Chapter 78

401 46 24
                                    

"Langga . . ." Napa-roll eyes na lamang si Apple Pie nang marinig na naman ang nangsusumamong pagtawag ni Yohan sa kaniya. He was constantly tailing her, saying sorry, and so desperate to get her attention. Siya naman ay hindi na ito pinansin, bagkus ay inayos na lamang ang mga bagay na gagamitin niya para magamot ang sugat ni Kuya Zy. 

"Bakit siya kaagad pupuntahan mo, ako nga itong napuruhan," parang batang maktol nito na nagpalingon sa kaniya dito. 

"Hoy po, Yohan! Kung hindi mo natatandaan ay ikaw ang unang naghanap ng away. Sa rami-rami ba naman ng susuntukin mo eh yung kuya mo pa talaga ang kinalaban mo. Aba't bulag ka ba o hindi mo man lang napansin na mas malaki at mas malakas iyon sa iyo. Sa tagal-tagal mong nakilala iyang kuya mo eh hindi pa talaga tumatak sa kokote mo na higante iyang kapatid mo," pangangaral niya dito na kinanguso ng tang-inang isip-bata.

"You can't blame me, langga. Hindi ako magdadalawang-isip na kalabanin ang kahit na sino basta ba malaman kong inaagaw ka niya sa akin. I would literally risk it all just to keep you."

Napatahimik siya ng ilang segundo dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung maiinis o kikiligin siya pero kalaunan naman ay nakaget-over na siya at bumalik sa pagmamaldita. 

"Che! Mali ka pa rin! Kailangan ko na talagang ayusin iyang anger issues mo." Matapos sabihin iyon ay iniwan na niya ang lalake sa silid at lumabas dala-dala ang mga gamit pang-gamot para kay Kuya Zy. 

Alam niyang kasalanan niya kung bakit ang dali na lang magalit ni Yohan ngayon. Dahil doon ay tinatak niya sa utak na dapat niyang tulungan ang lalake na maayos iyon. They have all the time of the world to do that. Ok na silang ulit at kapag matapos na nilang maresolba ang problema tungkol sa pamilya ni Christina ay maaari na silang mamuhay bilang Eduardo at Christina sa panahong ito. Bigla naman niyang natandaan ang katawan sa hinaharap at napaisip kung kailan siya babalik. Alam niyang kaya niyang utusan ang sariling kaluluwa na magpabalik-balik sa dalawang panahon. Magiging madali na lamang sa kaniya ang magpalipat-lipat ng katawan pero nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya iyon kina Kuya Zy. 

Matapos mapagdesisyunan na isikreto muna ang nalalaman niya ay agad naman niyang hinanap si Kuya Zy. Halos naikot na niya ang buong mansyon ngunit wala roon ang lalake. Iikutin nga niya sana muli iyon para mahanap si Kuya Zy, buti na lang at may nakasalubong siyang katiwala na nagsabing lumabas daw ang lalake. Sinundan niya ang tinuro nitong direksyon hanggang sa matanaw niya ang pamilyar na pigura nito. 

Nakaupo si Kuya Zy sa ilalim ng lilim ng punong mangga. Nakatukod ang dalawang kamay nito sa may bandang likuran nito at nakapikit ang mga mata habang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. She stood there in awe while watching this fine specimen of a man. Siguro masyado siyang sanay na nakikita si Kuya Zy na may ginagawa o tutok sa isang bagay kaya naman nang makita niya ito ngayon na nagpapahinga at para bang walang pakialam sa mundo ay tila ibang tao ang nakita niya. 

He looked so peaceful . . .

Ang sarap nitong panuorin ngunit bigla siyang napatalon sa gulat nang walang pasabing nagsalita ito habang pikit pa rin ang mata. "What do you want? Kanina ka pa diyan."

Para pa siyang tanga na nilibot-libot ang tingin at hinahanap ang kausap nito hanggang sa ma-realize niya na siya pala ang tinatanong nito. "Ahh . . . ehh . . . gagamutin ko muna ang sugat mo, Kuya."

"No need, it's just a scratch," tanggi nito pero mabilis siyang lumapit at umupo sa tabi nito.

"Huwag ka ng pabebe, Kuya Zy. Kahit ito na lang magawa ko para sa suntok ni Yohan."

