Chapter 28

504 50 12
                                    

Apple Pie closed her eyes as she enjoys the early morning air rushing past her face. Kasalukuyan silang bumibiyahe ni Yohan papunta sa San Juan. It was a place that was very known for its great preservation of old buildings, especially those that date back to the Spanish era. Maaga silang bumiyahe ni Yohan dahil malayo-layo ang lugar na iyon sa kanila.

Ngayon nga'y nakadungaw lamang siya sa bukas na bintana at pinapakiramdaman ang simoy ng hangin na tumatama sa kaniyang mukha. Malamig ang hangin dahil maaga pa at halos palayan na lamang ang nadadaanan nila ni Yohan. Probinsyang-probinsya ang feels.

Napalingon naman siya kay Yohan na kasalukuyang nagmamaneho habang ang isang kamay ay nakapatong sa kaniyang binti. Believe it or not but they are already 1 year and 3 months as a couple. Time flew very fast and ngayon nga'y graduate na si Yohan habang siya naman ay 4th year college na.

Honestly, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na tatagal sila. Noong nag-3 months ang relationship nila ay hinanda na niya ang sarili sakaling hiwalayan siya ni Yohan. She was expecting something along the lines of "pinagpustahan ka lang namin" or "hindi naman talaga kita gusto". Siguro dahil sa kaka-Wattpad niya ay iyon ang agad na naisip niyang mangyayari pero hanggang ngayon ay sila pa rin ni Yohan at hindi pa rin ito nagbabago sa kaniya.

Their relationship became stronger and she was there on all the important occasions of Yohan's family. Nandoon siya sa birthday nito at ng dalawa nitong kapatid. Kahit nga birthday niya ay sa bahay rin nito sila nag-celebrate. Nandoon rin siya noong Christmas, New Year at graduation ni Yohan. 

Nandoon siya palagi sa bahay nito pwera na lamang sa tuwing uuwi ang Dad nito. Kuya Zy specifically told them that their Dad shouldn't know about her and her relationship with Yohan. Hindi rin sila pinagpapa-post ni Kuya Zy sa social media ng kahit na anong maaaring magsiwalat ng relasyon nila ni Yohan. Kuya Zy assured her that their Dad usually don't care about the three of them so there was only a slim chance that he would dig through Yohan's social media and find out about their relationship. Pinag-iingat lamang talaga sila ni Kuya Zy.

The days as a couple wasn't that easy for the both of them, lalong-lalo na kay Yohan. Nag-aaway naman sila tulad ng nangyayari sa lahat ng mga magkarelasyon. Ang problema nga lang ay more than half sa away nila ay siya ang dahilan. She tends to be hard-headed and that would always lead her to some sort of trouble. Lagi niya ring nasisinghalan si Yohan. Siya na nga ang nagtataka kung paano natiis ng boyfriend ang kaniyang ugali.

"Are you okay?" Naputol ang kaniyang pagtatanaw-balik nang marinig ang nag-aalalang tanong ni Yohan sa kaniya. Kanina pa pala siya nakatingin dito at mukhang nawi-weirduhan na ang lalake sa kaniya.

"Uhmm . . . yes. Inaantok pa ata ako," pagpapalusot niya habang iniiwas ang paningin mula sa biceps ng lalake. 

Yohan started working out too. Sabi sa kaniya ni Xav ay dahil daw iyon sa palagi niyang pagfa-fangirl kay Kuya Zy tuwing nakikita niya ito. Mukhang nagseselos si Yohan kaya naman nagdesisyon itong magpalaki rin ng katawan. Sa totoo niyan ay maganda naman ang pangangatawan ni Yohan. He wasn't really lacking on exercise as a soccer player. Iba nga lang talaga ang hubog ng katawan ni Kuya Zy. Ngayon nga'y unti-unting nagiging "bulky" ang boyfriend niya.

She then immediately felt some guilt upon realizing that Yohan was trying to fit in with her ideal body type but he never even pointed out anything that he wanted to change about her. 

Naikwento niya iyon kay Gwyneth noon. Her friend then told her that it was so easy to notice that Yohan loves her more than she loves him. Mabilis naman siyang naging defensive at that time pero inisa-isa ng kaibigan ang lahat ng ginawa ni Yohan para sa kaniya. 

It all sunk into her. Gwyneth was right. 

Hindi nagdadalawang-isip si Yohan na gumasto para sa kaniya. Ito ang bumibili ng pagkain niya sa buong araw, kapag may kailangan siyang gamit ay ito rin ang bumibili para sa kaniya. Kahit nga napkin at iba pang toiletries niya ay si Yohan ang gumagasto. Mag-joke lang siya na may gusto siyang bilhin ay magbibigay kaagad ito. Kumpleto na nga niya ang lahat ng mga libro ng kaniyang paboritong author dahil si Yohan ang bumibili para sa kaniya. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now