Chapter 9

533 62 36
                                    

"Makakahinde ba ako eh dinala na niya lahat ng gamit ko . . ." hindi makapaniwalang bulong ni Apple Pie sa sarili habang nakatingin sa lugar kung saan niya nilapag ang mga gamit kanina. Wala na ang mga iyon doon at tanging naiwan na lamang ay ang soccer jersey ng lalake. 

Agad niyang tinapos ang hinuhugasan bago nakapameywang na nilapitan ang jersey ni Yohan. She picked it up and raise it up so she can see his surname printed on the back.

Ok lang ba talagang suotin ko ito?

She knew na if may makakakita sa kaniya na suot-suot iyon ay agad na mapagkakamalan siya na girlfriend nito. Kung bakit iyon naisip ipagawa sa kaniya ng lalake ay nananatiling misteryo pa rin sa kaniya. 

Kinokonsidera niyang huwag na lang pumunta dahil na rin sa pangako niya sa sarili na lalayuan na ang dating crush, ngunit nang matandaan niya na ang shoulder bag at plastic box niya, pati na rin ang laptop ni Gwyneth ay na kay Yohan ay agad naman siyang napatigil sa pinaplano. She can't just leave her stuff to him. Kailangan niya pang gumawa ng PPT para sa presentation niya next week.

"Hays! Ano ba namang trip ng lalakeng ito?!" pissed-off niyang ani bago padabog na naglakad sa isa sa mga drawer sa HRM laboratory. Buti na lang at nasa bulsa ng uniform niya ang susi ng drawer na iyon kaya naman nabuksan niya pa rin iyon. 

Binigay kasi sa kaniya ni Mrs. Fortu ang isa sa mga bakanteng drawer sa lab upang may mapaglagyan siya ng gamit, parang budget version ng locker. Tanging mga clubs lamang kasi ang may mga lockers katulad ng mga athletes na may sariling locker sa tabi ng gym o mga band members na may mga lockers sa music room. Tuwang-tuwa pa siya nang ibigay iyon ni Mrs. Fortu sa kaniya dahil at least ay may mapaglalagyan siya ng mga gamit kaysa pabalik-balik siya sa boarding house. Mostly ay mga extra clothes lamang ang narito para may pangpalit siya kung saka-sakaling madumihan siya tuwing naglilinis. 

Kinuha niya ang jogging pants na naroon at sinarado itong muli. Since tapos na siya sa lahat ng ginagawa at nakapag-mop na rin si Yohan sa sahig ay dumiretso na lamang siya sa CR at magpapalit na siya.




The walk from the HRM laboratory to the soccer field became unbearable for Apple Pie. Wala namang gaanong katao-tao sa university since papagabi na ngunit may mga estudyante pa rin naman na pagala-gala pa sa campus dahil usually ay kada Friday ang meetings ng mga club.

Walking around while wearing Yohan's jersey made her the center of attention for some students. Para ba kasing pinagsisigawan niya na girlfriend siya ni Yohan kahit hindi naman. She tried her best na matakpan ang apelyido ng lalake sa likod ng jersey gamit ang buhok niya, ngunit ang malaking number 09 na tatak na ni Yohan ay hindi kayang takpan ng buhok niya.

Pilit niyang binalewala ang mga tingin ng mga tao sa kaniya at mas binilisan pa ang paglalakad patungong soccer field. Thankfully naman ay hindi gaanong kalayuan ang HRM laboratory sa field at idagdag pa na wala siyang dala-dalang gamit dahil dinala na iyon lahat ni Yohan kanina  kaya naman nakarating siya kaagad. 

She hesitantly walked inside the soccer field while looking around. As expected ay nagsisimula na ang practice ng mga athletes. Agad siyang naglakad papunta sa usual spot niya ngunit nang malapit na siya ay unti-unting bumagal ang kada hakbang niya.

All of her stuff was there, but what caught her attention was that Yohan's bag was also there. Nakatabi ang gamit nito sa mga gamit niya na para bang normal na gawain nila iyon. Nang makalapit doon ay nagtataka siyang napatingin sa isang box ng pizza at 500ml na coke. May nakadikit na papel doon kaya naman dinampot niya iyon at binasa.

'Eat'

Para akin ba ito?

