Chapter 6

590 56 28
                                    

"Iha," Apple Pie quickly stopped herself from opening the office door and glanced at Mrs. Fortu. Nakaupo ang matandang guro sa may swivel chair nito at nakangiti sa kaniya. 

She has always been her favorite teacher because of her sunny attitude and warm smiles. Kahit na malapit na itong maging 40 years old ay mahilig pa rin ito sa Kpop at mga K-drama kaya naman talagang magka-vibes sila ng guro.

"Bakit po Ma'am?" tanong niya dito. Hindi niya alam kung bakit pero may something sa mga ngiti ng prof niya ngayon. It felt like being on a prank show and you know that you're gonna be prank but you don't know in what way would they prank you. 

"May bago kang assistant sa lab ngayon," inform nito sa kaniya na unti-unti naman niyang tinanguhan. "Actually for the entire week," dagdag nito na ikinakunot naman ng noo niya.

"Entire week po? Is this regarding po doon sa bagong rules ng school?" taka niyang tanong. Sinabi na kasi iyon sa kanila ng class president nila. She would admit na natuwa talaga siya nang malaman na kasali sa mga punishments ang tumulong sa HRM lab. Having a helping hand would be great kahit na isang linggo lamang. Ang rami kasi niyang ginagawa sa lab. 

"Yes, that's right. May isang student na ang makaka-sample sa new punishment ng school," nakangiti nitong ika.

"Wow . . . Wala pa nga pong isang linggo nang i-announce iyang new punishment tapos may nakagawa na ng gulo?" hindi niya makapaniwalang ani na sinang-ayunan naman ni Mrs. Fortu.

"Well . . . Hindi naman natin masisisi yung lalake," sagot sa kaniya ng guro bago siya tiningnan na para bang kinikilig. "Mukhang may dahilan kung bakit ginawa."

Nanghihinala siyang tumingin sa guro. Alam niya ang mukha nito ngayon. That was her usual face whenever she watches her favorite K-drama and the scene is a romantic, nakakakilig one. Sila kaya palaging magkasama tuwing nanood ng mga movies o dramas dahil may Netflix ang guro at nakikinood siya dito.

"Ma'am? May problema po ba?" kinakabahan niyang tanong dito dahil hindi na niya talaga makaya ang tila kinikilig na expression nito. 

"Naku iha! Huwag mo na akong pansinin dito at pumunta ka na sa lab. Nandoon na ang bago mong assistant at binigay ko na sa kaniya yung susi. Tulad lang ng dati ay kayo na magsarado ng lab at ibalik niyo na lang dito sa desk drawer ko ang susi," pigil na tawang instruct sa kaniya ni Mrs. Fortu bago siya inakay upang lumabas.

Kahit pa man nalilito pa rin dahil sa inaasal ng guro ay sinantabi na lamang niya iyon at naglakad na papunta sa lab. Thankfully ay wala naman siyang assignment o kahit na anong dapat gawin ngunit gusto pa rin niyang makauwi ng maaga dahil magbabasa pa siya ng manhua. Babalikan pa niya ang kaniyang mga palaloves.

She was whistling happily while walking towards the HRM laboratory. Nang tanaw na niya iyon ay nakita niyang naka-on na ang mga ilaw sa loob. She then remembered that she wasn't able to ask Mrs. Fortu on who is she gonna be working with. Ang alam lamang niya ay lalake iyon dahil nabanggit iyon ni Ma'am kanina. 

"Sana naman hindi arogante . . ." bulong niya sa sarili habang binubuksan ang pintuan. Alam naman kasi niyang halos lahat ng estudyante dito sa uni niya ay may kaya at karamihan ay mga spoiled brat. Baka siya naman ang api-apiin dahil pinaglilinis niya. 

Aba't subukan lang nitong awayin ako at talagang makakatikim ito ng right hook with matching na mag-asawang sampal!

Hinanda na niya ang striktang mukha at may plano na sanang pagmalditahan ang kung sino mang Poncio Pilato na gumawa agad ng gulo kahit pa man kaka-enforce pa lang ng bagong punishment ngunit pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ay ang gwapong mukha ng anghel niyang crush ang nadatnan niya.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now