Kabanata 35

13K 295 4
                                    

I love you

"Don't worry King. Wala naman akong ginawang masama sa asawa mo. Maliban lang sa pag-kidnap ko sakanya." Sabi ni Ken.

"Don't you ever touch her. Papatayin kita!" Galit na galit si King.

"Woah! Calm down. Sunshine is my friend, hindi ko sya sasaktan kung hindi kinakailangan." Sagot ni Ken. "I let you talk to her." Nilapit pa lalo sakin ni Ken ang cellphone.

"King! King! Wag kang maniniwala sa lahat nang sinasabi ni Ken. Gusto nya lang makapag-higanti sayo-" Nilayo ulit ni Ken ang cellphone sakin.

"Walang masamang mangyayari kay Sunshine kung pupunta kang mag-isa dito." Sabi ni Ken, hindi ko na marinig kung ano ang sinasabi ni King.

"KING WAG KANG MANIWALA SA BALIW NA YAN-"

Natigilan ako nang bigla akong sampalin ni Ken, naramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko at parang bakal din akong nalasahan sa gilid nang aking labi. "Shut up! Binigyan kita nang time para kausapin sya diba? Makulit ka?"

Tinignan ko nang masama si Ken. "Hayop ka!" Nag-smirked lang sya.

"As I say King, walang masamang mangyayari kung susunod ka sa gusto ko." Sabi ni Ken pagka-balik nya nang cellphone sa tenga nya. "I'll text you the place." Aniya at binaba na ang telepono.

"Hmmm? Anong magandang gawin habang hinihintay natin si King?" Umupo ulit si Ken sa silya. Ngayon ko lang napansin na sa sahig lang pala ako naka-upo.

"Anong nangyari sayo Ken? Bakit bigla ka nalang nagka-ganyan?" Naka-tingin parin ako nang masama sakanya.

"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko Shine. You will also do this." Sabi nya.

"Hinding-hindi ko gagawin ang mga ginagawa mo ngayon Ken. Ang selfish mo, hindi mo man lang ba naisip na may mga tao ring pinahalagahan ka at binigyan ka nang importansya? Everyone loves you Ken, hindi mo lang naa-appreciate kasi mas nangingi-babaw yang galit sa puso mo."

Hindi nakasagot si Ken. May lumapit sakanyang lalaki. "Boss nandito na po sya." Nanlaki ang mata ko pagka-rinig nun. Alam kong si King ang tinutukoy nya.

Tumayo si Ken sa silya, pero bago sya mag-lakad paalis ay nilingon nya muna ako. "Thanks for the advice Shine. Pero huli na!" Sabi nya bago tuluyang umalis.

Maya-maya pa ay bumalik na sila Ken at ang mga alalay nya, kasama nila si King na ngayon at nakatali narin ang mga kamay. "King!" Tawag ko sakanya.

"Shine!" Pumiglas sya sa mga lalaki at tumakbo papunta sakin habang inaalis ang mga tali sakanyang kamay. "Shine are you alright? May masakit ba sayo?" Umiling iling ako. Nakita ko ang paglaki nang mata ni King nang mapansin ang pisngi ko. "Sabi mo hindi mo sya sasaktan?" Bumaling sya kay Ken na nakangiti parin.

"Ang kulit nya kasi e." Sabi ni Ken sabay tawa.

"I will protect you okay? Aalis tayo dito." Paulit-ulit na sinasabi ni King habang magka-dikit ang aming mga noo.

"Hey enough of your dramas. Let's start King, gaya nang pinag-usapan. Hindi ka lalaban, hindi sya masasaktan." Nagtaka ako sa sinabi ni Ken.

"Anong? Anong ibig sabihin nun King?" Tanong ko. Tuluyan nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Shhh." Nilagay ni King ang ulo nya sa leeg ko. "It's alright. Walang mangyayaring masama sakin okay? Saglit lang to, makaka-uwi din tayo."

"Pero-" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay binalik nya ang blindfold sa mata ko.

"I love you Shine." Naramdaman ko ang pag-halik nya sa gilid nang aking labi kung saan ang sinampal ni Ken.

"I love-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang pag-alis ni King sa harapan ko. "King?" Hindi na sya sumagot.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon