Chapter 16

477 62 13
                                    

"Anong ginagawa mo dito, Yohan?!" gulat na tanong ni Apple Pie sa lalakeng nakatayo sa harapan ng boarding house niya. Halatang inaantok pa ito dahil namumungay pa ang mga mata nito at halos matulog na nga ng nakatayo doon.

Nagulat na lamang siya kanina habang gumagawa siya ng PPT niya for next week's presentation dahil biglang tumawag si Yohan at sinabing nasa harapan daw ito ng boarding house niya. Ngayon nga'y kakabukas pa lamang niya ng gate at ang inaantok na porma ng lalake ang kaniyang nadatnan.

"Meeting up with you. Ano pa bang ibang dahilan para pumunta ako dito?" Kahit na inaantok ay hindi pa rin nawawala ang pagiging maldito ng lalake. Mukhang in-born na talaga dito ang pagiging antipatiko.

"Sabado ngayon, Yohan," pagpapaalala niya dito at baka nakakalimutan na nito na may sarili itong bahay dahil kaninang 2 AM ay narito rin ito.

"So?" nagtataka nitong tanong. "Hindi ba kita girlfriend tuwing weekends?"

Napanganga naman ang kaniyang bibig at hindi siya agad nakapagsalita. Minsan talaga nakakalimutan niyang isipin na boyfriend na niya ang magandang nilalang na ito. "Hi-Hindi sa ganuon. Ibig ko lamang sabihin ay kagagaling mo lang dito kanina at halatang ang konti lang ng tulog mo. Diba dapat natulog ka na lang sa inyo."

"Mas gusto ko dito," stubborn nitong kontra sa sinabi niya.

"Eh matutulog ka rin lang naman dito! Ano bang pinag-iba dito at sa bahay niyo?!" giit niya. Base rin naman sa mukha nito ay halata namang isang ihip lang ng hangin ay tumba na ito. He looked like someone who is begging for a bed.

"At least dito kayakap kita," bulong nito ngunit narinig naman niya. Agad namang namula ang mukha niya at iniwas ang tingin sa lalake. "Hindi mo ba ako papapasukin?" dagdag nitong tanong na agad namang nagparamdam ng panic sa kaloob-looban niya.

"Hindi! Bawal!" agad niyang kontra sa sinabi ng lalake habang mariing iniling-iling ang ulo. "Bawal lalake sa boarding house namin!"

Itutulak na sana niya si Yohan pabalik sa sasakyan nito ngunit mukhang hindi panig si Lord sa kaniya ngayon dahil saktong dumaan ang ka-boardmate niya kasama ang boyfriend nito at pumasok sa bahay. Sabay pa sila ni Yohan na nakasunod ang tingin sa dalawang taong dumaan. 

Nang nakapasok na ang dalawa ay napalingon naman sa kaniya si Yohan at nagtanong, "Bakit siya pwede? Paano ako?"

She bit her lower lip and was really contemplating whether to let him inside her room. Hindi siya sanay na may ibang taong pumapasok sa kwarto niya pwera na lamang kay Gwyneth. Pinag-isipan niya muna ng maayos ang bagay na iyon bago tiningnan muli si Yohan. 

"Diyan ka lang ha. Wait lang muna," mabilis niyang ani bago nagmamadaling pumasok sa boarding house niya at dumiretso sa kwarto niya. Agad niyang inassess ang buong silid at napalatak ng malakas.

Piste! Ang kalat ng kwarto ko!

Agad niyang pinagdadampot ang nakakalat niyang mga gamit at nilagay iyon sa ilalim ng kama kung saan hindi iyon makikita. Pinagkukuha rin niya ang mga nakasampay na damit na usually niyang ginagamit kapag bumibili siya ng ulam sa labas. Hindi naman kasi masyadong nagagamit ang mga iyon pwera na lang kapag lalabas siya kaya naman inuulit niya na gamitin na lamang. Hindi naman kasi mabaho at sayang sa powder at sabong panglaba kung lalabhan niya kaagad, ngunit wala siyang choice kundi ilagay iyon sa labahin dahil baka makita pa iyon ni Yohan. Dinampot niya ang halos paubos na niyang perfume at inispray iyon sa buong kwarto.

Bumango ka, please!

Nilibot-libot niya ang paningin at nang masiguradong malinis at desente na rin namang tingnan ang kwarto niya ay mabilis siyang lumabas muli at binalikan si Yohan na nakatayo pa rin sa may gate.

