Chapter 8

557 53 27
                                    

"Yohan?" Nagulat si Apple Pie nang makita ang binata na nakatayo sa labas ng classroom niya at tila ba may iniintay doon. "Anong ginagawa mo dito?" dagdag niyang tanong habang naglalakad papalapit dito. She can see the gazes from her classmates specifically the girls towards Yohan. Hindi rin naman niya masisisi ang mga ito dahil hindi naman nagagawi dito ang lalake dahil magkaiba sila ng building.

"Sabay na tayo papuntang lab," seryoso nitong sagot sabay talikod sa kaniya at nagsimula ng maglakad. Ni hindi man lamang hinintay ang magiging sagot niya. 

Ang kaninang magandang timpla na mood niya ay agad na pumait dahil sa pagiging antipatiko ng lalake. Tuwang-tuwa na sana siya kanina at nabigyan siya ng grasya ngunit heto na naman ang lalake at pinapakulo ang kaniyang ulo.

"Hmp! Walang galang! 'Di man lang nagkusang tumulong dalhin mga gamit ko!" Pagpaparinig niya dito habang padabog na sumusunod sa lalake. Ang rami kasi niyang dala ngayon. Bukod sa usual shoulder bag niya ay dala rin niya ang plastic box na kinalalagyan niya ng mga gamit na para sa HRM laboratory tests niya kanina. Nasa kaniya rin ang laptop ni Gwyneth dahil nanghiram siya kanina dito. Gagawa kasi siya ng PowerPoint presentation para sa report niya sa Office Fundamentals at dahil nga wala siyang sariling laptop ay nakikihiram na lang siya sa bestfriend niya. Buti na lamang at pinapayagan siya nitong dalhin pauwi ang laptop nito kapag kailangan niya.

Nakasimangot siyang nakatingin sa likod ng lalake ngunit agad ring nagulat ng bigla itong tumigil at humarap sa kaniya. 

"Akin na," he muttered while snatching the laptop bag and the plastic box from her.

"Uy nagjo-joke lang ako!" agad niyang bawi sa sinabi dahil hindi naman niya inakala na tototohanin pala iyon ni Yohan. Akma niya sanang kukunin ulit ang mga gamit niya ngunit mabilis na lumayo sa kaniya ang lalake.

"Ako na," alma nito at nagpatuloy na sa paglalakad. "Huwag ka ng mag-inarte diyan. May bayad pagdala ko ng mga ito," dagdag nitong ika kaya naman napatakbo siya upang makasabay sa paglalakad nito.

"Ha? Ano? Wala akong pera! Akin na nga yan!" panic niyang sabi at kukunin na sana ulit iyon ngunit mahinang tinapik lamang ni Yohan ang kamay niya at nilayo iyon. 

"Sa tingin mo pera hihingin ko sa iyo?" hindi makapaniwalang bulong ni Yohan ngunit rinig pa rin niya. She was about to ask him what he wants but he already beat her to it. "Manood ka ng soccer practice ko." Ewan niya ba at baka assumera lang siya ngunit nakita niya ang pamumula ng mukha ni Yohan habang sinasabi iyon sa kaniya.

"Eh?" 

Iyon lang? 

Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkalito ay agad na may binatong damit sa kaniya si Yohan na mabilis niyang nasalo. Bahagya niya iyong nilayo sa sarili at nakitang isa yung soccer jersey. She can clearly remember this particular jersey because it was Yohan's uniform last year. Kada taon ay nagpapalit ang lahat ng mga athletes ng uniform at naging tradition na ibigay ang last year's uniform nila sa mga girlfriends nila.

"Suotin mo iyan mamaya," he ordered before quickly turning his back from her and continued walking to the lab, him effortlessly bringing her laptop bag and plastic box.

Nakanganga siyang nakatulala dito hanggang sa bigla siyang nagising at mabilis na hinabol ito. "Teka! Mapagkakamalan akong girlfriend mo kung susuotin ko ito mamaya!" kontra niya sa utos nito ngunit ang sunod na sinabi ni Yohan ang nagpatahimik na sa kaniya.

"Bakit? Ayaw mo?"





Yohan walked faster as if being chased by horde of dogs. Alam niyang namumula ang mukha niya at iyon ang ayaw niyang makita ni Apple Pie. 

Kaninang umaga ay nakita niya ang mga dating uniforms at natandaan ang hidden symbolism kapag suot-suot ng isang babae ang uniform ng isang male athlete. He wanted to bring all of his past uniforms so he can give it to Apple Pie, but he decided that he might be too aggresive if he would do that.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon