Chapter 46

382 44 13
                                    

"Sakay," malditong ika ni Yohan na nagpasimangot naman kay Apple Pie. Ang antipatiko ba naman ay dumiretso lamang na sumakay sa kalesa habang siya naman ay naiwang nakatunganga at naghihintay na tulungan siya nitong umakyat. Aba't hindi nga madaling maglakad ng mataas ang palda, pagsakay pa kaya sa kalesa na ni minsan ay hindi niya nagawa.

Tatay Ado was so hesitant to allow her to come with Yohan but she insisted to the old man that his son can help her get back home. Matapos nga ang pagwawala ni Yohan at pagtapon nito sa mga niluto niya kahapon ay walang nagawa si Tatay kundi maglutong muli. Kahit nga ata paghihiwa ng sibuyas ay bawal niyang gawin dahil nagagalit si Yohan. Nasusuka daw ito sa lasa ng luto niya.

Napaka-antipatiko nga talaga.

Doon natulog ang lalake at kada magkakatinginan sila ay para siyang demonyo na kailangang i-exorcist sa paningin nito. Ngayon nga'y gumising sila ng maaga para daw makaalis na sila kaagad. He was talking about giving her to his brother and that made her wonder if he was talking about Kuya Zy or not. Just the thought that Yohan was here with her in this past timeline made her head malfunction for a little bit, but when he hinted that both Kuya Zy and Xavier was here too just made her brain explode.

Aba't iba ang trip ng magkakapatid na ito, sa nakaraan ba naman nagbabakasyon. Sana all.

She huffed in annoyance before helping herself up the kalesa. Nahirapan pa nga siya dahil sa palda niya. She grumbled before sitting beside Yohan, who scooted away from her as if he doesn't want their skins to touch each other. Too bad for him, maliit lang ang space sa kalesang iyon at wala silang choice kundi magtabi ng magkalapit.

Matapos maayos ang pagkakaupo at masiguradong nadala na niya ang lahat ng mga gamit niya, which is hindi rin naman ganuon karami, ay nagpaalam na sila kay Tatay Ado at nagsimula ng maglakbay sa kung saan man siya dadalhin ni Yohan.

The first few minutes of their journey were spent in silence except for the rhythmic clippity-clop of the horse's hooves. The kutchero would also occasionally whistle a tune and fill the awkward silence between her and Yohan. Dahil pinalaki siyang Marites ay hindi niya napigilang magtanong sa lalakeng nakabusangot ang mukha sa tabi niya. Kahit pa man alam niyang ayaw nitong makipag-usap sa kaniya ay gumora pa rin siya.

"Saan ba ta-" panimula niyang tanong ngunit mabilis siyang pinutol ni Yohan.

"Tumahimik ka."

"Papunta ba-" magtatanong sana siyang muli ngunit pinutol na naman siya ng antipatikong lalake.

"Tumahimik ka."

"Nagtatanong nga-" reklamo niya pero this time ay inis na siyang nilingon ng lalake.

"Maaari bang itikom mo ang bibig mo? Nakakainis iyang boses mo," pagalit nitong sabi na para bang nakukunsimisyon ito tuwing naririnig ang tinig niya.

Napalukot sa inis ang mukha niya bago nag-eye roll sa lalake. "You want me to shut up now but you used to beg me to open my mouth for you," bulong niyang ani na mukhang mas kinagalit ni Yohan dahil masama siya nitong tinitigan. She knew that they both understood the sexual innuendo behind her words.

Aba't makagalit ito parang hindi totoo.

"Tatahimik ka o ihuhulog kita sa kalesa?" pagbabanta nito habang ilang ulit na napapatingin sa kutchero. Mukhang nag-aalala kung narinig nito ang pag-i-English niya. His face was showing that he was dead serious about his threat.

"Tatahimik na po, ginoo," she mockingly said just to satisy what he wanted. 

Dahil nga doon ay tinikom na lamang niya ang bibig at pinanood na lamang ang tanawin na nadadaanan. This would be her first time to go out since she started living with Tatay Ado. Ang tanging pagkakataon na nakapagtingin-tingin siya sa panahon na ito ay noong hinahabol siya ng limang lalake. She wasn't even able to appreciate the surroundings because she was so busy saving herself.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now