Napakunot ang kaniyang noo at binaliktad-baliktad pa ang box ng pizza para makita kung may pangalan doon. Ayaw naman niyang mag-assume na kaniya iyon kahit na halos katabi lamang iyon ng bag niya dahil baka para sa iba pala iyon.

"Kain." Napagitla siya at muntikan ng mabitawan ang pizza. Mabuti nga lang at agad niya itong nahawakan ng maayos. Mabilis siyang lumingon sa kaniyang likod at nakitang nakatayo doon ang pawisang lalake. "Matatagalan practice namin ngayon kaya kumain ka," dagdag nitong saad.

"Uhmm . . . sige," nag-aalangan niyang sagot dito bago naupo na sa usual seat niya. Akala niya ay babalik na si Yohan sa field ngunit naupo rin ito katabi niya at dinampot ang water bottle na nasa bag niya. "Akin yan!" pigil niya dito ngunit hindi siya pinansin ng lalake at ininom na ang tubig niya.

Nainuman ko na iyan . . .

Namumula siyang napaiwas ng tingin dito dahil sa hiya ngunit dahil sa ginawa ay agad nakuha ang kaniyang atensyon ng mga ka-teammates ng lalake.

"Apple Pie!" sigaw ni Joshua sa kaniya habang kumakaway-kaway pa. Kinawayan niya rin ito pabalik. "Apple tingin ka lang ha! Babawi lang ako sa suntok ni Captain!" sigaw nitong muli na nagpataka sa kaniya.

Ha?

Kunot noo niyang pinanood ang ginagawa ni Joshua. He was talking to his other teammates and they looked like they were planning something. Nilingon niya si Yohan at nakitang ang sama-sama ng tingin nito sa kaibigan. Nang binalik niya ang titig kay Joshua at sa mga teammates nito ay nakita niyang papalapit ang mga ito sa pwesto nila.

Ang kaninang nagtataka niyang reaksyon ay napalitan ng gulat hanggang sa namula ang kaniyang mukha. Joshua, along with the other guys, started taking off their jerseys and displaying their bodies in front of her while walking closer and closer to her. Hindi nakatulong sa malandi niyang self ang lapit ng mga ito sa kaniya.

Napakagat siya sa ibabang labi habang nakatingin sa mga naggagandahang katawan ng mga athletes na halatang napaka-intense training.

Juice ko Lord! May biyayang pagkain at pwedeng makain! May pizza na nga, may pandesal pa!

Tuwang-tuwa na sana siya sa panonood ngunit mabilis na hinawakan ni Yohan ang ulo niya at binaon sa may dibdib nito ang mukha niya.

"Mga putang-ina kayo!" rinig niyang sigaw nito at naramdaman ang pagbato nito sa water bottle patungo sa mga kaibigan nito. Hula niya ay si Joshua ang natamaan dahil ito ang dumaing sa sakit. 

Narinig niya ang mga tawanan ng mga ito at panunukso kay Yohan ngunit hindi iyon ang tuluyang kumuha ng atensyon niya.

Ang bango . . .

Pawisan ang lalake ngunit ang bango-bango ng natural scent nito para sa kaniya. His right arm was wrapped around her and his hand was gently caressing her hair despite the pissed off tone that he was using towards his friends.

"Mga putang-ina! Magbihis kayo!" sigaw nitong muli sa mga kaibigan na sinundan ng malakas na tawanan

"Kaya pala ayaw mamigay ng pagkain! Galing pala sa girlfriend!"

"Bro, tambay tayo sa HRM building next week. Baka makakuha rin tayo ng girlfriend doon na bubusugin tayo."

"Bihis na daw guys! Nakaganti na ako!" tawang sabi ni Joshua habang pinapabalik ang mga kaibigan nito sa kabilang side ng field kung saan nakalagay ang mga bag nito.

Pwede na ba akong lumayo? Yung heart ko marebels! 'Di ko na ma-take! 

Ilalayo na sana niya ang sarili sa lalake dahil rinig niya na malayo na ang mga kaibigan nito ngunit hindi siya nito binitawan bagkus ay mas binaon pa ang mukha niya sa dibdib nito. 

"Sa susunod kasi kung gusto mong makakita, sabihan mo ako," bulong nitong ika bago siya mabilis na binitawan at mabilis na naglakad papunta sa mga ka-teammates nito.

Ha?

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now