Chapter 107

374 35 12
                                    

"Binibining Apple Pie." Biglang nagising si Apple Pie nang marinig ang boses ni Elisa. Binuka niya ang inaantok na mga mata at agad na bumungad sa kaniya ang sariling repleksyon. Nakatayo sa kaniyang likuran ay ang nakangiting mukha ni Elisa. "Tapos na po akong ayusan ka. May nais ka po bang ipaayos pa o ipabago?"

She looked at her reflection again and saw that Elisa enhanced Christina's morena look by using coral shade for her cheeks and lips. It was only a simple look but she loved it. "Salamat, Elisa. Napakaganda ng pagkakaayos mo sa akin," nakangiti niyang sagot rito habang dahan-dahang hinahawakan ang mga bulaklak na nakapatong sa kaniyang buhok na tinirintas nito upang magmukhang korona.  It was really nice.

Pinatong naman ni Elisa ang kamay nito sa kaniyang balikat na nagpalingon sa kaniya dito. She smiled at her with full encouragement, but before she can smile back, they both suddenly heard a knock coming from the door.

"El." Rinig niyang tawag ni Xav sa asawa nito mula sa labas. "Handa na ba si Apple Pie?"

"Handa na ako." Siya na mismo ang sumagot sa tanong nito sabay nahihirapang tumayo. Nag-panic naman si Elisa at agad siyang dinaluhan. Hindi niya ito masisisi sapagkat simpleng pagtayo ay kinanginginig pa nga ng paa niya. Wala ng lakas ang buo niyang katawan. The duration of her sleep kept on getting longer and longer every passing day. Para bang sa paglipas ng mga araw ay mas napapagod at nahihirapan ang kaniyang katawan kahit pa man ang haba-haba ng tulog at pahinga niya.

"Binibining Apple Pie, mag-ingat ka po," nag-aalala nitong ika bago nito hinawakan ang kaniyang braso upang alalayan siya. Mukhang narinig naman ni Xav ang komosyon dito sa loob dahil walang pasabi itong pumasok.  

"Ako na, El," nagmamadaling sabi ng lalake bago siya inagaw sa asawa. She leaned most of her body weight on Xav and held his left arm with shaking hands. "Are you okay, ate?" Napangiti siya dahil sa tanong nito. 

Gone was the teasing Xav and replaced with this man who always calls her "ate" in every sentence. Aaminin niyang ang cute nitong tignan dahil para ba itong bata na nais laging makuha ang atensyon ng nakatatandang kapatid.

"Ok lang," she assured him before urging him to guide her to the garden of his own house where they plan the wedding should be. It was a short walk dahil sinigurado ng mga ito na hindi siya mahihirapang maglakad papunta doon. Even the wedding dress that she was wearing right now is simple and lightweight. Para siguro hindi mabigat sa pakiramdam niya.

Nang makarating sa garden ay sinalubong sila ni Kuya Zy na seryosong nakatitig sa kaniya. Anyone would think that he looked indifferent right now but she could still see the glistening of his eyes. 

He was on the verge of crying.

Nginitian niya ito nang ipasa ni Xav ang kaniyang kamay sa kuya nito. Him and his wife walked ahead to go to their position near the altar. Alam niyang naroon na si Yohan ngunit hindi niya ito masyadong kita mula sa kinatatayuan niya.

"Handa ka na ba?" tanong sa kaniya ni Kuya Zy.

"Matagal na," simpleng sagot niya dito. She has aways been ready to be Yohan's wife. College pa lang sila ay iyon na ang nasa isip niya, ang tanging inaasam niya. Finally, after a long run, they will still end up in each other's arms. 

"Let's go, my sister-in-law." Napangiti siyang muli dahil sa sinabi nito at hinayaan niya itong tangayin siya papunta sa parte ng garden na nilagyan ng mga ito ng flower decorations. They turned around a corner and she finally saw the whole facade. There were chairs laid on either side. Hindi nga niya maintindihan kung bakit niramihan ng mga ito ang iyon. Kung tutuusin ay sila-sila lamang ang nandito. May iba't-ibang flower petals na nakakalat sa middle path kung saan siya gagabayan ni Kuya Zy papuntang altar. The altar in front was a simple knitted bamboo backdrop with flowers attached on it. Hindi na tumagal ang mga mata niya doon dahil sa wakas ay nahuli na ng paningin niya ang pigura ni Yohan.

He was standing so handsomely on the altar, waiting for her. Sina Xav, Elisa at Pedro naman ay nasa kada gilid at nakatayo. Dahan-dahan silang naglakad ni Kuya Zy papunta sa altar at kita niya ang pamumula ng mga mata ni Yohan. 

He was crying.

It felt like forever when she get to the altar even though it only took a few seconds. She wanted this moment to last forever, for her to treasure this when she go to heaven.

Nanginginig niyang tinanggap ang kamay ni Yohan nang gabayan siya ni Kuya Zy dito. "Langga . . ." he lovingly called her before kissing her forehead. "Hold on to my arm," he added when he noticed her trembling legs. Ito naman ang gumabay at umalalay sa kaniya habang pumupwesto si Kuya Zy sa may altar. They have no priest or judge but they will still treat this marriage as a real one. 

Ikakasal na talaga siya kay Yohan.

Nakangiti siya dahil sa realization na iyon at kahit pa man pagod na pagod ang mga mata ay pinilit niyang makinig sa mga sinasabi ni Kuya Zy. It was actually brief because it wasn't a formal wedding. May mga sinabi lamang si Kuya Zy na sinagot naman nila ni Yohan hanggang sa umabot sila sa punto ng pagdedeklara nila ng intensyon sa pagpapakasal. They said their "I do's" and everyone cheered when Yohan finally kissed her for the seal of their marriage. Nakangiti sila sa isa't-isa nang halikan siyang muli ng asawa. 

Asawa . . . Oh, how great that sounds.

Yohan then kissed her on her forehead while whispering "I love you" to her. He was about to kiss her again when they suddenly felt the sudden change of the atmosphere from a joyous celebration to a more serious one. Napansin niya na nakatingin sa iisang lugar sina Kuya Zy kaya naman sabay rin silang napatingin doon ni Yohan.

Standing just a few feet away was Sidapa in his cool, unbothered, usual self. Mukhang napansin na nito ang kanilang pagtataka sa presensya nito kaya naman napili na nitong sagutin sila. "Maligayang bati sa inyong kasal ngunit kailangan ko ng sunduin si Apple Pie."

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now