Chapter 80

432 41 11
                                    

Malakas na napabuntung-hininga si Apple Pie bago nilingon si Yohan na nasa tabi niya. "Yohan . . ." she called out to him and he immediately looked at her. 

"Hmm . . .?" he hummed in response while tucking her loose hair behind her ear. 

"Kinakabahan ako," she admitted. Pakiramdam niya ay tatalon ang kaniyang puso palabas ng kaniyang dibdib. Never niyang naranasan ang ganitong kaba. Hindi pa nga ito maikokompara sa naramdaman niya noong impromptu siyang kinuha para mag-prayer sa general assembly ng university nila. Tang-inang event coordinator iyon! Ang sabi ay ipapahawak lang daw yung mic sa kaniya pero laking gulat na lamang niya nang tinutulak na siya ng mga ito papunta sa stage para daw sa prayer. 

Anyways, ang layo na naman ng narating ng kaniyang isipan. Sa totoo niyan ay nandito silang lahat sa sala ng mansyon ni Xav. Well, pwera na lamang kay Kuya Zy. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ito muling dumalaw sa kanila. Hindi niya alam kung dahil ba sa napag-usapan nila ang pagiging MIA nito ngayon. Nevertheless, nakakaramdam pa rin siya ng guilt. Alam niyang naapektuhan ito sa naging topic ng usapan nila.

Ngayon ang araw na kukunin siya ng Tiya Lourdes. All those days of training was solely for this meet-up. Matapos ng araw na ito ay wala na siyang maaaring asahan upang tumulong sa kaniya. She would literally be thrown to the lion's den. Hindi pa rin niya alam kung mapagkakatiwalaan ang matandang ginang o hindi. She has to actively investigate what was really happening to Christina's life. 

"Shh . . . Don't worry. Kukunin kita ulit kaagad doon. May mga bagay lang akong dapat ayusin at pagkatapos niyon ay pormal na kitang liligawan upang makuha na kitang muli sa tiya mo," pag-aalo sa kaniya ni Yohan. Somehow, the idea of him planning their wedding already comforted her a little bit. Konting tiis lang at maaayos na nila ang lahat. Kahit siya ay hindi pa rin makapaniwala sa kaligayahang natatamasa ngayon. Getting back together with Yohan was undeniably one of the factors along with her actual enjoyment of this timeline. Aaminin niyang mas naging clear ang head niya dahil sa kawalan ng technology at social media. All those times na palagi siyang nai-insecure sa mga magagandang babae na nakikita niya sa social media ay tila ba nabura na sa kaniyang isipan. They don't matter to her anymore because Yohan always make sure that she would feel loved despite her flaws.          

"Yohan, I love you." Diretso siyang nakatitig sa lalake habang sinasabi ang mga katagang iyon. Natigilan ito ng ilang segundo bago muling nakabawi at ngumiti sa kaniya. Mukhang hindi inaasahan ang biglaang affection na galing sa kaniya.

"I love you too," he whispered before kissing her briefly on the lips. Matapos niyon ay hinawakan nito ang kaniyang nanginginig na mga kamay at pinisil iyon. He then kissed her forehead before carefully pulling her closer to him. This would be her last day in Xav's house. Bukas ay sa ibang bahay na siya magigising at titira. Hindi na niya palaging makikita ang lalake at mga kapatid nito kaya naman susulitin niya talaga ang nalalabing oras kasama si Yohan. 

She buried her face in his broad shoulders while inhaling his familiar and comforting smell. Mami-miss niya ang cuddling sessions nila. Si Yohan ay inayos ang pwesto nito at mas niyakap pa siya ng mahigpit. He then started telling her all of the reminders that he already gave her for the nth time. Memorize na nga niya ang lahat ng iyon.

"Just always remember to be cautious. Huwag kang kakain ng kung ano-anong ibibigay nila sa iyo doon. If you can find a cat or a dog then that would be better. If an animal won't eat the food that they serve you, then there's something wrong with their cooking. Hindi pa natin alam kung sino ang kakampi at kalaban at wala ako doon para proteksyunan ka. May pagkain kaming ipapabaon sa iyo pero hanggang isang linggo lamang iyan."

"Yes, Sir." 

"If you already find someone suspecting then write a letter to me or to my brothers right away. Magsumbong ka kaagad sa amin kahit gaano pa kasimple o kahit isipin mo na walang halaga. 'Diba naisulat mo na ang mga address namin kung saka-sakaling kinakailangan mong magpadala ng liham?" paalala na naman sa kaniya ni Yohan.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now