Chapter 98

390 35 11
                                    

"Binibini, narito na tayo." Biglang napaigtad si Apple Pie sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang mahinang pagtawag sa kaniya ng isang lalake. Nilakipan pa nito iyon ng maingat na pagyugyog sa kaniyang balikat kaya naman talagang nagising siya. Agad namang napabuka ang nakapikit niyang mata at nadatnan ang heneral na nakatitig sa kaniya. Ito pala ang gumising sa kaniya. Nang mapansin ang posisyon nitong napakalapit sa kaniya ay kaagad naman siyang lumayo at nilingon-lingon ang paligid niya.

Nakasandal siya sa may bintana ng kalesa at mukhang nakatulog habang bumabiyahe sila. Nandito na pala sila sa pamamahay ng heneral. She insisted that she wanted to join the general and her aunt to an afternoon visit on the general's estate. Mukhang iiikot nito ang kaniyang tiya sa malawak nitong lupain upang makapag-flex kung gaano ito kayaman. 

Speaking of her tiya, she quickly remembered the old woman and glanced around to look for her. Agad naman niya itong nakita na nakababa na pala sa kalesa at mukhang hinihintay na lamang na magising siya ng lalake. 

She immediately squirmed around and readied herself to go down by herself but the general immediately held her arms and helped her down the kalesa. Awkward niyang tinanggap ang tulong nito at mabilis namang lumayo dito nang makababa na siya. 

"Halina't sa loob tayo magpahinga bago natin ikutin ang buong lupain ko," aya sa kanila ng heneral bago sila ginabayan papasok sa mansyon nito. Nagpatianod na lamang siya at naglakad sa may bandang likuran ng kaniyang tiya at ng lalake. Masayang nag-uusap ang mga ito sa wikang Espanyol kaya naman hindi niya maintindihan ang pinagsasasabi ng mga ito. 

Konting tiis, Apple Pie. I just need to investigate here.

Mahina niyang sinampal ang pisngi upang magising ang diwa sapagkat nararamdaman na naman niya ang antok at pagod. Pinilit niya ang sarili na maging aware sa paligid habang ginagabayan sila ng lalake papasok. Napatingala siya upang mas mapagmasdan pa ang kisame.

From the outside, she already got the impression that this house was elegant as well as big. It has been built with hardwood and has different wooden decorations. Small, triangular windows adorned the walls which added to the overall style of the house. Masasabi niyang marangya talaga ang pamamahay na ito. Mukhang mamahalin rin ang mga gamit sa loob. On the outside, it was surrounded by paved ground, with an outdoor eating and relaxing space with various potted plants that would make any "PlanTita" squeal. 

Habang busy pa rin siya sa pagkilatis sa buong kapaligiran ay hindi naman niya napansin na nakarating na pala sila sa may patio ng bahay. May nakahanda na doong mga pagkain, mukhang alam na ng mga katulong na dadating sila. Agad naman silang inayang umupo ni Heneral de Castro. 

Syempre agad niyang nilantakan ang mga pagkain doon habang nag-uusap ang dalawa. Hindi naman niya naiintindihan ang mga pinagsasasabi ng mga ito sapagkat Espanyol ang gamit ng mga ito. She just patiently sat there, ate her snacks and minded her own business. Matapos naman silang makakain at makapahinga ng kakaunti ay nagyaya na ang heneral na ilibot sila. Her aunt was so excited but it's not the same for her. Hindi naman paglilibot ang pinunta niya dito. 

"Uhmm . . . maaari po bang matulog na lamang ako? Pagod po talaga ako ngayon," she tried excusing herself from the expedition. Kaagad namang kumagat sa kaniyang kasinungalingan ang dalawa dahil hindi na rin lingid sa kaalaman ng mga ito ang palagian niyang pagtulog nitong nagdaang linggo. Mukhang inisip lamang ng mga ito na umatake na naman ang puyat niya. Kaagad namang sumang-ayon ang dalawa at iniwan siya sa bahay habang ang mga ito ay nagpatuloy sa paglilibot. Inihabilin lamang ng heneral na nasa pangalawang palapag daw ang mga bakanteng kwarto na maaari niyang pagtulugan. She murmurred her thanks before waving the two goodbye.

Nang masigurado naman niyang wala na ang mga ito ay doon naman siya nagsimulang pumunta sa may pangalawang palapag. Good thing, she doesn't need to sneak just to get here. May alibi siya kung sakaling tanungin siya kung bakit nandito siya. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now