Chapter 53

451 46 39
                                    

Hindi maiwasang mapabuntung-hininga ni Apple Pie habang pinapakiramdaman si Yohan sa taas niya. Puchang ang init na nga tapos para pa siyang sinasakal dahil ang bigat ng lalakeng nakapatong sa kaniya. Sinubukan niyang matulog kanina at nakaidlip siya ng isang oras ngunit agad ring nagising dahil pinagpapawisan siya. Hindi naman mainit sa lugar na iyon ngunit kung ikaw ba naman ang nasa posisyon niya na halos matakpan na ng malapad na katawan ni Yohan ay tiyak na magrereklamo ka dahil parang nasa sauna ka. Ngayon nga'y napagdesisyunan niyang gamitin ang lahat ng lakas upang matulak si Yohan papalayo sa kaniya. Baka mamatay siya sa heat stroke kung hindi siya makaalis sa pagkakadagan nito. 

At first, she was still hesitant to even move a finger in fear that he would suddenly wake up, but then when she realized that she really needed to use all her strength, she then unceremoniously pushed Yohan. Malaki ang kama ngunit muntikan pa itong mahulog dahil sa pagkakatulak niya dito. Agad siyang napatigil at nag-aalalang tiningnan kung nagising ba ito ngunit salamat sa Diyos at nakapikit pa rin ang lalake.

Aba't tulog-mantika ang gago. 

Akma na sana siyang bababa ng kama at lalabas muna ng kwarto ngunit sinapian siya ng multo ng kalandian at napabalik ang kaniyang mga mata sa lalake. Yohan was still asleep when she slowly reached out her hand to his arm and pinch his biceps. Nang makitang hindi ito nag-react sa ginawa niya ay nagnakaw muna siya ng iilan pang kurot sa braso nito pati na rin isang pisil sa ilong bago nagpipigil ng tili na bumaba sa kama.

Pucha Lord! Para akong batang nabigyan ng ticket sa Disneyland!

Malaking ngiti ang nakakabit sa mukha niya habang nagmamadali ngunit maingat na naglakad papalabas ng kwarto. Gusto niyang magsisigaw sa kilig ngunit baka magising niya ang lahat ng mga tao dito. Although panigurado naman siyang wala sa mansyon ang mga quarters ng mga maid.

Naisipan niyang lumabas dahil maliban sa naiinitan siya sa kwarto ay sumabay pa ang tiyan niyang kumakalam. Mukhang pinapaalala sa kaniya na hindi siya nakakain ng hapunan dahil dumiretso siya ng tulog. Didiretso na sana siya sa direksyon ng kusina ngunit mabilis ring napatigil nang maalala ang sinabi ni Yohan sa kaniya. Bawal nga pala siya sa kusina, ipapatapon daw siya nito sa kalsada.

Napanguso siya dahil sa napagtanto ngunit agad ring lumiwanag ang kaniyang mukha nang matandaan na may nakita nga pala siya na puno ng mangga sa labas noong kakadating lang nila kanina. Good timing because her taste bud was looking for something sweet with a touch of sourness.

She tiptoed while walking downstairs and continued doing that until she get to the front door. Hindi na siya nagdala ng kandila dahil hindi naman siya takot sa dilim, at saka mas mainam na iyon upang walang makapansin sa kaniya. Magtanong pa kung bakit lumalabas sa gitna ng gabi  ng walang kasama ang isang binibining katulad niya. 

Kahit walang sapin sa paa ay nagsimula siyang maglakad sa direksyon ng puno, patingin-tingin siya sa paligid upang makita kung may tao bang makakakita sa kaniya. Nang masiguradong walang umaaligid-ligid ay tumakbo na siya. Maaawa na lamang siya sa kung sino mang makakita sa kaniya ngayon, para ata siyang multo. 

Huminto siya sa may puno at nakangiting tinignan ang mga manggang nakasabit doon. She already knew that she would love them, kitang-kita naman na papahinog pa lamang ang mga ito. Just like how she like them.

Walang pagdadalawang-isip siyang umakyat upang mamitas ng mangga. She was able to get two already but then noticed a bunch of big mangoes at the very top. Inassess muna niya ang buong paligid at nagplano kung saan siya tatapak bago muling umakyat papataas pa. Nakaakyat naman siya sa nais niyang pwesto at akma na sanang aabutin ang mga manggang nakakuha ng atensyon niya, ngunit nagitla siya nang may nanggagalaiting boses na nagsalita sa ibaba niya.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now