Chapter 103

298 31 4
                                    

Napailing-iling na lamang si Xav habang pinapanood ang nakatatandang kapatid. Kanina pa hindi mapakali si Kuya Yohan. He was so sure that he already burned a path on the carpet because of his constant pacing inside Apple Pie's bedroom. Kasalukuyan itong nakahiga sa isa sa mga guest room sa bahay niya.

After Christina's grandmother found out about the general's twisted and sick obsession with her niece, the old woman automatically did all she can do to punish the man. Kitang-kita ang totoong pagmamahal nito sa pamangkin. Dahil nga sa pagiging busy nito sa pagpapakulong sa heneral ay agad naman itong sumang-ayon nang isuhestiyon niyang dito muna mamalagi si Christina. Doktor naman siya at idagdag pa na nandito rin si Elisa upang tumulong sa pag-aalaga kay Apple Pie. 

Ngayon nga'y halos dito na rin tumira si Kuya Yohan dahil sa pagbabantay sa minamahal nito. Apple Pie has been asleep for three days already. Ilang ulit na niya itong na-check-up ngunit wala talagang mali dito. No internal or external wounds, her heartbeat is normal, everything is just the way it is. 

She was just asleep, that's it.

Malakas muna siyang bumuntung-hininga bago nilapitan ang kuya na mukhang gusto pa atang sabunutan ang sarili dahil sa frustration na nararamdaman. "Kuya, you should get some sleep first. Tatawagin naman kita kung sakaling magising na si Apple Pie." Seriously, he has been awake more than necessary. Halos hindi na ito natutulog at tanging nakatabi lamang sa natutulog na porma ng babae. He also tried persuading him to sleep in a different room because the bed where Apple Pie is lying down was so small for two person. Ayaw nito at pinipilit pa ring isiksik ang sarili katabi ng babae. He even caught him sleeping with his ears next to Apple Pie's left chest where her heart is. Nang tinanong niya ito ay pinaliwanag naman ni Kuya na para daw kung sakaling biglang tumigil ang pagtibok ng puso ni Apple Pie ay kaagad naman nitong malalaman iyon. 

Awang-awa na siya sa nakatatandang kapatid lalong-lalo na dahil naramdaman na rin niya ang nararamdaman nito noong si Elisa naman ang muntikan ng mamatay. It was the worst feeling that he ever felt and he wouldn't want to go through it again. Hindi na niya ata kakayanin. 

"Why is she still not waking up?" kalmadong tanong ni Kuya Yohan ngunit mahihimigan pa rin ang panginginig doon. Gabi-gabi itong umiiyak at rinig na rinig nila iyon. Dahan-dahan siya nitong nilingon at doon na niya nakita ang namumula nitong mga mata at ilong. 

"I . . . I also don't know," he sadly replied before looking at Apple Pie sleeping peacefully, not noticing the torment that she was now putting them through. 

"Xav . . ." naiiyak na tawag sa kaniya ni Yohan. Nilingon niya itong muli at hinintay ang sasabihin nito. "Xav, I don't know what to do anymore," amin nito at kitang-kita ang paghihirap nito dahil sa sitwasyon. Kuya Yohan has always been a logical person ever since he graduated from college. Magaling ito if pag-uusapan ang business at lahat ata ng possible na mangyari ay lagi itong may back-up. Nakakapanibago lamang na makita ang isang tao na "always ready" ang motto na biglang aamin na talo na siya at wala siyang alam na ibang gawin sa sitwasyon na ito. 

Kahit nga siya ay parang gusto na ring sumuko ngunit buhay ni ate ang pinag-uusapan nila dito. He loves her. Halos ito na rin ang nagpalaki sa kaniya noon after na mawala ni Ate Louisa. Alam rini niyang si Apple Pie ang buong buhay ni Kuya Yohan kaya naman kung sakaling mamatay ito ay para na ring namatay ang kaniyang kapatid. 

"Kuya, hang in there . . . we would do our best to save her, right?" pilit niyang ngiti na sabi dito. "Remember what Kuya Zy said yesterday? Hahanapin niya si Sidapa at papakiusapan na gawin kay Apple Pie ang ginawa nila noon kay Elisa. Everything would be fine. We would save her," pagpapagaan niya sa loob nito. 

His expression remained unchanged but at least he caught a slight glimmer of hope in his eyes.

May sasabihin pa sana siya ngunit sabay silang napalingon ni Kuya Yohan nang marinig ang pagbukas nito. Unang pumasok si Elisa at Pedro na hingal na hingal.

