Chapter 54

414 46 13
                                    

"Gusto kong pumatay . . ." mahinang bulong ni Apple Pie sa kaniyang sarili habang aggressive na nakatitig sa antipatikong dragon na kasalukuyang nakaupo sa may sala at umiinom ng kape nito. Gwapo man ang putang-inang dragon na iyon ay wala pa rin siyang pakialam. Hindi iiyak si Mother Earth kung mawala ito.

Inis na inis siya kay Yohan dahil umagang-umaga pa lamang ay nananakit na ang kaniyang bewang. Paano ba namang hindi mananakit iyon ay tinadyakan lang ba naman siya ng lalake papahulog sa kama. Tanda niyang sa kabilang kwarto siya natulog ngunit pagkagising niya kaninang umaga ay nakatabi na naman siya kay Yohan, nakapulupot pa nga. Aba't ang gago sinigawan siya at tinulak papahulog. Ayan tuloy, para siyang nahulog sa puno ng buko dahil sa sakit ng likuran niya.

Aba't paano ko malalaman na kaugalian pala ni Christina na mag-sleepwalk?!

Hindi naman niya iyon ginawa sa isang linggong pananatili niya kay Tatay Ado ganuon rin sa isang gabing pagtulog niya sa bahay ni Xav. Tanging sa mansyon ng yawang lalakeng ito nagsimula ang sleepwalk niya. Bad mood ang boang lalong-lalo na dahil nilalagnat ito ngayon.

Aba't kasalanan ko bang pinag-tripan ito ng mga mikrobyo ngayon?!

Ngayon nga'y nakatayo lamang siya sa may gilid ng silid at masamang nakatingin kay Yohan. Dahil nga sa may lagnat ito ay napagdesisyunan ng lalakeng asikasuhin muna ang mga "paperworks" ngayon dito sa sala. Tapos na silang kumain ng almusal at kahit pa man hindi sila sabay ay wala siyang reklamo. Ang piste kasi nag-insist na dapat niyang hintayin matapos itong kumain bago siya makakain. 

Sarap kaltukan!

After eating breakfast, she tried looking for some chores to do but all of Yohan's maids were running away from her. Para bang bawal na may lumapit sa kaniya which hindi na rin nakakagulat na malaman kung si Yohan mismo ang nagsabi. Mukhang pinaninindigan nito ang nais na hindi siya makabigay ng kahit na anong suspicion sa iba. The best way to avoid being detected is to be treated like she wasn't here at all.

Nang mapansin naman ni Yohan na umaaligid-ligid lamang siya sa pamamahay nito ay inutusan siya nitong sumunod at hintayin ang kung anong order nito. He said na ang trabaho niya doon ay maging personal muchacha nito. Ok, he said it in a fancier way, "personal maid" in fact, but maid and muchacha was still the same, fight me if you disagree.

Ang gago ba naman ay inutusan siyang maglampaso ng sahig sa sala. Wala siyang problema doon kung hindi lang parang puta ang lalake na naglalakad-lakad sa lahat ng basang sahig na nalinisan na niya. He was acting like a headless chicken, walking around the sala as if it was his first time there. Makalibot ito sa sala nito ay parang hindi ito ang nagmamay-ari niyon. He would even pretend to look at his porcelain decorations and then callously rub the heel of his dirty shoes to the wet floor. Para tuloy siyang tangang nakaluhod na sumusunod sa bawat yapak nito dahil dinudumihan lang rin nito ang mga nalinisan na niya.

Nang nagsawa ito sa ginagawa ay umupo ito sa sofa at inutusan siyang magpakuha ng kape. Syempre sumunod siya kaagad at baka may maireklamo pa ang lalake sa kaniya. Nagpatimpla lamang siya sa mga tauhan na nasa kusina dahil nga bawal siya roon. Para tuloy siyang tangang naghintay sa labas ng kusina, kainis!

Nang maihatid ang kape nito ay ginawa naman siyang personal tagatapon ni Yohan. Ang gago kasi ay may mga sinusulat at sa tuwing nagkakamali ito ay walang pakealam na tinatapon lamang nito ang papel sa may sahig. Hindi niya ma-appreciate ang galing nito sa paggamit ng quill pen dahil sa pagiging antipatiko nito. Naghanap siya ng basurahan at agad naman siyang nakakita ng basket na may lamang mga panahi. Kinuha niya ang mga laman niyon at nilapit ang basket sa may paanan ng lalake ngunit ang gago ay tinatapon pa rin ng pagkalayo-layo ang mga crumpled paper nito. Wala tuloy siyang choice kundi pulutin muli ang mga iyon at itapon sa basket na literal na katabi ni Yohan.

Apakaputa talaga!

Ilang minuto na ata siyang nakatayo lamang sa may gilid at gumagalaw lamang sa tuwing pupulutin ang tinapon ng lalake. Wala na atang planong umalis si Yohan sa sala at lubayan siya ngunit agad na nagbago iyon nang may isang tauhan nito na mahinang kumatok sa bukas na pintuan. Sabay pa silang napatingin ni Yohan sa lalakeng nakatayo ng tuwid roon.

"Luisito, bakit?" agad na tanong ni Yohan sa patpating ginoo.

"Pagpasensyahan niyo na po ang panggagambala ko sa pamamahinga mo po, Ginoong Eduardo." Luisito said in a worried tone. Hearing him regard Yohan as Eduardo was still weird for her. Hindi siya sanay sa ibang pangalan ng lalake dito. Agad naman niyang natandaan na ang lalakeng ito ang personal assistant ni Yohan sa negosyo nito. Alam niya iyon dahil paulit-ulit niya itong nakita dito kaninang umaga at mukhang may mga hinahatid na "reports" tungkol siguro sa negosyo ng binata. "Alam ko pong mahigpit na paalala niyo po na hindi muna kayo tatanggap ng bisita ngunit biglaan pong dumating si Binibining Carmelita."

Bigla siyang nagising dahil sa narinig na pangalan at mukhang ganuon rin si Yohan. Tinanguhan lamang nito si Luisito at mukhang sinenyasan na tagpuin ang babae sa labas. Agad namang lumingon sa kaniya si Yohan at kinuha ang basket na pinaglagyan niya ng mga crumpled paper nito. "Throw this one out and get the hell out of here. Better yet, go inside your room and hide." 

Hindi pa man niya naibubuka ang bibig upang sagutin ito ay tinulak na sa kaniyang kamay ni Yohan ang basket at ginabayan siya papunta sa direksyon ng pintuan. "I can walk, you know!" inis niyang reklamo habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya. She felt like a mistress being asked by the cheating husband to hide from his true wife. Mas naimbyerna siya tuloy!

Dahil sa kaniyang pagrereklamo ay hinayaan na siya ni Yohan na maglakad papunta sa pintuan habang ito ay bumalik sa pagkakaupo sa sofa. She was about to reach the door when suddenly a graceful lady walked inside, all dolled up like a 19th century Barbie. May isang maid na nakasunod sa may likuran nito. Mabilis siyang tumingin sa may sahig upang hindi nito makita ang kaniyang mukha ngunit mukhang hindi na niya iyon dapat problemahin dahil walang pakialam na nilagpasan lamang siya nito at naglakad papalapit sa lalake. She looked back at Yohan and immediately felt a sharp pang of pain when she saw him smiling back at the binibini. Mabilis na tumayo ang lalake na parang isang gentleman at inaya ang babaeng maupo sa may pang-isahang sofa.

"Binibining Carmelita, bakit ka naparito?" magalang na tanong ni Yohan habang inaantay na maunang maupo ang babae.

Plastik!

Matamis na ngumiti ang binibini na para bang nais ibandera kung gaano kaperpekto ang ngipin nito. "Nabalitaan ko na may sakit ka daw kaya naman kaagad akong pumunta rito upang kamustahin ka." Kalakip ng magarang pananamit ng babae ay ang pagiging articulate nito sa kada salita. She wanted to hate this girl but she has this aura where you can't hate her no matter what. Para bang si Heart Evangelista na kahit mayaman ay hindi maarte tignan kundi classy.

Pucha naman!

Her fist tightened on the basket while watching those two lovebirds. She can't deny the chemistry that the two have. Sila yung tipo ng isang tingin pa lang ay alam mo ng magiging power loveteam couple. Parang KathNiel lang na perpektong-perpekto para sa isa't-isa. This has always been her nightmare. She was so afraid to see that Yohan did more than move on. 

He didn't just move on . . . he fell in love.



A/N: So sorry for the short chapter. Na-busy lang po masyado. I'll try to write another chapter tomorrow~

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن