Kabanata 1

51.1K 916 24
                                    

Simula

Ako nga pala si Sunshine Hernandez, 18 years old taga Cebu pero nagbabyahe ako ngayon papuntang Manila dahil gusto kong magaral ng college sa kursong Custom. Hindi ko hilig ang Math pero mabilis daw yumaman kapag nagtrabaho ka sa bangko, sa Manila lang may magandang paaralan kaya mas pinili ko dito.

Mahirap lang ang pamilya namin sa Cebu at kailangan naming mabayaran ang sakahan ni Tatay, inuupahan lang namin ito at sobrang late na kami ng bayad kaya kinukuha na ulit. May sakit naman si Nanay na TB kaya kailangan ko rin siyang mapagamot. Ang kapatid ko namang si Thunder nagaaral palang sa Elementary.

Oo alam ko, sobrang hirap ko na ngang tao. Pero kahit ganun magsisikap ako para mapaahon sa hirap ang pamilya ko. Ako nalang ang inaasahan nila.

Nagapply ako nang scholarship, buti nalang at may napala naman ako sa pagiging salutatorian ko nung High school. Agad akong natanggap sa isang magandang university dito sa Manila.

Mga dalawang oras nang makalipas nang makababa ako sa eroplano. Ngayon naman, nagaabang ako nang jeep na masasakyan. Sabi ni Tatay, sa Quezon city daw ako maghanap ng mauupahan dahil madaming murang apartment dito. Taga Manila kasi si Tatay, kaya madami siyang alam tungkol dito, pero sa cebu sila tumira ni Nanay para tahimik ang buhay.

Pagkatapos kong sumakay nang jeep, bumaba ako sa kanto nang Brgy. Tatalon Quezon city. Sabi kasi ni Tatay may kakilala daw sya dito, pwede akong makaupa ng mura lang. "Kahit nakakaloka ang pangalan, GO!" sabi ko nalang sa sarili ko habang naglalakad.

Mga alas singko na nang hapon kaya medyo dumidilim narin ang daan, sabi ni Tatay, hanapin ko lang daw si Corazon Amorsolo dito, sya daw yung mayari nang apartment. Kaya nagtanong tanong ako at in fairness iba iba sila nang direksyon na tinuturo hah. Nakakaloka!

Grabe! Napapagod na ako. Isang travel bag at sling bag lang ang dala ko pero tagaktak na ang pawis ko, buong maghapon ba namang dala e. Alas otso pa ako nang umaga dumating dito at naglalakad. Hayy!

Alas siete na nang gabi pero hindi ko parin nahahanap si Corazon Amorsolo. "Nasan na ba yung taong yun?" Sabi ko habang nagpupunas nang pawis.

Naupo muna ako sa duyan tutal napahinto ako sa isang playground e.

Kinuha ko ang baon kong tinapay sa bag at nagsimulang kumain.

Habang tumatagal, napansin kong parang may tumitingin sakin sa malayo, nakatago sya sa may puno tapos madilim pa kaya hindi talaga kita yung mukha nya. "SINO YAN?" sigaw ko. Takte! Kinakabahan nako.

Nagtititigan lang kaming dalawa, mata nya lang ang nakikita ko dahil yung ibang parte nang mukha nya madilim na.

Dahan dahan akong tumayo sa duyan at naglakad.

Nararamdam kong may sumusunod sakin. "Anong bang kailangan nang taong to?" Bulong ko.

Hindi ako lumilingon pero naririnig ko ang mga hakbang nang tao nasa likod ko. At malakas ang kutob ko na lalaki yun. Putcha! Baka gahasain ako nito? Kailangan kong tumakbo.

Lakad takbo ang ginawa ko pero ramdam ko parin sya sa likod ko. Maabutan nya na ako pero hindi nya naman ako hinila o ano.

Baka magtatanong lang nang daan? Pero kanina nya pa ako tinitignan.

Inalis ko ang takot ko at bigla syang hinarap.

Pero nanlaki ang mata ko nang walang makitang tao sa likod ko.

Lalong lumakas ang kaba ko. "Ano yun multo?" Sabi ko.

Napalingon ako nang may marinig na tahol nang aso. Dahil sa takot at kaba napatakbo ako nang sobrang bilis.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now