Chapter 76

359 39 14
                                    

"Yohan, listen to me." Pilit na pinapaharap ni Apple Pie ang mukha ni Yohan sa kaniya upang masiguradong makikinig ito sa kaniya. Kanina pa kasi ito sabi ng sabi na huwag niya itong iwan at ibibigay nito ang lahat ng pera nito para lang manatili siya. Ang problema ay tila ba tanggap na nito ang sitwasyong iyon at ayaw ng pakinggan ang paliwanag niya. "Yohan please!" mas malakas na niyang sabi dahil umiling-iling ang lalake. Mukhang naramdaman naman nito ang determinasyon niya dahil sa wakas ay tinanggal na nito ang mukha na nakabaon sa kaniyang leeg at hinarap na siya. 

His eyes were bloodshot and he was even biting his lower lip as if stopping himself from crying out loud. Nag-aalala niyang pinunasan ang basa nitong pisngi bago hinawakan iyon upang hindi ito makalingon sa ibang direksyon. Their eyes met each other and she saw how hurt and desperate he was. 

"Yohan . . ." muling tawag niya dito bago malakas na bumuntung-hininga. "Hindi kita iniwan dahil sa pera. Ang tatay mo ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis."

Unti-unti niyang nakita ang pag-iiba ng ekspresyon nito. From looking like a vulnerable child, his face suddenly hardens as if remembering a painful childhood. Tila ba isang banggit lamang ng pangalan ng tatay nito ay enough para pakuluin ang dugo nito.

Kung kanina siya ang nakahawak ng mahigpit dito, ngayon naman ay si Yohan ang humawak ng mahigpit sa mga braso niya. "What did he do to you?! Did he hurt you?!" She almost flinch upon hearing Yohan's loud voice. "Tell me! God fucking damnit! What did he fucking do to you?!"

"Yohan -" natatakot niyang tawag dito dahil parang hahantong sa pagwawala ang sigaw nito. Mabilis niyang hinawakan muli ang pisngi nito at pilit itong pinakalma. "Yohan, calm down. I'm okay. He didn't do anything to me, but he did something to us." Mukhang ang binitawan niyang mga salita ang nagpakuha ng atensyon nito dahil agad itong huminto sa pagsigaw ngunit mas kumunot ang noo nito at para bang kayang pumatay ng tao.

"Anong ginawa niya sa iyo?" he asked dangerously, putting emphasis on every word as if showing her that just one word and he would be ready to raise his dad from the dead just to kill him again. "Fucking answer me, please!" frustrated nitong ika na para bang naiinis na ito sa pagdadalawang-isip niyang umamin.

"He . . . He blackmailed me. Sabi niya kung hindi kita iiwan ay gagawin nito ang lahat para mamatay tayo sa gutom. All the misfortunes that happened during the first few months of us living together, it was all his doing. Ginawa niya ang lahat para pahirapan ang buhay natin. Sabi niya sa akin ay hindi daw ito titigil hangga't hindi kita iniiwan. Yohan . . . I never wanted to leave you, but I was forced to do it for our sake."

Ramdam niya ang unti-unting pagluwag ng pagkakahawak ni Yohan sa braso niya na para bang hindi ito makapaniwala sa narinig. "But . . . But you became distant. Bigla na lang lumayo ang loob mo sa akin. You don't even want to talk to me anymore," mutawi nito na para bang naghahanap ng eksplanasyon sa lahat ng nangyari. 

"Dahil sa guilty ako noon, Yohan. Alam ko na hindi lang simpleng bad luck ang nangyari sa atin at that time. I knew back then that your Dad was pulling some strings to make us miserable. Nagi-guilty ako dahil ni hindi ko man lang masabi sa iyo. I saw how tired you are every night, going home after job hunting or even when you got a construction job. Yohan, nagtapos ka na suma cum laude sa isang kilalang university pero nagtitiis kang maghakot ng semento. Para saan? Bakit? Putang-ina Yohan! Para sa akin! Para lang may mauwi ka sa akin! Para sa akin ay handa kang gawin ang kahit ano! Yohan, you are so passionate to me that I'm pretty sure you would kill anyone I point right now."

"You know I will . . ." mahinang ani nito. 

"That's the problem, Yohan. Your obsession with me is already unhealthy. Hindi mo ba narinig ang sinabi mo kanina sa akin? You're willing to be in a toxic relationship. Why? Dahil na naman sa akin. Yohan, you have to think of yourself too."

"But I don't want to. My world revolves around you." Gustong-gusto na niyang batukan ang lalake dahil sa mariin nitong pagtanggi sa mga sinasabi niya. Malakas na naman siyang napabuntung-hininga at akma na sanang pagsasabihan ito ngunit nakita niya ang panlulumo sa mukha nito sabay sabi, "I dedicated my entire life to you but you still decided to cheat on me."

"Ni minsan hindi ako nanloko sa iyo, Yohan." pagtatanggol niya sa sarili.

"Yes, you did. I saw you multiple times going inside a man's car. God knows, where you both go or what you did. Hindi mo alam kung gaano kasakit iyon sa akin kasi ilang ulit kong  tinatanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang. Binibigay ko naman sa iyo ang lahat . . ." 

Mabilis niyang pinutol ang sinasabi ni Yohan dahil tila may plano pa itong mag-histerikal at umiyak. "Yohan, si Kuya Zy ang lalakeng iyon."

"You're cheating on me with my older brother?!" biglang sigaw na naman nito na halos magpatalon sa kaniya. Bago pa man niya maibuka ang bibig upang magpaliwanag ay kaagad namang lumayo si Yohan sa kaniya at galit na naglakad pabalik sa mansyon. Tila ba nag-process muna sa utak niya ang nangyayari bago pa niya naintindihan na susugurin ni Yohan ang kuya nito na malamang ay nasa isang silid na pinagamit muna ni Xav upang maging opisina nito. Halos masabunutan niya ang sarili dahil sa napagtanto na na-misunderstand ni Yohan ang lahat ng sinasabi niya.

Oh shit! Oh shit! Oh shit!

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now