Chapter 47

415 44 20
                                    

"Let's start in the beginning, shall we? Paano ka napunta dito, Apple Pie?" curious na tanong sa kaniya ni Xav habang nakaupo katabi niya. Aaminin niyang makapal ang mukha niya ngunit nalusaw ang confidence niya ngayong may tatlong Adonis na nakatuon ang atensyon sa kaniya. 

She was nervously fiddling with her fingers while her gaze switched from the three faces of her interrogator. Si Xav ay nakaupo katabi niya habang si Kuya Zy naman ay prenteng nakaupo sa katapat na sofa niya. Si Yohan naman ay nakatayo at naka-lean sa isang dingding na para bang hindi ito mapakali kung uupo ito. All of their eyes were directed to her while their arms were crossed, but all she could think of was how great their biceps were.

Sarap pasakal, bes . . . 

"Apple Pie," tawag sa kaniya ni Kuya Zy pero lubog na lubog siya sa kaniyang iniisip.

Beshiwaps, kaya ata akong buhatin gamit ng isang daliri ng mga ito . . .

"Hoy bingi!" biglang sigaw ni Yohan na agad namang nagpakuha ng atensyon niya. She quickly directed her piercing gaze at him. Sinalubong naman iyon ng lalake ng kaparehas na tingin. "Wala akong pakialam kung bingi ka, baliw o sadyang bobo. We just wanted some answers so can't you just fucking use your remaining brain cells to speak?!"

"Aba't tang-ina ka rin no?! Hoy! Dili ko boang! Piste kang yawaa ka!" galit niyang sabi at akma na sanang tatayo ngunit pinigilan siya ni Xavier. 

"Tumigil kayong dalawa, para kayong mga bata," mahinahong sabi ni Kuya Zy na agad namang nagpatahimik sa kaniya. She pouted in annoyance before going back to her seat. Umayos muna ng upo si Kuya Zy bago inulit ang tanong ni Xav kanina. "Now, Apple Pie. Can you answer Xav's question? How did you got here?"

She cleared her throat first before answering, "May nagbigay ng raket sa akin. Magiging cleaner daw ng isang condo for a week. Malaki ang bayad kaya tinanggap ko. Hindi ko naman alam na demonyo pala ang nagmamay-ari niyon!" pagpapaliwanag niya pero agad na tinuon ang mga mata kay Yohan nang mabanggit ang salitang "demonyo".

Agad namang rumehistro ang gulat at pagtataka sa mukha ng hinayupak. Mukhang hindi na nito pinansin ang pang-iinsulto niya dito. "You're in my condo?! I specifically ordered the cleaners to not come that week because I'm gonna do something!"

"Hoy! Sinasabihan mo ba akong magnanakaw?! Kung gusto mo ng ebidensya then ipapakita ko pa sa iyo ang mga information at pag-uusap namin ng maid mo! Siya mismo nagsabi sa akin na pumunta at maglinis sa bahay mo!" pagtatanggol niya sa sarili.

Akma na sanang magsasalita muli si Yohan, siguro para insultuhin na naman siya ngunit inunahan na ito ni Xav sa pagsasalita. "Then how do you get here if paglilinis lang naman pala pinunta mo?" taka nitong tanong.

She glared at Yohan before answering again. "Kasi naman po, itong señorito niyo ay hindi marunong manirado ng kwarto niya. It was specifically informed to me that no one would be in the condo during my stay there. May narinig akong ingay sa kwarto kaya akala ko may naiwang nakabukas na TV o whatever. Papatayin ko sana pero pagpasok ko nakita ko iyang hinayupak na natutulog. Aalis na sana ako pero bigla ko na lang narinig yung music . . . teka hindi . . . hindi iyon music . . . recording? Ay ewan! Basta may narinig akong sound sa kwarto niya, and next thing I know, I fell dead flat on the floor!"

Nakita niya ang paghilot ni Kuya Zy sa sentido nito na para bang namomroblema ito sa natuklasan. Si Xav naman ay interesadong mas lumapit sa kaniya. He looked like a scientist gathering information from his experiments. "So do you mean that you got hypnotized in a matter of seconds? First time mong ma-hypnotized right?"

"Ma-hypnotized? Anong pinagsasasabi mo diyan?" tatawa-tawa niyang tanong ngunit seryoso lamang na nakatingin sa kaniya ang tatlo. "Bakit? Don't tell me na hindi kayo nagjo-joke?" Her smile slowly faded upon realizing that they were serious.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon