Chapter 87

319 36 5
                                    

A few days passed after Apple Pie was able to talk to Xav. Tiwala siyang maihahatid nito ang sulat niya ngunit alam rin niya na mahihirapan siyang magpadala muli ng liham dito. Baka maghinala ang kaniyang tiyahin kung bakit na lang siya palaging nagpapapunta ng doktor dito sa mansyon. She just trust that Yohan would read her letter and do something.

"Nina . . ." tawag niya sa isa sa mga katiwala na naging malapit na sa kaniya. They've became close since Nina was like a lady-in-waiting for Christina. Isa ito sa mga nagpapaligo sa kaniya at tumutulong upang makapagbihis siya. Hindi niya alam pero magaan ang loob niya dito at tiyak siyang mapagkakatiwalaan ito. 

"May kailangan po ba kayo, Binibini?" agad na tanong sa kaniya nito. Nina was slowly brushing her hair while she was sitting down in front of the mirror. Ito na ata ang naging "bonding time" nila dahil malaya silang makipag-usap sa isa't-isa tuwing inaayusan siya nito.

"May okasyon bang paparating? May nakita kasi akong daang-daang kandila na hinatid dito sa mansyon. Pansin ko rin na para bang ang raming sangkap na pinamili at nilagay sa kusina," usisa niya dito. Kanina niya iyon napansin. Nasa sala kasi siya at sinusubukang matutong magtahi. Please take note of the word "sinusubukan". As in, kahit ilang ulit na siyang turuan ni Nina ay hindi pa rin niya talaga kayang manahi ng maayos. 

Anyways, back to what she said. Ang busy ng mga tao sa baba kanina. Para bang may pinaghahandaan ang mga ito. Syempre, wala siyang kaalam-alam patungkol doon. Tila ba multo ang turing sa kaniya ng mga tao. They knew she was there but they don't acknowledge her presence that much. It was as if she just need to sit and look pretty for their eyes.

"Hindi po ba nasabi sa iyo ni Ginang Lourdes po?" tanong nito na inilingan lamang niya.

"May gaganapin po daw na malaking salo-salo bukas. Mukhang ipapakilala na po kayo sa lahat," paliwanag nito. She knew that this day would come. Naiwasan lamang talaga niya ang pagharap sa sociedad at umaktong si Christina sapagkat hiniling niya sa tiyahin na bigyan siya nito ng kaunting panahon para maayos ang sarili. Of course, her ever loving aunt agreed because she thought she was still in shock by her "accident" and head-injury. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ito na nabagok siya kaya hindi niya matandaan ang maraming bagay tungkol sa buhay niya. She won't complain, whatever helps her avoid any confrontation and questions. "At mukhang ihahayag na po ni Heneral ang plano niyang panliligaw sa iyo," kilig nitong dagdag na nagpataas ng kilay niya.

"Ano?" she asked. Mabilis siyang napalingon sa likuran niya kung saan ito nakatayo. Dahil doon ay napatigil ito sa pagsusuklay ng buhok niya. "Nina, ano ang sinabi mo?" ulit niya.

"Na-Narinig po kasi kagabi ng isang katiwala na humingi na po ng permisyo si Heneral de Castro sa iyong tiyahin upang pormal ka na pong ligawan. Ang iyong tiyahin naman po ay tiyak na pumayag sapagkat bata pa lamang kayo ng heneral ay ito na ang napupusuan ng pamilya mo po," tila kinakabahang sagot sa kaniya ni Nina. Hindi ka ba naman ang kakabahan kung para bang dinaanan siya ng demonyo dahil sa tindi ng kunot sa kaniyang mukha.

He's gonna court her now?! And he didn't even ask her!

Bakit dumiretso ito sa tiyahin niya at ni hindi man lamang siya tinanong. Ito namang putragis niyang tiyahin ay pumayag kaagad kahit na hindi pa siya nito nakakausap.

"Binibini . . . may mali po ba akong nasabi?" natatakot na tanong ni Nina. She knew why she was so scared. Nina was scared to offend her in any way because she might lose her job. Nakasalalay sa kaniya ang hanap-buhay nito. Agad naman niyang pinakalma ang sarili at nginitian ito. 

"Huwag kang mag-alala, sadyang nagulat lamang ako."

"Pagpasensyahan niyo na po ngunit akala ko po talaga na sang-ayon rin po kayo sa desisyon ng tiyahin niyo po," pagpapaliwanag nito na nakakuha naman ng atensyon niya.

"Bakit mo naisip iyon, Nina?" she asked.

"Hindi po ba noong mga bata kayo ni Heneral de Castro ay halos hindi na po kayo magkahiwalay? Sa pagkakatanda ko po ay ikaw po ang unang umiiyak sa tuwing uuwi na po ito. Marami pong nakaisip na kayo ang magkakatuluyan. Sadyang nagkahiwalay lamang po kayo dahil sa biglaang pagkamatay ng ama niyo po," kwento nito sa kaniya. Nina stopped as if contemplating whether she said enough, but she nodded encourangingly. "Napaghiwalay po kayong dalawa nang iutos ng iyong nakatatandang kapatid na nasa Europa na lumipat ka na raw po doon. Hindi po sang-ayon ang iyong kapatid na tinatago ka lamang po daw ng iyong ama rito sa Pilipinas."

Ooohh . . . so Christina was well-provided for by her father, but in exchange, she would be left in the shadows. The illegitimate child that no one should know of. 

"Ngunit nang lumipat ka nga po sa Europa ay agad naman pong namatay ang iyong nakatatandang kapatid. Ang isa sa mga huling habilin niya ay alagaan ka po ng pangalawang anak po ng iyong ama. Nang lumipat naman po kayo doon ay misteryosong namatay ang pangalawang kapatid niyo po at doon naman po kayo hinabilin sa pangatlong anak . . ." mukhang nag-aalangan pang ipagpatuloy ni Nina ang sasabihin kaya tinitigan niya ang repleksyon nito sa salamin.

"Namatay rin siya?"

"O-Opo . . ."

What the hell is happening?!

"Tapos? Anong nangyari?" Gusto niyang malaman ang lahat-lahat pero sumasakit ang ulo niya. It was as if the more she knew, the more complicated it become. Sinusundan ata ng kamatayan si Christina dahil lahat ng mga taong napapalapit dito ay namamatay.

"Doon po kayo sa inyong tiyuhin sunod na inihabilin at ang huling balita po ay nakaratay pa daw po sa higaan ang anak nito dahil daw po sa inyo . . ." Nina's voice trailed off while saying that. From her story alone, Christina sounded like a serial killer. Lahat ng mga taong nasa paligid nito ay nasasaktan o namamatay. Hindi na niya kailangan tanungin si Nina sa kasunod sapagkat siya na ang nasa katawan ni Christina nang tumakas ito sa tiyuhin. 

Ano ba talagang nangyayari?

She was so deep in thought not until another maid knocked lightly at her door. "Pasok!" sigaw niya.

"Binibini, narito po ang tiyuhin niyo," pahayag nito na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Speaking of the devil and the devil shall appear.

A/N: Another update dahil may nanghihingi. XD

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt