Chapter 88

305 36 15
                                    

Apple Pie went out of her room with her chin raised high up. Ginoong Zaldua was the man who ordered three men to capture Christina when she first got here. Hindi na siya magugulat kung ito rin ang may nais na magpapatay sa kaniya.

Wala siyang kaalam-alam sa totoong nangyari sa anak nito at kung may kinalaman ba talaga si Christina sa nangyari dito ngunit hindi niya hahayaan na insultuhin siya nito. Obnoxious she may sound, but she won't let anyone call her a murderer.

Maingat siyang bumaba mula sa pangalawang palapag at mula sa hagdanan ay kitang-kita niya ang isang matandang lalake na nakaupo sa may isang chaise longue ng kanilang sala. Nakatalikod ito sa kaniya at ang tanging nakikita lamang niya ay ang nag-aalalang mukha ng kaniyang Tiya Lourdes. 

"Tus acusaciones están terriblemente equivocadas. Mi sobrina nunca le haría daño a nadie, y mucho menos mataría a alguien," rinig niyang ika ng kaniyang Tiya. Hindi man niya iyon maintindihan ay tila ba alam ng isip niya na pinagtatanggol siya nito.

(Your accusations are terribly wrong. My niece would never harm anyone, let alone kill someone.)

"¿Se ha olvidado de la muerte de sus hermanos? Sabía que no debía tomarla bajo mi cuidado. Ella es la razón por la que mi único hijo está un paso más cerca de la muerte. No me sorprendería si ella también intenta matarte. ¡Es una bruja!" sigaw na sagot ni Ginoong Zaldua. Pinagduduro pa nito ang kaniyang tiyahin. She was not exactly close with the old woman but she won't allow anyone to disrespect her.

(Have you forgotten about the deaths of her brothers? I knew I shouldn't take her in my care. She's the reason why my only son is one step closer to death. I wouldn't be surprised if she tries to kill you too. She's a witch!)

"Ipagpaumanhin niyo po ngunit para kang manok na putak na putak riyan. Tumahimik ka dahil sumasakit ulo ko sa iyo," maldita niyang ika habang nakatayo sa may gitna ng hagdanan. Sabay na napalingon ang mga ito dahil sa ginawa niya. 

The old Zaldua stood up and smirked angrily at her. "Mukhang nandito na ang mamamatay tao," he mockingly commented.

"May ebidensya ka ba, tanda?" walang-galang niyang ika habang naglalakad papalapit dito. Mukhang hindi nito inaasahan ang kaniyang sinabi dahil napabuka sa gulat ang bibig nito. One lesson she learned from Xav was that being rich means that she has every freedom to be the most disrespectful bitch this timeline has ever seen. As far as she know, she is rich "rich". Emphasis on the double rich.

"¿Puedes ver lo irrespetuosa que es esta mujer?" hindi makapaniwalang sumbong nito sa tiyahin niya na para bang bata na nagsusumbong sa ina.

(Can you see how disrespectful this woman is?)

Tumigil siya sa harapan nito at nag-ika, "Kung totoo ngang mamamatay tao ako, matakot ka na. Tiyak ikaw ang isusunod ko." Bago pa ito makapagsalita ay malakas niya itong sinampal. She heard Tiya Lourdes loud gasp but she paid it no heed and slapped the man's other cheek. Nang makabawi sa ginawa niya ay tinaas ni Ginoong Zaldua ang kamay at akmang susuntukin siya. Hindi siya nagpakita ng takot at pinakita pa nga ang kaniyang pisngi dito. "Sige. Ituloy mo. Tingnan natin ang sasabihin ng mga tao sakaling malaman nila ang ginawa mo sa isang anak ng lalakeng may mataas na katayuan sa Espanya."

Agad na napatigil ito sa akmang pagsuntok sa kaniya at galit na binaba ang kamay. Ginoong Zaldua was only half-Spanish and was only a businessman. Kahit pa man sabihin na half-Spanish rin si Christina ay mas malakas naman ang kapit niya lalong-lalo na dahil sa katayuan ng namatay niyang ama. 

Why would she be scared? I'm fucking rich, bitch! Mas mayaman pa nga ako kay Kuya Zy sa panahong ito, anong dapat kong ikatakot.

"Tandaan mo ito, ako mismo ang papatay sa iyo sakaling mabigyan ako ng pagkakataon," banta nito sa kaniya bago galit na tinalikuran siya at naglakad na papalabas ng mansyon. Sinundan lamang niya ito ng masamang tingin bago nag-roll eyes. Hindi siya takot dito. Aba't ilang ulit na ba niyang naiwasan si kamatayan habang nandito siya sa katawan ni Christina. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now