Nilapag niya ang mga dalang gamit at sisimulan na sanang linisan ang sugat nito pero inilihis lamang ni Kuya Zy ang mukha nito. "I said I'm okay." Matapos sabihin iyon ay tumayo na ang lalake at akma na sana siyang iiwan roon ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso nito.

"Kuya Zy, tandaan mo na hindi kahinaan ang manghingi ng tulong. You don't need to carry all the burden," ika niya habang pinapanood ang biglang pag-igting ng panga nito na para bang sinasabi na nagpipigil ito ng galit. Alam niyang hindi na simpleng sugat sa mukha ang pinag-uusapan nila. 

She watched as he looked back at her again, his face void of emotions. "Alam mo ba kung bakit ang hirap maging panganay?" biglang tanong nito. Hindi naman ito galit pero ang tono nito ay para bang may nais iparating. Bago pa man niya masagot ang katanungan nito ay agad naman itong nagsalitang muli. "It's hard being the eldest because you would be forced to be mature no matter what age you are. Kahit pa man 5 years old ka, 15 or 25, basta ikaw ang panganay ay expected na sa iyong maging mature. My brothers grew up to be the perfect gentleman that they are right now because of my sacrifices. Their happiness is my happiness and I don't need anything anymore now that I ensured their future."

Napatikom siya habang iniisip na tama ang hula niya. Lately kasi ay naging cold si Kuya Zy. Well, lagi naman itong cold pero ramdam niyang may iba sa mga aksyon nito noong nagdaang araw. He just felt . . . detached? Para bang nilalayo nito ang sarili sa kanila matapos ngang magkapaliwanagan sila ni Yohan. Xav and Elisa are okay now, sila naman ni Yohan ay unti-unti ng bumabawi sa mga panahong nawala sa kanila. 

Kuya Zy was left alone. 

Nagkaroon siya ng rason na makausap ito ng masinsinan dahil sa naging away nito at ni Yohan. Gusto niya talaga itong tanungin kung ano bang problema hanggang sa ma-realize niya na mahilig magtago ng damdamin si Kuya Zy. 

"Hindi lang naman sina Yohan ang lumaki ng tama, Kuya. You are the definition of a perfect gentleman. Maruno kang gumalang at hindi ka mapagmataas. I'm pretty sure a lot of women would dream to be with you," angal niya pero hindi ito sumang-ayon.

"Don't patronize me, Apple Pie. Kung alam mo lang ang lahat ng mga nagawa ko ay tiyak na tatawagin mo akong demonyo," ika nito at akma sanang aalis na ngunit pinigilan na naman niya ito.

"Hindi ka demonyo, Kuya Zy. You're the best man that I've ever met." Gusto niyang ipagdiinan dito na hindi ito ang demonyo na inaakala nito sa sarili. Hangang-hanga nga siya sa pagdidisiplina nito sa mga kapatid at sa pagiging dependable nito. Mukhang hindi naman nagustuhan ni Kuya Zy ang pagiging makulit niya dahil napuno na ito at nasigawan pa siya.

"I fucking killed a child before, Apple Pie!" biglang sigaw nito na nagpagitla naman sa kaniya. Unti-unti niyang nabitawan ang braso ng lalake habang litong nakatitig dito. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman dahil sa sinabi nito. "I am a murderer . . . now tell me, right here, right now, that I'm not a demon." Napabuka-sarado ang kaniyang bibig ngunit wala ni isang salita na lumabas mula roon. Hindi niya talaga alam kung anong dapat sabihin o isagot sa lalake. "Remember this, I am willing to burn in hell just to keep my brother's safe. Kaya kong pumatay ng ilang daang tao para lang masiguradong ligtas ang mga kapatid ko. I hope you don't tell them about what I told you right now. I can carry all the burdens without guilt-tripping them. Sanay na ako . . . dahil ako ang panganay."

Matapos sabihin iyon ni Kuya ay tumalikod na ito ngunit hindi muna ito umalis. He suddenly spoke again, his back facing her. "Alam mo ba kung bakit hindi ko natupad ang pangako ko sa iyo noon na isang taon lamang ang paghihiwalay niyo ni Yohan?"

Nagdadalawang-isip pa siyang sumagot pero kalaunan ay binuksan niya ang bibig, "Why?" she hesitantly whispered.

He looked back at her again before saying, "It took me two years to finally kill my father."

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now