter 31

436 47 16
                                    

Apple Pie wanted to smile widely but restrained herself from looking like a fool. Isa siyang magalang na binibini ngayon kaya naman dapat siyang umakto na ganuon.

She watched as Yohan walked slowly towards her before holding her hand and guiding her towards the clear grassland, only the afternoon sky illuminated their surroundings, drowning her in her own imagination of being born during the 19th century. Maingat siyang ginabayan papalapit ni Yohan ngunit ang layo nila sa isa't-isa ay sapat lamang. He then guided her to sway side by side in a slow rhythm while their eyes look at each other.

"Pagpasensyahan mo na ginoo ngunit parehas na kaliwa ang aking mga paa. Baka maapakan ko ang iyong sapatos," she apologized, still doing their roleplay as binibini and ginoo. God knows how much she wanted to crack a joke or something but Yohan looked like he was enjoying their roleplay so much so she tried to refrain herself.

"Huwag kang mag-alala, binibini. Gagabayan kita," he reassured her whilst guiding her stiff as hell body to move in the right direction. She was still hesitant with her every step but she later started becoming more relaxed in the arms of Yohan.

"Yohan . . ." mahinang tawag niya dito.

"Hmm . . .?" malambing nitong sagot sa kaniya habang unti-unting hinahapit siya papalapit dito. Their swaying bodies were like one entity, moving in one rhythm even without a music.

"Bakit mo ba talaga ako dinala dito?" she asked curiously. Alam niya at ramdam niya na may ulterior motive si Yohan kung bakit sila pumunta dito. He has been acting really weird nowadays and she even caught him tying her finger with a yarn while she was sleeping.

May pakiramdam na siya sa kung ano ang dahilan bakit nito ginawa iyon. The promise ring that he gave her was a little bit bigger then her finger. Nasusuot pa rin naman niya ngunit dapat siyang mag-ingat dahil baka biglang mahulog. Malakas ang pakiramdam niya na binilhan na naman siya ni Yohan ng singsing. Hindi pa nga siya nakakabawi sa guilt na dapat pa itong umutang para sa promise ring na iyon ngunit heto na naman ang lalake at mukhang may singsing na namang ibibigay sa kaniya.

She watched as Yohan hesitated for a few seconds before finally answering her. "Hindi ba nasabi ko noon na nais kong gamitin ang pagkakataon na ito upang masabi natin sa isa't-isa ang mga bagay na nahihiya tayong sabihin?"

"Hmm . . . oo. Ano bang gusto mong sabihin sa akin?" nagtataka niyang tanong.

"Dalawang buwan na lamang at matatapos ka na sa kulehiyo, 'diba?" he asked in confirmation that made her baffled even more.

"Oo. Bakit?" 

"May pinakita ako sa iyong mga litrato ng mga bahay-paupahan, 'diba? Tinanong kita kung ano ang pinakagusto mo sa mga iyon," pag-papaalala sa kaniya ni Yohan na agad namang nagdala ng isipan niya sa araw kung kailan pinapili nga siya nito. Tanda niya na pinakita siya ni Yohan ng iba't-ibang pictures ng mga apartment sa city nila. Magaganda naman ang lahat ng mga iyon ngunit ang napili niya ay yung may pinakamagandang kusina. 

Napag-usapan na kasi nila ni Yohan na bubukod na nga daw ito sa mga kuya nito pagkatapos nitong gumraduate. Natagalan nga lang ang plano nito dahil simula ng maka-graduate ay wala ng natatanggap na allowance si Yohan kay Kuya Zy. Hindi na daw ito bibigyan ng kuya nito dahil dapat na daw itong magtrabaho. Sabi sa kaniya ni Yohan ay mag-iipon muna daw ito para sa pagbukod nito. 

Nang pinapili siya nito ng apartment ay ang kusina ang agad niyang kinonsider dahil for sure naman na palagi siya doong tatambay sa apartment nito at kusina ang una niyang pupuntahan palagi.

"Natatandaan ko, Yohan," she answered.

Matapos iyon ay tila ba nag-aalangan si Yohan na magpatuloy sa sasabihin. "Uhmm . . . lilipat na ako doon sa susunod na linggo," balita nito na agad namang nagpa-excite sa kaniya.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now