Chapter 3

589 64 8
                                    

"Naku iho! Pasensya na at na-ilock ko na ang recycling hub!" hinging paumanhin ng ginang kay Yohan. "At saka kung ngayon ka maghahanap ng tupperware na naitapon mo kanina eh tiyak na buong magdamag ka dito. Basura ng buong university ang dapat naming i-recycle kada araw kaya naman mahihirapan ka talaga!"

He was about to tell her that he doesn't care, but the face of the old lady clearly told him that she wanted to go home already. Alam niyang hindi ito maaaring makauwi kung magpapaiwan siya dito.

Malakas na lamang siyang napabuntung-hininga bago ito tinanong, "Ano po bang oras kayo magbubukas kada umaga?"

"Mga seven AM iho. Babalik ka ba dito bukas?" taka nitong tanong sa kaniya.

"Opo," tipid niyang sagot.

"Mukhang mahalagang-mahalaga iyang tupperware na nawala mo ah!" hindi makapaniwalang ika ng matanda. Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na puro mayayaman ang mga estudyante sa university na ito. Kaya naman talagang kataka-taka ang pagiging insistent ng lalake na mahanap ang simpleng tupperware na nawala nito. 

Matapos iyon ay magalang na nagpaalam si Yohan sa ginang at naglakad pabalik sa soccer field kung saan kanina pa nagsisimula ang practice nila. Masamang nakatingin sa kaniya ang kanilang coach ngunit hindi niya ito pinansin. Diretso lamang siyang naglakad sa lugar kung saan nilagay ng mga ka-teammates niya ang mga gamit ng mga ito.

Sa tingin ba nito ay matatakot siya?

Inis niyang tinapon ang bag niya roon bago napalingon kay Joshua na pawisang lumapit sa kaniya.

"Saan ka galing, bro?" humihingal pa na tanong ng malapit niyang kaibigan. Hindi niya ito sinagot bagkus ay nilingon-lingon ang bleachers at agad na napakunot ang noo nang hindi niya makita si Apple.

"Where is she?" seryoso niyang tanong dito habang nililibot muli ang paningin sa paligid. She has her usual spot where she would watch his soccer practice, but she was not there.

"Sino?" naguguluhang tanong ni Joshua sa kaniya sabay inom ng tubig mula sa tumbler na dala-dala nito.

"Apple," tipid niyang sagot.

"Ahh! Yung HRM student? Nandito kanina pero I asked her to look for you since kanina ka pa hinahanap ni Sir. 'Di na ata siya bumalik dito," Joshua answered but he was taken aback when Yohan glowered at him. It was as if his eyes can pierce through anything.

"Why is she not back?" inis na tanong niya sa kaibigan.

"Aba ewan!" kinakabahang defend nito sa sarili dahil parang gusto na itong sapakin ni Yohan.

"Tsk," Yohan clicked his tongue in annoyance before gathering his things again.

"Uy saan ka pupunta?! Kakadating mo pa lang tapos uuwi ka na?!" naguguluhang tanong muli ng kaibigan sa lalake dahil nagsisimula na itong maglakad papalabas ng soccer field.

"I'm going home," walang pakeng sagot ni Yohan at tuluyang naglakad papaalis doon, not even minding the frustrated shouts from his coach.

Dumiretso lamang siya sa parking lot at agad na sumakay sa sasakyan niya bago mabilis iyong pinaandar. His house wasn't that far away from the university. Mga iilang minuto lamang ay dumating na siya sa bahay at pagod na pinark iyon sa loob ng garahe. 

Dire-diretso siyang naglakad papasok at akma na sanang papanhik papunta sa 2nd floor ngunit agad niyang narinig ang boses ng kaniyang nakatatandang kapatid. 

"Yohan." 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa pagiging malamig ng kaniyang Kuya Zynder. Hindi naman ito galit ngunit sadyang ganito lamang talaga ang kaniyang Kuya sa lahat ng tao.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now