Chapter 29

483 44 18
                                    

"Uy! Galit ka pa rin?" Hindi magkandaugaga si Apple Pie sa kakahabol kay Yohan. Ang laki-laki ng mga hakbang ng boyfriend niya at nahihirapan siyang sundan ito. Naglalakad pa lamang naman sila sa pinaka-entrance ng preserved Spanish-era town na kilalang-kilala sa San Juan. Pinagtitinginan na nga sila ng iba pang mga turista na mukhang papunta rin doon. Tiyak na dahil sa mga suot nila ngayon. "Uy . . . Yohan . . . Sorry na," hinging paumanhin niyang muli dito. 

Hindi naman kasi niya masisisi ang lalake dahil sa inaakto nito. Aaminin niyang maraming pagkakataon na nakatuon lamang ang atensyon niya sa cellphone niya. Ang rami kasi niyang kinaaadikan na applications kaya naman talagang nahahati ang atensyon niya mula dito.

Paulit-ulit niyang hinila ang laylayan ng barong ni Yohan hanggang sa wakas ay tumigil ito at malakas na bumuntung-hininga bago siya nilingon. 

Napatigil naman siya nang maingat siya nitong hinapit at hinawakan ang kaniyang kaliwang pisngi. "Yohan?" nagtataka niyang tanong dito.

"Listen to me," mariin nitong ika na nagkuha ng buong atensyon niya. "Gusto ko na kahit ngayon lamang ay akin ka lang. Wala akong kaagaw sa iyo. Tayong dalawa lamang at wala ng iba. Naiintindihan mo ba ako?" seryoso nitong tanong na agad namang nagpatango-tango sa kaniya. "Good. I left all of our stuff in the house where we changed our clothes. Walang kahit na anong gadget na kukuha ng atensyon mo sa akin. May sasakyan tayong kalesa upang makarating sa Kubo. We still need to go through this tourist-infested area before we can go there, so I want you to imagine that they are not here or they are wearing the same clothes as us."

"Ok . . ." mahinang sagot niya kahit na nawi-weirduhan talaga siya sa gusto nitong gawin nila. 

"And one more thing, don't speak English. Sa oras na pumasok tayo sa gated town na iyan ay kalimutan mong marunong kang mag-English," paalala nitong muli sa kaniya sabay lahad sa kamay nito sa direksyon niya. His face suddenly changed into a more serious one and his posture became stiffer. In a very gentlemanly voice, he asked, "Maaari ba kitang tulungang pumanhik sa kalesa, Binibini?"

"Eh?" parang tanga niyang ika habang nakatitig kay Yohan.

Hanudaw? Simula na ba ng roleplay namin?

"Binibini?" tawag nitong muli sa kaniya habang hindi pa rin tinitigil ang kakaibang trip nito sa buhay.

"Ay! Uhmm . . ." panic niyang sigaw habang hinahalungkat ang utak sa tamang sasabihin. "I-Ikagagalak kong matulungan mo. Sa-Salamat, Ginoo."

Gusto niyang matawa dahil sa ginagawa nila lalong-lalo na at ang raming turista na pinapanood sila. Akala ata ng mga ito ay pakulo sila sa tourist spot na ito ngunit wapakels si Yohan at inabot lamang ang kamay niya at inakay siya sa may kalesa na nakaparada sa may gilid. Actually marami ang mga iyon dahil maaaring sumakay ng kalesa ang mga turista kung magtitingin-tingin sila sa lugar.

Ang pagkakaiba lamang ay may mga gamit na nakalagay sa may likod ng kalesa na pinagdalhan ni Yohan sa kaniya. Mukhang mga gamit nila iyon na kinakailangan sa pagpunta sa Kubo. Ang napansin niya lang ay nakalagay iyon sa mga hand-woven basket. Ang iba naman ay nasa parang sako. 

Tinulungan siya ni Yohan na pumanhik sa kalesa bago ito sumakay rin doon. Nang maayos na silang nakaupo doon ay may lumapit na matandang lalake na sumakay naman sa may unahan nila. Mukhang ito ang magmamaneho ng kalesa nila.

She heard the old man softly ordered the horse to walk. Agad naman siyang napalingon muli kay Yohan nang magsalita ito. "Simula ngayon, hindi na tayo magsasalita ng kahit na anong Ingles," paalala nito na agad naman niyang tinanguhan. It would be a huge challenge for her since nasanay na siya na laging nahahaluan ng English ang kaniyang mga sinasabi.

Their kalesa slowly traverse the Spanish-era town of San Juan. Maraming turista na nagpi-picture sa paligid kaya naman hindi niya nakakayanang i-internalize ng tuluyan ang pinapagawa sa kaniya ni Yohan. Mukhang napansin naman iyon ng lalake dahil agad nitong kinuha ang atensyon niya. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon