Chapter 75

483 42 62
                                    

"Unang-unang maaari kong maipayo sa iyo ay huwag ka kaagad magtitiwala sa iba. Kung maaari ay itikom mo na lamang ang iyong bibig at huwag kang magkwento. Kahit sabihin mong hindi sila nakatingin sa iyo ay malaki pa rin ang tiyansa na marinig ka nila. Natandaan ko pa nang mapahamak ako sa aking ama dahil sa isang buyera sa may palengke . . ." Bored lamang na nakatingin si Apple Pie kay Elisa habang tinuturuan siya nito ng mga tips bago pa dumating ang kaniyang Tita Lourdes dito at kunin na siya. Ang sabi ni Kuya Zy ay wala na daw makakagabay sa kaniya kapag lumipat na siya sa pamamahay ng Tiya niya.

She truly appreciates Elisa's effort to teach her but she just felt like a kid again because of how they treat her. Ultimo mismo sa pagtayo o pag-upo niya ay napupuna siya. Kanina nga nang kumakain sila ay napagalitan siya ni Kuya Zy dahil para daw siyang siga sa kanto. Nakapatong kasi ang kanang paa niya sa upuan at nakatukod ang braso sa may lamesa. 

Aba't sa doon ako komportable! Pake ba nila!

 "Sa tingin ko ay mababansagan kang una rica india sapagkat hindi ka kaputian ngunit galing ka sa mayamang pamilya. Marampat lamang na masanay ka na sa mga naiinggit na tingin sa paligid mo." Hindi na niya narinig ang pinagsasasabi ni Elisa dahil na-busy siya sa paglalaro sa hibla ng buhok niya na hinila niya kanina. She plucked it out earlier and was now tying it to her finger. 

Tuwang-tuwa na sana siya sa ginagawa ngunit bigla namang nakuha ni Elisa ang atensyon niya nang may kunin itong damit na nakalagay sa upuan kanina. She curiously watched as Elisa laid it out for her to see it clearly. "Ito ang tinatawag na traje de mestiza. Ang disenyo, estilo at silweta nito ay pinaghalong pang-Europa at pang-Pilipino. Ang problema sa damit na ito ay hindi ito tugma sa tropikal na klima dahil talagang ang saloobin nito ay pang-kolonyal. Naaakma kasi ito sa panlipunan at kultura ng mga taga-Europa. Maaari mong paresan iyan ng mga aksesorya katulad nito," malakas na paliwanag sa kaniya ni Elisa sabay pakita sa kaniya ng isang kwintas na may cross na pendant. Alam niyang mostly sa mga accessories sa panahon na ito ay likas na relihiyoso dahil na rin sa Christianity. 

Napa-pout na naman siya dahil sa boredom. Kailangan rin kasi niyang matutong manamit dahil wala na si Elisa para sabihin kung angkop ba ang isusuot niya o hindi. 

Seriously?! Kahit pananamit ay may rules pa silang nalalaman. Siya nga tuwing pumupunta sa SM Megamall o di kaya sa MOA ay naka-pajama lamang.

"Nakapunta na ako sa panahon niyo at nakita ko kung ano ang pagkakaiba ng pananamit sa inyo at dito sa amin. Tiyak akong mas komportable ka sa maiikling pananamit ngunit kailangan mong umayon sa mga kombensiyon ng pamayanang Kristiyano rito. Kapwa ang itaas at ibabang bahagi ng katawan mo ay kinakailangang matakpan. Isa kang tunay na binibini kung alam mo ang tamang pananamit sa bawat okasyon. Angkop ang isang kasuotan kung mayroon itong magkakapatong na damit. Halimbawa, sa ating mga babae ay nagsusuot tayo ng damit pangloob kasunod ay papatungan ng mahabang manggas na baro na may kalakip na tapa de pecho. Sunod niyon ay ibabalot naman natin ang ating balikat ng isang pañuelo. Ang ibabang bahagi ay lubhang natatakpan ng mahaba nating saya at paparesan ng hindi matingkad na tapis.

She stifled a yawn but Elisa saw it. Pagod nitong naibaba ang hawak-hawak na damit at tila maiiyak na tumitig sa kaniya. Kahit siguro gaano kabait nito ay nakakaramdam pa rin ito ng inis sa kaniya. Halatang-halata kasi na wala siyang pakialam sa tinuturo nito sa kaniya.

"Ate . . ." she whimpered sadly. "Kinakailangan mo pong makinig sapagkat nakasalalay sa iyo ang sikreto nina Danilo. Kapag napansin ng tiya mo na bigla kang nagbago ay tiyak na marami itong tanong hindi lamang sa iyo ngunit pati na rin sa mga taong kumupkop sa iyo sa panahong nawala si Christina sa kanilang tahanan."

Kitang-kita niya ang katatagan ni Elisa sa sinabi nito kaya naman akma niya sanang buksan ang bibig upang humingi ng pasensya ngunit bigla namang dumating si Yohan. Sabay pa silang napatingin ni Elisa dito dahil sa biglaan nitong pagsasalita. "Elisa, magpahinga ka na. Ako muna ang magtuturo kay Apple Pie."

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now