Chapter 83

337 41 16
                                    

Napalingon si Apple Pie sa kaniyang pintuan nang marinig ang munting pagkatok roon. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kaniyang kama at nagmumukmok. Wala siyang magawa at ayaw naman niyang lumabas ng kwarto niya. Apart from her fear of something bad happening again, she also believed that she wouldn't feel her hunger if she doesn't waste her leftover energy on useless stuff like walking around.

Dahil sa kaisipang iyon ay hindi na siya tumayo at hinayaang pumasok na lamang ang tao na nasa labas.  "Pasok po." She heard some rustle before the door carefully opened, revealing Heneral de Castro's angelic face. Agad naman siyang nag-panic at nagmamadaling tumayo habang inaayos ang magulong buhok. "Heneral! Ano pong ginagawa niyo dito?" Para ata siyang bruha ngayon dahil sa buhok na parang pinagpugaran ng ibon at mukhang wala pang hilamos. 

"Uhmm . . . Narinig ko mula sa mga katiwala na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin daw kumakain. Maaari ko bang malaman ang dahilan?" he sheepishly asked like a little kid. She can't help but imagine him as a golden retriever, shining like a newly-formed sun. Tila ba nais makuha ng ginoo ang kaniyang atensyon at handang gamitin ang kahit na anong topic para makausap lamang siya. 

"Hi-Hindi ko lamang po natitipuhan ang lasa ng luto dito," pagdadahilan niya na tinanguhan naman ng heneral. Nakatayo pa rin ito sa may labas ng kwarto niya kaya inaya niya ito papasok. "Pasok po kayo."

Mabilis itong umiling-iling habang sinasabi, "Hindi maaari. Hindi ko nais mabahiran ang iyong purong reputasyon. Hindi magandang tignan kung makikita tayo sa iisang silid na walang ibang kasama." Nais niyang tampalin ang noo dahil nakalimutan niya ang munting rule na iyon. Bawal nga palang magsama ang isang lalake at isang babae sa iisang kwarto na walang ibang nagbabantay. "Nais mo bang ipagluto kita?"

Agad namang nakuha ang atensyon niya dahil sa sinabi nito kaya naman napatitig siya sa mata ng heneral. He looked hopeful, wanting to find a way to impress her in any way. "Ahh . . . baka po marami kang ginagawa. Nakakahiya naman po sa iyo," agad niyang ganti ngunit mabilis na hindi sumang-ayon ang lalake.

"Hindi ka nakakaabala sa akin . . . Hinding-hindi ka magiging abala," halos pabulong nitong sabi.

Parehas silang napatahimik dahil sa binitawan nitong mga salita kaya naman agad-agad siyang kumilos para maiwasan ang awkwardness sa pagitan nila. "Sige po. Nagugutom po ako!" She gleefully walked towards the heneral and out of her room before beaming widely at him. "Ipagluto mo po ako." 

Matapos sabihin iyon ay umuna siyang maglakad at narinig na lamang niya ang pagsarado ng heneral sa kaniyang pintuan at ang pagsunod nito sa kaniya. Soon, he was able to catch up with her and walked at her side. Nilingon niya ito at nakita ang malaking ngiti na nakapaskil sa mukha nito. Dahil sa nakikitang kaligayahan sa mukha nito ay hindi na niya napigilan ang sarili kundi ngumiti na rin. He was like a kid desperate for attention and when she did acknowledged his presence, he immediately relish on his success.

Matapos iyon ay ginabayan siya nito pababa ng pangalawang palapag at papunta sa kusina kung saan nadatnan nila ang iilang mga katiwala na naglilinis. Agad namang nagsilabasan ang mga ito nang ipaliwanag ng heneral na magluluto daw ito doon. She watched as the people quickly vacated the kitchen, leaving them two behind. 

"Umupo ka muna," alok ng lalake sabay hila sa isa sa mga upuan roon. She thanked him and slowly sat down, feeling the giddiness inside her stomach as she felt all of his attention and care on her and her only. Pinanood niya ang heneral na itaas ng bahagya ang manggas ng damit nito at seryosong pinagtitignan ang mga sangkap na available sa kusina. He expertly picked all the ingredients that he needed before putting them on the table and then proceeded to get all the necessary kitchen tools that he would use. 

