Chapter 15

492 53 24
                                    

"Akala ko ba bukas pa uuwi si Kuya?!" nagpa-panic na tanong ni Yohan kay Xavier habang frustrated na nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan sa pinaghintuan niya. Aaminin niyang inaantok na siya kanina ngunit biglang nagising ang kaniyang diwa dahil sa sinabi ni Xavier sa kaniya.

"Sabi ni Kuya maaga daw natapos ang business niya sa Baguio kaya dumiretso siya ng uwi," paliwanag sa kaniya ng nakababatang kapatid. 

"So how the fuck did he know that I'm not inside my room?!" nalilito pa rin niyang ani. Understandable na kasi na maaari siyang mabisto ni Kuya Zynder na lumabas ng bahay sa gitna ng gabi kung talagang nakauwi ito. Ang tanong nga niya lang ay kung papaano. Usually ay hindi naman sila chini-check ni Kuya tuwing gabi dahil alam nitong hindi naman sila mahilig gumimik ni Xavier. 

How would he even know that I'm not there, if in the first place ay hindi naman nito kaugalian na pumunta sa kwarto ko?

Napakunot ang kaniyang noo nang biglang napatahimik si Xavier sa kabilang linya. "Xav," tawag niya dito.

"Uhmm . . . I may or may not have told him that you already have a girlfriend and that you are going to her boarding house tonight . . . Oh! Umaga na pala! Haba naman ng session niyo," guilty na amin nito ngunit mahihimigan ang pinipigilan nitong tawa na agad namang nagpakulo ng dugo niya.

"You better hide when I get home, you little shit!" banta niya dito bago inis na binabaan ang kapatid. 

Padabog niyang tinapon sa passenger's seat ang cellphone niya at inis na pinaandar muli ang sasakyan. Hindi na siya nagulat na inilaglag siya ni Xavier. Simula pa pagkabata nila ay para bang misyon na nila sa buhay ang isumbong ang isa't-isa kay Kuya Zynder. Minsan naaawa na nga siya kay Kuya dahil ito lagi ang naaabala sa mga kalokohan nilang dalawa ni Xavier. 

He had already started practicing the words and explanations that he would tell his brother throughout the drive home. Kailangan niyang depensahan ang sarili sakaling akalain ng kuya niya na sex lang ang pinunta niya kay Apple Pie. 

Nang makarating sa bahay ay dali-dali niyang pinark ang sasakyan sa garahe nila at mabilis na naglakad papasok ng bahay. Akma na sana siyang didiretso sa kwarto ni Xavier at tuturuan ng leksyon ang pahamak na kapatid ngunit agad siyang tinawag ng isa sa mga katulong nila.

"Sir Yohan," tawag ng head maid nila na agad namang nagpalingon sa kaniya dito. "Pinapapunta po kayo ni Sir Zynder sa office niya. Kabilin-bilinan po niya kanina na doon po daw kayo dumiretso pagkarating niyo." Napatingin siya sa wall clock at nakitang malapit na mag-3 AM at siguradong pagod na ang kapatid ngunit hinintay talaga siya nito.

Malakas siyang napabuntung-hininga bago nilihis ang daan na nilalakad at dumiretso na lamang papunta sa office ni Kuya Zynder. Nang makarating siya sa may pintuan ay mahina niyang kinatok iyon bago binuksan. 

He bravely walked inside, taking in mind that he was innocent, so he shouldn't worry about anything. Akala niya ay kaya na niyang harapin ang nakatatandang kapatid, ngunit nang bumungad sa kaniya ang seryosong mga mata ni Kuya Zynder na diretsong nakatutok sa kaniya ay tila ba nabahag ang kaniyang buntot.

"Ku-Kuya . . ." kinakabahan niyang tawag dito. 

Hindi agad siya nito sinagot bagkus ay matiim lamang na tinitigan. Nakatukod ang siko nito sa mahogany desk ng office nito at pinagsiklop iyon habang para siyang kinikilatis tulad ng ginagawa nito sa korte. Siya naman ay nanatiling nakatayo sa harapan nito at hinihintay kung ano ang sasabihin ng kapatid.

Kuya Zynder leaned back on his seat before finally speaking. "Bakit ngayon ka lang?" His voice was calm, yet he knew that he was in trouble. 

"I . . ." nag-aalangan niyang bulong sapagkat alam niyang ang guilty niyang pakinggan kung sakaling sumagot man siya.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now