"El? Anong problema?" nagtataka niyang tanong dito habang naglalakad papalapit sa asawa upang punasan ang pawisan nitong noo. 

Elisa caught her breath first before answering him, "Nandito na sila." Mukhang napansin nito ang pagkunot ng noo niya dahil sa kalituhan kaya naman nagsalita itong muli. "Nandito na sina Ginoong Crisostomo at Lolo Percy."

Agad silang nagkatinginan ni Yohan dahil sa narinig ngunit mabilis rin iyong naputol nang marinig nila ang pagpasok ng tatlong pares ng paa sa silid na iyon. 

"Kuya!" tuwa niyang tawag kay Kuya Zy. Akala niya talaga noon na aabutin ng isang linggo ang paghahanap sa mga diyos na ito. After kasi ng pagtulong ng mga ito sa pagligtas kay Elisa ay mabilis namang naglaho ang mga ito sa buhay nila. They never visited or even write a letter to tell them their whereabouts. Nothing is really impossible if it's Kuya Zy we are talking about. 

"I've brought them here, now Yohan, tell them what you want," pormal na ika ng kapatid habang diretsong nakatitig kay Kuya Yohan. 

After hearing that, Kuya Yohan didn't even hesitate and immediately went down on his knees in front of these two gods. "Help us, please. Please . . . Please. . . I'll do everything you ask me to do just please help her."

Rinig niya ang paghikbi ng kapatid habang bahagyang tinuturo si Apple Pie. Napakunot naman ang noo ni Direct Percy habang nakatitig sa babae. Mukhang hindi nito naintindihan kaagad ang nangyayari ngunit lumingon ito sa kaniya at kay Elisa bago binalik ang atensyon kay Kuya Yohan. Nagulat naman sila nang bigla itong malakas na napahalakhak. "Okay, don't get me wrong. I don't want to be mean but may I ask first, why did you assume that I would help you?" Nanatiling tahimik ang lahat at hindi alam ang isasagot sa tanong nito. Mukhang napansin rin iyon ng matanda dahil muli itong nagsalita. "Hindi ko kayo matutulungan."

"Why?" may halong galit, inis at desperation sa boses ni Kuya Yohan habang sinasabi iyon. 

Napatigil ang matanda at napailing-iling na para bang nakikipag-usap ito sa isang bata. "Ni minsan ay hindi ako nakialam sa storya ng buhay niyo kaya naman wala akong obligasyon na pakialaman ang tadhana niyo. I was only given permission to help save Binibining Elisa's life because I meddled with their story. Hindi ganuon kadaling bumuhay ng patay, Ginoong Eduardo."

"She's not dead!" galit na sigaw ni Kuya Yohan habang tinatayo ang sarili mula sa pagkakaluhod. Akma sana nitong susugurin ang Diyos ng Tadhana ngunit mabilis niya itong napigilan. Baka mas lalo pang umayaw sa pagtulong ang mga diyos na ito sa tinatangkang gawin ni Kuya Yohan.

"She's not YET dead," pagtatama ni Direct Percy bago nilingon si Sidapa na tahimik lamang na nakatayo sa likuran nito katabi si Kuya Zy. Magkasing-tangkad lamang ang dalawa kaya naman mukhang kambal ang mga itong tignan sa malayo. "Right, big man?" ngiting tanong ni Direct Percy sa kasama na para bang inuudyok itong tulungan siyang magpaliwanag. 

Hindi nagsalita ang mala-higanteng lalaki at bagkus ay may kinuha mula sa bulsa nito. It was a card that he remembered as the "Death Card". Doon nakasulat kung sino ang mga taong mamamatay at kung kailan ito kukunan ng buhay. He was holding it with his two fingers and then expertly flipped it so that they can read the content. "Nasa akin na ang hatol sa kaniya. Wala na kayong magagawa."

On the card was Apple Pie's name with the date placed next week. 

"Don't worry, she would wake up tomorrow but I gotta warn you, she's gonna die next week already. Better say your goodbyes while you can," tila walang pakialam na ika ni Direct Percy bago naglakad na papalabas ng silid. Sila naman ay naiwang tulala doon at hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. 

Naputol lamang ang nakabibinging katahimikan nang si Sidapa naman ang nagsimulang umalis ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay nilingon nitong muli si Kuya Yohan bago nag-ika, "Alam kong mahirap ibuklat ang pahina kung alam mong wala na sa susunod na kabanata ang tao na pinangakuan mong makakasama hanggang wakas, ngunit dapat magpatuloy ang kwento at wala ka ng magagawa doon."

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora