Chapter 18

485 56 28
                                    

"Tikman mo, Yohan." Apple Pie gently scooped some of her famous pork adobo and walked towards Yohan. Habang nagluluto kasi siya ay nakaupo lamang ang lalake sa may dining area ng boarding house at pinapanood siya. She tried asking him to go back to her room and sleep, but he insisted to stay with her. Ok lang sana kung may ginagawa itong iba like nagse-cellphone o naglalaro, pero talagang nakatingin lang ito sa bawat galaw niya. Nako-conscious tuloy siya.

Nandito siya nagluluto sa shared kitchen ng boarding house niya. Hindi naman iyon masyadong nagagamit dahil tamad ang kaniyang mga ka-boardmate na magluto. Tanging paghuhugas lang ng pinagkainan ang ginagawa ng mga ito doon kaya naman lagi niyang solo ang kusina. Kahit nga ang refrigerator na pinaghahatian nilang lahat ay puno lamang ng mga ingredients na binili niya. Hindi naman siya natatakot na mawala iyon at may kumuha dahil alam niyang walang magkakainteres kung hindi pa naman luto iyon.

Nang makalapit siya sa lalake ay hinipan muna niya ang dala-dalang adobo bago dinirekta ito sa nakabukas nitong bibig. He chewed the food before approvingly nodded. 

"Masarap," tipid nitong komento sabay tayo at lumapit sa niluluto niya. Siya naman ay nagtatakang sinundan ng tingin ito at binalikan ang kaniyang adobo. "Give me another one," he suddenly demanded while opening his mouth, as if asking her to feed him again.

Sumandok naman siyang muli at sinubuan ito. Akala niya ay ok na ito ngunit matapos malunok ang kinakain ay ngumanga na naman si Yohan at nanghingi ulit. Agad naman niya itong pinalo sa braso at pinabalik sa may lamesa. 

"Tikim nga lang 'diba! Baka maubos mo ito at wala tayong madala sa inyo," reklamo niya na ikinanguso ng labi ni Yohan. 

Kaysa sundin siya ay nanatili itong nakatayo doon at tila ba iniisip na bibigay siya dito pero hindi niya ito pinansin at binalik ang atensyon sa niluluto. Ilang minuto ang lumipas at mukhang nag-give up na si Yohan sa pagpapa-cute sa kaniya. Umalis na ito sa pwesto nito at akala niya ay babalik na sa may dining area ngunit nabigla na lamang siya nang pumwesto ito sa may likod niya at niyakap siya. Pinatong nito ang baba sa kaniyang kanang balikat at pinulupot ang kamay sa bandang tiyan niya. 

"Yohan . . ." nahihiya niyang tawag dito. Aside from the fact na ang lapit-lapit nito sa kaniya ay literal rin na nasa kusina lang sila. Nakakahiya kung makita sila ng iba niyang mga ka-boardmates.

"Hmm . . .?" he murmured.

"Lumayo ka nga sa akin. Baka makita tayo," kastigo niya sa lalake ngunit mas hinigpitan lamang ni Yohan ang yakap sa kaniya.

"Ayoko," diin nitong tanggi. She was about to lecture him, but Yohan quickly stop her from talking. "Langga, I have a fun fact."

Napa-roll eyes naman siya at sinakyan na lang ang trip nito. "Ano?"

"You can't pronounce the letter O while biting your lips," he said. 

"Weh?" tanong niya dito habang sinasandok ang adobong niluto. Nanghiram pa siya ng maganda-gandang tupperware sa landlady niya dahil nakakahiya naman kung pipitsugin na tupperware lang ang paglagyan niya nun. Baka kung ano pang maisip ng mga kapatid ni Yohan sa kaniya. 

"Yes. Try it," udyok nito sa kaniya habang mahigpit pa rin ang yakap. Gusto niya itong pagalitan dahil nahihirapan siyang gumalaw sa kusina dahil sa pagiging clingy nito. But then knowing Yohan's stubborness, she was sure that he won't budge no matter what she do or say. "Come on, langga. Try it," impatient nitong udyok sa kaniya.

Pagod siyang napabuntung-hininga bago ginawa ang sinabi ni Yohan. She bit her lips and tried pronouncing the letter O. "Hmm . . ." Agad naman siyang napatigil dahil sa nagawang ingay at namula. 

Did I just moan?

Mas naramdaman niya ang hiya nang nilapit ni Yohan ang bibig sa kaniyang tenga at bumulong. "Louder, langga," he whispered in a sexy voice.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now