Chapter 61

436 46 13
                                    

Hindi maiwasang mapanguso ni Apple Pie habang inis na tinutusok ang tapa na kinakain. Paano ba naman na hindi siya maiinis kung ang lalakeng wagas maka-mukbang sa bibig niya kagabi ay walang pakialam lamang na kumakain sa katapat niya. Matapos nitong lapangin ang labi niya kagabi ay aba't tinulugan lamang siya ng yawa.

Ayun na eh! Na-turn on na siya eh!

Pagkagising naman niya kanina ay wala na ito sa tabi niya. Nakita niya lamang ito ulit ngayong agahan nang ito mismo ang nag-imbita sa kaniya na magsabay silang kumain. Himala nga na ginawa nito iyon dahil sa ilang linggong pananatili niya dito ay ni minsan hindi siya nito sinabihang sumabay ng kain dito. 

Ngayon nga'y awkward silang kumakain ng sabay - or more appropriately siguro kung sabihin niyang siya lamang ang nakaka-feel ng awkwardness. Si Yohan kasi ay walang pakialam na kumakain habang siya naman ay panaka-nakang tinititigan ito. Bakit ba naman kasi nito piniling kumain sa kabilang parte ng lamesa. Long table pa naman ang nandito sa dining room tapos silang dalawa ay nakaupo sa kada-side niyon. Ang layo-layo tuloy nila sa isa't-isa.

"Psh . . ." bagot niyang bulong bago muling ngumuya ng tapa. Nakakainis lamang dahil naiilang siyang magtanong kay Yohan kung ano ba ang kahulugan ng paghalik nito sa kaniya kagabi. Baka kasi kapag nagtanong siya ay sabihin nitong wala itong natatandaan, edi pahiya siya kung nagkataon.

Ano ba naman sasabihin ko? Hoy ginoo! Bakit nag-mukbangan tayo kagabi? 

"Hay naku . . . Kung sinabi ba namang may kainan kagabi, edi sana yung eat-all-you-can ang pinili ko," napalakas niyang sabi kaya naman agad siyang nabigla at tinakpan ang bibig. Nahihiya siyang napalingon kay Yohan na ngayon ay nakatitig ng diretso sa kaniya. 

Hawak-hawak nito ang tasa ng kape at humigop muna roon bago nag-ika, "I am gonna host a dinner party here tomorrow evening. Nagsisimula ng magpadala ng imbitasyon si Luisito. My invitations were quite late but I'm pretty sure they would come. Paminsan-minsan lamang ako nangingimbita ng mga tao sa mansyon ko kaya naman tiyak na nais ng lahat na makadalo." Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa tinuran nito.

Is he informing me or nagpapabida ito?

"At bakit mo ako sinasabihan niyan?" naguguluhan niyang tanong.

Malakas na napabuntung-hininga muna si Yohan bago siya sinagot. "It means that almost everyone would be here. I want you to be on your best behaviour. Huwag na huwag kang lalabas ng kwarto."

Mabagal siyang tumango-tango upang ipakita ang pagsang-ayon dito. She has no problem with that since she really needed to stay away from the public's eye. Hindi niya alam kung sino-sino exactly ang nakakaalam sa pagmumukha ni Christina at kung ano ba ang nagawa nitong kasalanan. Mas safe kung iiwas siyang magpakita sa nakakarami. Nung ginala naman siya ni Xav ay sinigurado niyang hindi masyadong kita ang mukha niya gamit ang pamaypay na dala. She kept on using the fan to hide her face just in case.

Mukhang nagustuhan naman ni Yohan ang sagot niya dahil tumango lamang ito at binalik ang atensyon sa pagkain. Siya naman ay naiwang nakatitig dito at nag-iisip pa rin kung tatanungin ito patungkol sa nangyari kagabi.

Ano ba ibig sabihin niyon?  Why is he acting like nothing happened?

Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago akmang ibubuka ang bibig upang tanungin ang lalake, ngunit bago pa man may lumabas na salita sa kaniyang bibig ay pumasok na si Luisito sa hapag-kainan at lumapit kay Yohan. May hawak na bungkos ng bulaklak ang assistant ni Yohan at nilapit iyon sa lalake.

"Ginoong Eduardo, narito na po ang mga bulaklak na kada linggo niyo pong pinapadala kay Binibining Carmelita," imporma nito bago maingat na nilapag ang mga bulaklak sa may lamesa. Napatingin siya doon bago inangat ang mga mata kay Yohan na nakatingin na pala sa kaniya. Agad-agad naman niyang iniwas ang mga mata dito at napagpasyahan na lamang ibalik ang atensyon sa pagkain kahit pa man wala na siyang gana.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now