All throughout the time, she was just watching him. Nakapatong ang kaniyang elbow sa lamesa habang ang kaniyang ulo ay nakahilig sa kaniyang palad. She doesn't understand but there's something about a man who knows how to cook that really gets her attention. Ang cute lang kasi nitong tignan kahit pa man sabihin na napaka-manly ng bawat galaw nito. His veiny arms attracted her while he was cutting onions. Naghihiwa lang naman ito pero yung braso nito ay para bang nasa gym at nagbubuhat ng kung ano. 

Nakaka-inlab talaga kapag marunong magluto ang isang lalake.

She felt guilty thinking about that, most especially because Yohan was never able to cook for her. Hindi rin naman niya masisisi ang lalake, talagang kaaway ito ng kusina. Kahit nga hot water ay nasusunog pa nito.

Naa-attract lamang siguro siya sa ginagawa ng heneral dahil sanay siya na siya ang nagsisilbi ng pagkain at hindi siya ang pinagsisilbihan. It felt nice being the one to laid back and watch. 

With this thought, she continued watching him move expertly across the whole kitchen. Sometimes they would occasionally talk about some random stuff. Ang heneral ang palaging nagsisimula ng kada topic dahil para bang ayaw nitong tumigil siya sa pakikipag-usap dito. Mukhang takot na baka bigla siyang ma-bored at iwan ito sa kusina. Again, it was so obvious that he was so damn desperate for her attention. Pinagbigyan na lamang niya ito at masaya itong kinausap habang ito nama'y nagluluto. 

Nang matapos ay agad naman itong kumuha ng isang bowl para sa kaniya at sinalinan siya ng pagkain. She waited in anticipation and then immediately smiled when she saw what he was holding. "Paella?" nakangiti niyang tanong nang maingat na nilapag iyon ng heneral sa harapan niya.

"Arroz Valenciana," pagtatama nito at nginitian siya pabalik. Agad naman siyang kinuhanan ng kutsara at tinidor ng heneral at maingat na nilapag iyon sa may lamesa. Umupo ito sa may harapan niya at para bang tutang excited na naghihintay sa magiging reaction niya. Again, he looks like a golden retriever.  "Kain na," he encouraged her while beaming widely, clearly proud of his work. 

Mahina na lamang siyang napatawa bago napailing-iling dahil sa tuwa. She picked up the spoon that he gave her and immediately took a bite out of the Arroz Valenciana. Halos lumuwa ang mata niya dahil sa sarap ng pagkain at gulat na napatingin sa heneral. She saw him smiling widely before saying, "Kain ka pa. Kung nanaisin mo ay ako na lamang ang magluluto para sa iyo araw-araw upang hindi ka na mawalan ng gana kumain."

Napangiti na lamang siya dahil sa sinabi nito. His suggestion would be a great advantage for her especially since napaka-risky para sa kaniya na kumain ng luto ng iba. The danger of being poisoned was still there. Malaki ang tiwala niya sa lalake. Ito nga lang siguro ang pinaka-reliable na tao sa pamamahay na ito ngayon, ngunit nakakahiya pa rin. Alam rin naman niya na nakakahiya sa heneral kung gagawin niya lang itong personal chef niya. Aba't kinakatakutan ito ng ibang tao ngunit napakalaking softie sa kaniya. 

Para maiwasan ang munting suhestiyon nito ay tinutok na lamang niya ang buong atensyon sa pagkain niya. Para nga ata siyang patay-gutom dahil sa bilis ng bawat lunok niya. Hindi rin naman siya masisisi sa aksyon niya ngayon. Aba't gutom na gutom na talaga siya. This would be the only decent meal she would have for a long time. 

Tutok na tutok ang kaniyang buong atensyon sa paglamon kaya naman hindi na niya napansin na dumadapat na pala sa pagkain ang kaniyang buhok. Mukhang napansin naman iyon ng lalake dahil pinapanood lamang siya nitong kumain. While she was busy stuffing food in her mouth, the general softly tucked her hair behind her ear while whispering, "Kung papakasalan mo ako, aalagaan kita."

The spoon full of food that she was holding stopped midair as she slowly looked at the general, contemplating whether she heard him right or not. "Ha?" parang tanga niyang ika ngunit malamlam lamang siyang tinitigan ng lalake.

"Wala akong sinabi," tipid nitong ika bago siya inudyok na ipagpatuloy ang pagkain. She pretended to believe him but the truth is that she heard him clearly.

What should I do?

A/N: Para po sa mga bolero sa Fb,ito na po ang update. XD

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora