Chapter 77

399 51 41
                                    

"Yohan!" panic na tawag ni Apple Pie kay Yohan habang nagmamadaling sumunod dito. Kahit pa siguro mag-ala Usain Bolt siya ay hindi pa rin niya maaabutan ang lalake. He was trudging angrily towards the mansion, every steps that he took felt like miles for her small body. "Yohan!" malakas na tawag niyang muli dito ngunit nakarating na ito sa may back door at padabog itong binuksan. 

Yawa na ni! 

Mas binilisan pa niya ang lakad at nang makarating na siya sa pintuan ay bigla namang nawala si Yohan. Nag-aalala siyang lumingon-lingon sa paligid ngunit hindi na niya ito matanaw. Doon na niya naisip na dumiretso sa ikalawang palapag dahil alam niyang naroon ang kwarto slash opisina na ginagamit pansamantala ni Kuya Zy dito sa pamamahay ni Xav.

Halos mahulog pa nga siya sa hagdanan, buti na lang at nakahawak siya sa barandilya. She pushed herself to ran faster until she arrived at Kuya Zy's door. Nakaawang iyon ng malaki na para bang may walang pakundangang nagbukas niyon. It doesn't take a genius to know that it was Yohan who opened it. Mas nasigurado pa siya na pumasok roon si Yohan dahil sa malakas nitong sigaw na umalingawngaw sa loob ng silid.

"Putang-ina ka, Kuya!" Agad siyang tumakbo papasok dahil sa ingay na iyon at halos takasan siya ng dugo nang makita na nasa sahig ang dalawa. Napasigaw pa siya nang suntukin ni Yohan ang nakatatandang kapatid nito sabay sigaw muli, "Putang-ina ka! Kahit kapatid kita ay mapapatay pa rin kita dahil sa ginawa mo!"

"Fucking hell! What the fuck is your problem?!" sigaw pabalik ni Kuya Zy sabay walang kahirap-hirap na sinipa si Yohan dahilan kung bakit ito tumilapon sa may di-kalayuan. Alam niyang hindi pa iyon ang buong lakas ni Kuya Zy dahil siguro nagtitimpi pa ito.

"Yohan!" concerned niyang sigaw.

"Don't you dare act innocent on me!" sigaw ni Yohan habang tumatayo. Ni hindi siya nito nilingon na para bang ang tanging nasa isip nito ay bugbugin ang kapatid. Dinuro pa nito ang kuya na patayo na rin. "Ang lakas-lakas mo pang mangaral sa amin ni Xav pero demonyo ka rin pala!" Matapos sabihin iyon ay lumapit na naman ito kay Kuya Zy, murder evident in his eyes. 

Nagpangbuno na naman ang dalawa at alam niyang hindi niya kakayanin na pigilan ang mga ito. Mabilis siyang lumabas ng silid at hinanap si Xav.

"Xav! Xav, tulong!" halos mag-hysterical na ata siya habang hinahanap ang lalake. Buti nga lang at nasa hindi kalayuan ito. Kasama ni Xav si Elisa sa may teresa at mukhang nag-uusap ang dalawa, ngunit napapasok rin ang mga ito dahil sa narinig na ingay. 

"Anong problema?" naguguluhan nitong tanong ngunit napaiwas kaagad ang tingin nito sa kaniya nang marinig ang malakas na kalabog sa kung saan nag-aaway sina Yohan at Kuya Zy. "What the hell is happening?"

"Yung mga kuya mo, nag-aaway," hingal niyang sagot dito. Bago pa siya makapagpaliwanag ay mabilis na tumakbo na si Xav sa kung saan ang komosyon. Nagkatinginan naman sila ni Elisa bago nagmamadaling sumunod sa asawa nito. Nang makarating naman sila sa office ni Kuya Zy ay agad na bumungad sa kanila ang dalawang lalake na pilit pinaglalayo ni Xav. Hawak-hawak nito si Yohan at pilit pinipigilan na sumugod na naman kay Kuya Zy. Kuya Zy was arrogantly staring at his younger brother, his face barely scratched. Mukhang ang sugat lamang na natamo nito ay noong biglaan itong suntukin ni Yohan, ngunit mukhang hindi na iyon nadagdagan. Si Yohan naman ay putok ang labi at namumula ang bandang mata.

Naku ka naman, Yohan! Makikipag-away ka tapos doon naman sa Kuya mo na mala-higante ang katawan!

Dahil sa pag-aalala ay mabilis siyang lumapit kay Yohan at siya na mismo ang pumigil dito. Halos payakap na nga siya dito para lamang hindi na ito sumugod. Nang mapansin naman ni Xav na kumalma na si Yohan ay kay Kuya Zy naman ito lumapit at pumwesto sa may pagitan ng dalawang kapatid. Para siguro mapigilan ang kuya kung sakaling magpangbuno na naman ang dalawa. 

"What the fuck is your problem?" dumagundong ang nakakatakot na boses ni Kuya Zy sa loob ng kwartong iyon. Hindi naman ito sumisigaw pero nakakatakot pa rin ito.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" nanggagalaiting sigaw ni Yohan sabay duro na naman sa kuya nito. Mabilis naman niyang hinawakan ang braso nito at pilit binaba iyon. 

"Ano bang ginawa ko sa iyo at galit na galit ka?" tanong nito.

"Putang-ina! Mang-aagaw ka ng girlfriend! Patusin mo na lahat, huwag lang ang girlfriend ko!" galit na galit paring sigaw ni Yohan. Dahil sa sinabi nito ay sabay-sabay na napalingon sina Kuya Zy at Xav sa kaniya. Kahit nga si Elisa ay mukhang nakakaintindi na sa nangyayari at napatingin rin sa kaniya.

"May relasyon kayo ni Apple Pie?!" gulat na naguguluhang tanong ni Xav sa kuya nito ngunit hindi ito sinagot ni Kuya Zy bagkus ay lumingon lamang sa kaniya na para bang naghihintay ng paliwanag.

"Uhmm . . . Ano kasi . . . Ang OA ng kapatid mo. Hindi pa ako tapos magpaliwanag ay nag-jump into conclusion na siya. Sinabi ko lang na ikaw yung lalake na palaging sumusundo sa akin sa apartment namin noon tapos ayun . . . inakala niyang may relasyon tayo."

Kuya Zy shifted his exasperated face towards Yohan as if showing how irritated he is. "That's it? Iyon lang kinagagalit mo?"

Mukhang kumalma na si Yohan matapos marinig ang explanation niya. Nagtataka na nahihiya itong napatingin sa kaniya bago nagtanong, "Bakit kayo laging nagkikita?"

"Humingi ako ng tulong sa kapatid mo noong walang-wala na tayo. We both don't have a job and we can barely afford everything we need in our everyday lives. Nanghihingi ako ng pera sa kuya mo para may pangtawid tayo. Yung pera na lagi mong tinatanong kung saan ko kinukuha. Siguro akala mo may sugar daddy ako o something pero wala. Si Kuya Zy lang iyon na palihim tayong binibigyan ng pera para matulungan. Kuya Zy knew about what your father did to us. He secretly helped us behind your father's back. Hindi lang namin masabi sa iyo dahil alam kong iiral ang pride mo at hihindi sa tulong na iyon." Napatahimik naman si Yohan dahil sa sinabi niya na para bang nahihiya sa padalos-dalos nitong aksyon. 

Nang mapansin naman iyon ni Kuya Zy ay inis itong napailing-iling bago nag-ika, "Sa susunod na makikipag-away ka sa akin, siguraduhin mong kakayanin mo ako. Pasalamat ka at hindi ko inasahan ang unang suntok mo dahil tiyak na hindi mo ako mapupuruhan. Marami ka pang kakaining bigas bago mo ako mapatumba."

Matapos sabihin iyon ay dumiretso ng labas si Kuya Zy at iniwan sila doon. Sunod namang lumabas ay si Xav na nagpipigil ng tawa at si Elisa na sinusuway ito. Nang sila na lang ni Yohan ang naiwan ay unti-unti niyang tinanggal ang pagkakayakap sa lalake. Nakataas ang kilay niya nang lingunin niya si Yohan.

"Langga . . . sorry na." Yohan seemed to transform from an aggressive tiger to a harmless cat. Ang cute nitong tignan at pakinggan pero hindi niya hinayaang madala ang sarili sa pagpapa-cute nito.

"Che!" maldita niyang sigaw sabay batok sa lalake at iniwan itong mag-isa sa kwarto. 

A/N: Ang active niyo sa comment section last chapter kaya napa-update ulit. XD

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now