Chapter 22

438 53 27
                                    

"I got the popcorn." Napalingon si Apple Pie sa may pintuan nang marinig ang pagpasok ni Yohan. He was closing the door while holding a big bucket full of popcorn, on his other hand was a 1.5 L bottle of coke and two plastic cups. Akma na sana siyang tatayo upang tulungan ito ngunit sinenyasan lamang siya nitong bumalik sa pagkakaupo niya sa kama. Nilapag nito ang coke at ang mga baso sa may side table at inabot naman sa kaniya ang popcorn.

Matapos kasi ng pagdra-drama ni Xav nang makita sila nito sa kusina ay napag-isipan na lamang nilang manood ng movie sa kwarto ni Yohan. Well, actually ideya iyon ng lalake. Sumunod na lamang siya dahil wala na rin naman siyang choice nang hilahin siya nito papaakyat sa second floor. Dahil kinuha ni Xav ang lahat ng niluto niyang snacks ay nag-popcorn na lang sila since iyon lang daw alam na gawin ni Yohan. Pinaupo lamang siya nito sa kama at sinabing maghintay na lamang siya at ito na lang daw ang gagawa ng snacks nila.

Habang wala pa ang lalake ay nag-ikot-ikot siya sa kwarto nito at aaminin niyang sa salamin na nasa bathroom nito siya nawili. Ilang mirror selfie ang nakuha niya at nag-TikTok pa nga siya doon bago muling na-bored at bumalik sa pagkakaupo sa kama nito. She was just mindlessly scrolling on her phone dahil pina-connect siya nito sa WiFi ng bahay nang bumalik ang lalake dala-dala ang pagkain nila.

Sinundan niya ng tingin si Yohan habang lumalapit ito sa flat-screen TV na katapat lamang ng kama nito. He turned it on and took the remote control before going back to her. Sinamahan siya nito sa kama at tumabi sa kaniya habang inaayos ang papanuorin nila. "What do you want to watch?" tanong nito sa kaniya habang nag-ii-scroll sa Netflix nito. Mabilis naman niyang tinuro ang isang K-drama na nakita niya kaya agad namang pinindot ni Yohan ang play button.

Pinatong nito ang remote control sa side table at mabilis na mas lumapit sa kaniya. Kamuntikan pa nga niyang matapon ang popcorn dahil sa gulat. Agad na nilingkis ng lalake ang kamay sa may bewang niya at yumakap sa kaniya. Pinatong nito ang mukha sa bandang leeg niya at doon tumambay.

"Uy, nanonood ka ba?" pagmamaldita niya dahil hindi naman ito nakatingin sa TV. His face was just buried on her neck, and would sometimes give her some light kisses on the cheeks.

"Hmm . . ." he murmured and continued doing what he was doing earlier.

Siya naman ay hinayaan na lamang ito at tinuon ang atensyon sa K-drama na pinapanood. Siya nga lang rin ang kumakain ng popcorn dahil tahimik lang na nakayakap sa kaniya si Yohan. Hindi na siya magugulat kung nakatulog na ito dahil ang tahimik na nito at hindi na gumagalaw sa ibabaw niya.

She was so engrossed with the drama, not until a loud knock suddenly came from the door. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na iyong bumukas at pumasok si Xav. Si Yohan ay hindi pa rin gumagalaw at mukhang nakatulog nga.

Nandidiring tiningnan ni Xav ang kapatid bago tinuon sa kaniya ang atensyon nito. "Sabi ni Kuya Zy, bawal ka daw sa kwarto ni Yohan matulog. Doon ka daw sa guest room."

"Oh . . . ok," agad niyang sagot bago unti-unting tinanggal ang pagkakayakap sa kaniya ni Yohan. Mukhang pagod na pagod ang lalake dahil kahit tinulak niya ito papalayo sa kaniya ay hindi pa rin it nagising. Maingat siyang bumaba sa kama at napansin ang TV na maingay pa ring pinapalabas ang K-drama na pinapanood niya. Ang tagal nga ata niyang nanood dahil nasa Episode 5 na siya.

"Don't worry about that. Ako na lang papatay sa TV. Just bring your bag because Kuya Zy is waiting for you outside," ika ni Xav na nagpabigla sa kaniya.

Oh shit! Mapapagalitan na naman ba ako?!

Dahil sa takot ay mabilis niyang kinuha ang bag na naglalaman ng extra clothes na dinala niya dito. She went straight to the door while Xav was turning off the TV. Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad niyang nakita si Daddy Zy - ay este si Kuya Zy. Nakahilig ito sa may wall at mukhang hinihintay siyang lumabas. Nang marinig naman nito ang mga hakbang niya papalapit dito ay agad itong lumingon sa kaniya.

I swear to God, ang hot ng nilalang na ito!

Mahina niyang kinurot ang sarili dahil umiiral na naman ang pagiging simp niya para sa mga lalakeng may malaking biceps.

Pucha ka, Apple Pie! May boyfriend ka na!

Pinapagalitan niya ang sarili sa kaniyang utak habang papalapit sa kuya ni Yohan. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay mabilis na inagaw nito ang bag na dala niya at ito na ang nagdala niyon. "Sumunod ka sa akin," sabi nito bago siya tinalikuran at naglakad sa hallway. Siya naman ay sumunod na lamang dito kahit pa man nagtataka pa rin siya.

Hindi naman gaanong kalayo ang guest room na tutulugan niya sa kwarto ni Yohan. It was just three or four doors down the hallway. Nilapag ni Kuya Zy ang bag niya sa sahig malapit sa kama bago tinuon muli ang atensyon nito sa kaniya. Agad naman siyang napatulos dahil sa seryosong tingin nito sa kaniya. He didn't say anything at first, pero makaraan ng ilang minuto ay nagsalita na rin ito. "All the things that you need are already here. May extra na toiletries sa loob ng bathroom."

"Sa-Salamat po, Kuya," she thanked him while slightly bowing. Akala niya ay iiwan na siya nito ngunit nanatili pa rin itong nakatingin sa kaniya. "Ba-Bakit po?" kinakabahan niyang tanong.

Malakas muna itong bumuntung-hininga bago siya sinagot. "Lock the doors tonight. I'm pretty sure na pupuntahan ka ni Yohan mamaya kapag nagising na iyon."

"Ahh . . . ok po," sagot niya dito. Matapos marinig iyon ay tinalikuran na siya nito at tuluyang lumabas ng guest room.

After that ay napagdesisyunan niyang mag-half bath. Agad siyang dumiretso sa bathroom at nakita na totoo nga ang sinabi ni Kuya Zy na kumpleto na iyon sa lahat ng mga kailangan niyang gamitin. Mabilis lang siyang naligo at nagsepilyo. Agad naman siyang bumalik sa kwarto at hinalungkat ang kaniyang bag upang makapagbihis.

She wore a simple t-shirt with her usual shorts. Sinuklay niya ang buhok at pinatay ang ilaw bago tumalon sa kama at nagpagulong-gulong doon. Ang lambot naman kasi ng kama nila dito kaya naman para siyang bata na pinakawalan sa playground.

Nang maka-get over sa lambot ng kama ay binuksan niyang muli ang phone at nagbasa ng manhwa. Susulitin niya ang malakas na WiFi sa bahay na ito dahil tiyak na kapag nakabalik na siya sa boarding house ay maha-highblood na naman siya sa data niya na ang tagal maka-load ng pictures. She was so focused on what she was reading that she didn't even notice the time passing by.

Bigla na lamang siyang nagulat nang may mahinang kumatok sa kaniyang pintuan. Napalingon siya doon at akalang guni-guni lamang ang ingay ngunit nakarinig siyang muli ng katok. Tumingin siya sa phone niya at nakitang 11 PM na pala. Nagtataka siyang bumaba sa kama at naglakad papunta sa pintuan. Maingat niya iyong binuksan at nagulat nang makita ang inaantok na porma ni Yohan. His hair was disheveled and he was sleepily holding one of his pillow on his left arm.

"Anong ginagawa mo dito, Yohan?" bulong na tanong niya dito sabay tingin sa magkabilang side ng hallway upang ma-check kung may ibang tao ba doon. Nang masiguradong wala ay muli niyang tinuon ang atensyon kay Yohan ngunit bago pa man siya muling makapagsalita ay walang pasabi siyang hinila nito papasok sa kwarto.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now