Chapter 11

533 50 34
                                    

Yung kamay ko . . .

Palipat-lipat lamang ang paningin ni Apple Pie mula sa kaniyang kamay na hawak-hawak pa rin ni Yohan, hanggang sa seryosong mukha ng lalake na nakatingin lamang sa labas ng tricycle na kinasasakyan nila ngayon. Nakasakay na sila ng tricycle at lahat-lahat pero hindi pa rin binibitawan ng lalake ang kamay niya. Hinay-hinay niyang hinila ang kamay papalayo dito ngunit katulad ng nangyari kanina ay hinigpitang muli ni Yohan ang hawak nito sa kaniya. 

Diyos maawain! Yung heart ko po need ng CPR!

Yohan was acting really weird around her these past few days and today wasn't an exemption. Makahawak ito sa kamay niya ay para silang mag-jowa. Ito namang heart niya ay napakalaking assumera.

Apple Pie! Hindi ka marupok! I repeat, hindi ka marupok!

She inhaled and exhaled multiple times while trying to calm her heart, but her breathing might be too loud because Yohan glanced at her and worriedly asked, "Are you ok?" His warm, brown eyes were looking at her with unexplained emotion that she was deciphering as affection. Ang tono ng boses nito ay katulad kanina na parang nanlalambing. Her determined mind and cold heart suddenly took a U-turn and surrendered to his charm.

I take back what I said. Marupok ako! Aaminin ko na! Marupok talaga ako!

"O-Ok lang . . ." nagpipigil ng kilig na sagot niya dito bago mabilis na tumingin sa ibang direksyon.

Pisteng yawa! Di nako Lord! Ayaw ko hatagi ug pagsulay na parehas ani. Marupok ako Lord!

Buong biyahe ay nagdasal lang siya ng dalawang Ama Namin at tatlong Aba Ginoong Maria. Kailangan niya ang tulong ng buong kalangitan upang hindi maging marupok sa mga tingin ni Yohan sa kaniya. Idagdag pa ang init ng kamay nito na mahigpit pa ring nakahawak sa kaniya ay sigurado talaga siyang kailangan na niyang magrosaryo.

Nang makarating na sila sa "Tusok-Tusok" ay si Yohan na ang nagbayad ng pamasahe nila habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya. Siya pa nga ang kumuha ng pera sa wallet nito dahil ayaw nitong bumitaw kahit na nahihirapan na itong hawakan ang wallet.

He didn't let her hand go even when they were walking towards the busy place full of students and workers that just came from school or their work. As expected ay puno ang lugar at siksikan kaya naman hinapit siya ni Yohan papalapit dito. "Saan tayo bibili?" tanong nito sa kaniya.

The hair on the back of her neck raised up because of their proximity to each other. "Uhmm . . . actually ang kada stall ay may iba't-ibang binibenta. Mas mabuti siguro kung iisa-isahin natin para naman malaman mo kung may gusto kang kainin."

Yohan just nodded his head because of her suggestion before carefully guiding her towards the nearest stall from them. Just the mere feeling of his presence near her made her body shiver. Ang lapit nila sa isa't-isa ngunit wala siyang maramdamang pagtutol. It was as if normal na sa kanila ang ganito.

They ended up buying almost all the available foods for every stalls and then she suggested to him that they could sit down at the side of the boulevard, overlooking the beautiful night sea. Usually kasi ay doon nauupo ang mga ibang mga tao kapag puno na ang mga tables doon sa "Tusok-Tusok". Nilagay ni Yohan ang lahat ng pagkain sa may gitna nilang dalawa bago siya tiningnan na naman na para bang may gusto itong sabihin sa kaniya.

"Bakit?" tanong niya dito.

He looked as if he wanted to say something but then changed his mind halfway. "Itatanong ko sana kung bakit "Tusok-Tusok" pangalan ng lugar na ito, it's kinda funny for a name to be honest," ika nito.

"Oh! Tingin ka sa mga foods na available dito," saad niya sabay dampot sa isa sa mga fishballs na binili nila gamit ang toothpick na nakalagay doon. "Lahat ng mga pagkain na mabibili dito ay pwede mo lang matusok gamit ang toothpick kaya "Tusok-Tusok" tawag nila sa lugar na ito. Look! May siomai, kwek-kwek, boiled eggs, kikiam pati na rin tocino," pagpapaliwanag niya habang tinuturo isa-isa ang mga binili nila.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now