Chapter 50

459 41 14
                                    

Apple Pie was kicking the small stones in front of the mansion while waiting for Xavier. Hinanap kasi siya nito kanina at nang makita nga ang nanghihilam na mata niya dahil sa pag-iyak ay agad siya nitong sinabihan na maligo at magbihis. He said he would try to cheer her up by showing her around the place. Para bang kahit hindi na ito magtanong ay alam na nito ang nagpapabigat ng loob niya.

That has always been Xavier's charm. Masyado itong sensitive sa nararamdaman ng mga tao sa paligid nito. Kahit na nakangiti ka ay alam kaagad nito na may bumabagabag sa loob mo. Hindi na nga siya nagulat nang nag-aral ito ng Midwifery at sinabayan pa ng iilang Psychology subjects. Bagay na bagay talaga kay Xavier ang sumunod sa yapak ng lolo nito.

One look at her red eyes and puffy nose and he already knew what to do. Sinabi nito sa kaniya na maaari siyang maligo sa labas. Wala pa daw kasing indoor plumbing sa panahon na ito at wala rin itong maids na pwedeng maghakot ng tubig sa bahay kaya naman sa may poso sa likod ng bahay siya nito pinaligo. 

Nang matapos naman siya sa paliligo ay binigyan siya nito ng mga damit. Ika nito ay binili nito iyon para kay Elisa, isang wardrobe pa nga iyon. Puro magagara ang mga damit na nasa kwarto na para kay Elisa. Honestly, she always had this bias thought na puro puti lamang ang kulay ng mga damit sa panahon na ito. Imagine her surprise when she saw the different colored Filipinianas inside the wardrobe. Sabi naman ni Xav ay known misconception iyon pagdating sa mga damit sa panahong ito. 

Ngayon nga'y nasa harapan siya ng mansyon at naghihintay na lumabas ang lalake. Si Kuya Zy at Yohan naman ay hindi niya alam kung nasaan. Honestly, she doesn't want to see the faces of those two fricks. Naiinis siya at tumataas ang dugo niya.

"You ready?" Bigla siyang napalingon sa may pintuan nang marinig ang boses ni Xavier. Agad naman siyang napangiti nang matanaw ito. 

This man really changed a lot. When she said "a lot", she really do mean it. Siguro nga maaaring mai-consider ang factor na ibang katawan ang gamit nito ngayon kaya naman ibang-iba ito kumpara sa huli nilang pagkikita. But Xavier changed not just physically but also through his actions. 

Kung noon ay palagi niya itong nakikitaan ng pilyong ngiti na para bang may pinaplano itong "prank", ngayon naman ay diretso itong nakatindig habang may tipid na ngiti sa mga labi. He wasn't the playful teenager anymore. He grew up into a dependable man who knows how to take action. Syempre hindi makakalimutan ng assessment niya ang katawan nitong oh so yummy na. Katulad nga ng sinabi niya kanina ay para na itong ibang version ni Kuya Zy. 

"Let's go. I'll show you around," nangyayaya nitong ika bago nilahad ang kamay nito sa kaniya. Kaysa tanggapin iyon ay agad siyang lumingkis sa braso nito at pinisil-pisil ang biceps nito. 

Akma na sana nitong tatanggalin ang pagkakayakap niya sa braso nito ngunit agad niya itong pinandilatan ng mata. "Pipisil nga lang eh! Hindi ba pwedeng i-enjoy ang self ko? Naninibago lang ako dahil ang patpatin mo noon."

Malakas na lamang itong napabuntung-hininga bago hinayaan ang pagkakahawak niya dito, mukhang sumuko na. He started guiding her towards the garden that she saw earlier when she arrived here. 

Mahina na lamang siyang napatawa dahil sa naging reaksyon nito. Sa maikling panahon na pananatili niya sa tahanan nito noon ay naging close na sila ng lalake. He likes to prank her so much, pero dahil hindi siya papatalo ay pina-prank rin niya ito pabalik. Lagi na nga lang nilang nabibigyan ng kunsimisyon si Kuya Zy noon at nabibirong naging tatlo na ang anak nito dahil sa pagdating niya.

"Ang ganda ng bahay mo, Xav." puri niya na agad namang nagpaliwanag ng mukha nito.

"Salamat, nakaayon ang disenyo ng buong bahay base sa gusto ni Elisa," proud nitong ika. She looked back at the mansion and remembered that she thought of the whole house as more of a European-style rather than Filipino. Mukhang mahilig roon ang babae.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now