Chapter 2

755 63 20
                                    

"Thank you po Miss Fortu!" masayang pasalamat ni Apple Pie sa guro habang papalabas ng kitchen laboratory nila. The old professor just nodded her head with a kind smile on her face before waving her goodbye. Siya naman ay halos papatalon na ang bawat lakad habang mabilis na tinatahak ang daan papunta sa building ng mga Business Administration. Hawak-hawak niya ang isang tupperware na may lamang dalawang cupcakes na binake nila kanina sa klase.

Sila kasing mga HRM student ay may laboratory kada Friday. It means na nagluluto sila while pinapanood ng professor. Of course, naka-timer rin sila upang malaman kung sino ba ang mabilis at metikulosong gumalaw sa kanilang lahat. Kinakailangan kasi sa industry na tatahakin niya ang pagiging mabilis sa lahat ng bagay. Kahit nga ang knife skills nila ay kasali sa midterm exams. Ganuon ka-strict ang kanilang university pagdating sa kanila. 

Kanina nga lamang ay cupcakes ang test nila. Syempre ang signature na "Apple Pie Cupcake" ang ginawa niya. Maliban sa kapangalan niya ang flavor ng cupcake na iyon ay alam rin niya na iyon ang favorite na flavor ng honey loves so sweet niya. 

Ngayon nga'y naglalakad na siya papunta sa building ng lalake. She has to help Miss Fortu to clean up the kitchen laboratory first before going to Yohan. Hindi naman siya nag-alala na baka hindi niya maabutan ang lalake sapagkat alam naman niya ang schedule nito. Hanggang 7 PM ang klase ng lalake tuwing Friday at may soccer practice pa ito mamaya kaya naman nagbaon na rin siya ng tubig para dito. 

Nang makaabot siya sa Business Ad building ay agad naman siyang umakyat papuntang 2nd floor dahil nandoon ang klase ng lalake tuwing ganitong oras. As what she expected ay hindi pa dismissed ang klase ni Yohan. 

Pinili niya munang maupo sa sahig ng hallway na katapat ng pintuan ng classroom ni honey bunch. Actually dalawa ang pintuan ng kada classroom sa university niya. Isa sa likod at isa sa harapan. Alam niyang dito sa may harapan lalabas ang lalake sapagkat mas malapit ito sa boy's comfort room. Yohan would usually change his uniform in that toilet dahil diretso na itong pupunta sa may field para sa soccer practice nito. 

Kabisadong-kabisado niya talaga ang schedule nito dahil si Yohan ang tipo ng lalake na university at bahay lamang ang pinupuntahan. That was one of the big reasons why she started liking him. 

First year siya noon at masyado pang intimidating sa kaniya ang current uni niya. She came from a public school, got lucky when she was picked to be a Student Assistant Scholar, then she entered the university. Manghang-mangha pa talaga siya noong unang tapak niya dito. Sino ba namang hindi eh well-known ang university niya bilang school ng mayayaman. 

Kapag nga tumatambay siya sa lobby tuwing hapon eh puno ng mga Elementary doon na naghihintay ng mga sunod nila. Puro mga spokening dollars ang mga batang iyon kahit na tumbang-preso at piko naman ang nilalaro habang naghihintay. Mas nabobonggahan siya tuwing umaga kapag dumarating na ang mga estudyante. May mga employees kasi na tumutulong sa pagdadala ng mga gamit ng mga hinatid na estudyante. Nahiya pa nga siya noon kasi tricycle lang naman naghatid sa kaniya sa may harapan ng university pero yung treatment sa kaniya ng isa sa mga employee eh parang kung sino siyang mayaman. Di naman mabigat yung dala niyang gamit pero tinulungan pa rin siyang dalhin iyon hanggang sa makaabot siya sa classroom niya. 

Tanda pa niya yung intense curiosity niya sa whole university kaya naman naglibot-libot siya hanggang makarating siya sa soccer field kung saan nagpra-practice si Yohan. Ewan nga ba niya bakit bigla siyang nahumaling pero nakita na lamang niya ang sarili na umupo sa isa sa mga bleachers doon at pinanood ito.

She then started collecting information about him at doon nga niya nalaman na 2nd year college na pala ito, just one year older than her. He was a really sporty type of guy, but he was also very smart. Sa pagkakaalam niya ay running magna cum laude ito at that time. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now