"Pasok na," nahihiya niyang imbita dito bago mabilis na tinalikuran ito. Nauna siyang naglakad at pinakinggan lamang ang mga yabag ng bawat hakbang ni Yohan. Nahihiya siya dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang i-process ng brain niya na boyfriend na niya ang lalake. Parang noon lang ay siya ang sunod ng sunod dito ngunit ngayon ay ang lalake naman ang parang asong nakabuntot sa kaniya.

She sneakily looked at Yohan and saw him checking out her boarding house. Nasa bandang likuran kasi ang kwarto niya kaya madadaanan pa nila ang mga kwarto ng kaniyang mga ka-boardmate pati na rin ang sala. Napatigil sila ni Yohan nang biglang bumukas ang isa sa mga kwarto at lumabas doon ang isa pa sa kaniyang ka-boardmate kasama ang boyfriend nito.

"Captain?" nagtatakang tawag ng lalakeng kasama ng ka-boardmate niya habang nakatingin kay Yohan. "Anong ginagawa mo dito, Captain?"

Kinakabahan naman siyang napalingon kay Yohan ngunit mabilis siya nitong hinapit papalapit. "Binibisita girlfriend ko. Ikaw?"

Gulat namang napatingin sa kaniya ang kaibigan ni Yohan at napanganga na mukhang nagulat sa nalaman. "Uhmm . . . binibisita rin girlfriend ko, Captain."

"Sige, una na kami," paalam ni Yohan sa kaibigan bago siya ginabayan papaalis doon. "Saan kwarto mo?" tanong nito sa kaniya.

"Dito," ika niya sabay hila sa lalake papunta sa pinakahuling kwarto sa pasilyong iyon. Binuksan niya ang pintuan at nahihiyang pinapasok ito. "Maliit lang kwarto ko kaya baka 'di mo magustuhan. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo ng umuwi. Hindi naman ako magagalit," assure niya kay Yohan habang pinapanood ang lalake na kilatisin ang kwarto niya. He looked at the whole room as if he was an inspector assessing the place for health and safety regulations. He even took off his shoes before entering her room.

"May problema ba?" nag-aalala niyang tanong dito. Sinuyod niya ng tingin ang buong kwarto at tiningnan kung may basura ba siyang hindi naitapon o kalat na hindi naayos. She even took a sniff of the air just to see if her perfume was able to cover the odor of her bedroom.

"Hm? Nothing," Yohan quickly said before walking towards her bed and sitting on it. 

"Tulog ka na. Mukhang inaantok ka pa," saad niya dito ngunit bigla siya nitong hinila papalapit at yumakap sa kaniyang beywang. 

"Tabihan mo ako," pagpapa-cute nitong ani habang nakatingala sa kaniya. Nakatayo pa rin kasi siya habang ito naman ay nakaupo kaya naman ang taas niyang tingnan kumpara dito. 

"May gagawin pa ako," agad niyang tanggi dito. Sa totoo niyan ay wala na talaga siyang ginagawa. Conclusion na lang kulang sa presentation niya at nagti-TikTok lang talaga siya kanina nang tumawag si Yohan. Nahihiya lang talaga siya dahil napaka-clingy ng lalake sa kaniya. Hindi siya sanay na lagi itong nakayakap sa kaniya.

"Dito mo gawin sa tabi ko. Kahit ito na lang ibigay mo sa akin, masaya na ako. I'm really tired after going back from hell," wika ni Yohan habang hinihila siya upang mapaupo rin sa kama. He started laying down on her bed, but he also pulled her near him. Nakaupo siya sa kama at pinatong naman ng lalake ang ulo nito sa may kandungan niya. Hinawakan nito ang kamay niya at pinatong sa may ulo nito. "Patulugin mo ako, langga."

"Ha?" naguguluhan niyang tanong dito ngunit pumikit na si Yohan at hindi na siya sinagot. "Hoy, anong gagawin ko sa iyo?" She started shaking him, but he won't budge. 

Malakas na lang siyang napabuntung-hininga bago ginamit ang kamay upang suklayin ang buhok nito. She heard him make a satisfying murmur before hugging her again. He doesn't look like the heartless, cold bastard that she used to fangirl anymore. Tila ba nag-iba na si Yohan simula ng maging sila. Sa totoo lang ay para na itong bata na laging nakasunod sa nanay nito. 

"Para kang bata," bulong niyang ani habang patuloy pa rin sa pagsusuklay sa buhok nito.

"Sa iyo lang naman ako ganito." Mahina siyang napaigtad nang sinagot siya nito. "Nakalimutan ko nga palang sabihin. Sa bahay tayo magdi-dinner mamaya. Gusto ka daw makilala ni Kuya."


A/N: Maikli lang po ito~ pero salamat sa mga nag-comment. Nakapagsulat ako ng update dahil sa tuwa.ヾ(@⌒ー⌒@)ノ

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now