Chapter 23

441 47 25
                                    

Nakakunot ang noo ni Apple Pie habang pinapanood si Yohan na pumasok sa kaniyang kwarto. Halatang inaantok pa ito dahil sa paulit-ulit na pagpikit ng mga mata nito. He carefully led her back to the bed and made her sit there before finally speaking, "Uminom ka ba ng tubig?"

"Ha?" Agad naman siyang naguluhan sa tanong nito. 

Inulit naman ni Yohan ang tanong kasama ang isang paliwanag. "Uminom ka ba ng tubig? You were drinking some Coke earlier. Masamang matulog na iyon ang laman ng tiyan."

"Ahh . . . hindi," sagot niya dito habang nagtataka pa rin kung bakit iyon ang tanging iniisip nito ng dis-oras ng gabi. She watched him as he walked towards a cabinet and opened it. Nabigla na lamang siya dahil isa pala iyong mini ref. Hindi iyon pansin dahil naka-blend sa buong kwarto ang disenyo. Kumuha ng isang bottled water si Yohan doon at agad namang bumalik sa kaniya.

"Inom," tipid nitong utos matapos buksan ang bottled water para sa kaniya. Kahit na nag-aalangan ay sinunod na lamang niya ang sinabi nito. Habang umiinom siya ay nasa harapan niya lamang si Yohan at nakatayong nanonood. Para itong tatay na bantay-sarado ang anak. Nakaka-intimidate nitong tignan dahil nakaupo siya sa kama habang ito'y nakatayo. Ang tangkad-tangkad na nga ng lalake tapos mas tumangkad pa sa paningin niya. 

Nang kalahati na ang nainom niya doon ay inabot niya iyon pabalik kay Yohan. Ang lalake na mismo ang nagsaradong muli ng bottled water at nilapag iyon sa bedside table. 

"Iyan lang ba pinunta mo dito?" natatawa niyang tanong. Baka kasi nagising ito sa gitna ng gabi na tanging nasa isip ay kung nakainom ba siya ng tubig o hindi.

She watched as Yohan went back to his position in front of her and suddenly leaned down. Tinukod nito ang magkabilang kamay sa kama at pinatong ang ulo nito sa kaniyang balikat. She was in between his arms, trapping her. 

"Bakit mo ako iniwan?" parang batang maktol nito habang nakayakap sa kaniya. 

Gusto niyang matawa sa inaakto nito pero pinigilan na lamang niya ang sarili lalong-lalo na dahil parang seryoso ito sa nirereklamo. "Pinalipat ako ng kuya mo," paliwanag niya na lamang dito at baka umiyak pa ang baby damulag niya.

She waited for Yohan to speak again but he remained silent and directed her to lay down properly on the bed. Lumayo muna ito sa kaniya upang maayos niya ang pagkakahiga at nang matapos siya ay nilingon niyang muli si Yohan at nagulat nang makitang naghuhubad ito ng pangtaas.

"Hoy! Bakit ka naghuhubad?!" panic niyang tanong habang pilit na pinipigilan ang sarili na mapatingin sa nakakatakam nitong katawan.

Tukso! Layuan mo ako!

She put both of her hands in front of her face and tried not to sneak a peek. Well . . . aaminin niyang may kaunting butas sa harang na ginawa niya pero at least nag-effort siyang takpan ang mga mata.

"Mainit," tipid na paliwanag ni Yohan habang lumalapit sa kaniya. 

Oh God! Scratch that! Hindi ko alam na lumalapit siya! Hindi ako nakatingin, I swear!

Para mapatunayan sa sarili na hindi siya nagpapadala sa tukso ay ang mismong mga mata niya ang kaniyang sinarado. Sa ganuong paraan ay tiyak na siyang hindi niya makikita ang napakasarap, napaka-delicious at nakakanginig tuhod na katawan ng kaniyang boyfriend.

Pucha ka Apple Pie! Maghunus-dili ka!

Gusto niyang sampalin ang mukha dahil sa pinag-iisip ngunit agad ring nawala ang atensyon niya doon nang maramdaman ang mainit na katawan ni Yohan na nakayakap sa kaniya. Only his upper body was on top of her, but it still felt so heavy for her. Katulad kanina ay sinuksok nito ang mukha sa kaniyang leegan at mahigpit na yumakap sa kaniya.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now