Kabanata 11

15.3K 354 3
                                    

Pumapayag na po ako

Papunta ako ngayon sa hotel ng mga Kasmey. Tinawagan ko kasi si Mrs Kasmey. Makikipag usap ako sakanya ngayon at sinabi nyang sa hotel nalang nila kami magkita.

Medyo malayo ito sa apartment namin kaya nagtaxi nalang ako. May pera naman ako kahit papano.

Pagkababa ko ng taxi, namangha agad ako sa nakita. Sobrang taas ng Kasmey Hotel! Hindi ko mabilang ang palapag. Basta sobrang taas. Tapos ang ganda pa ng design.

Pagkapasok ko, sumalubong sakin ang water fountain. May ilaw itong kulay blue sa dalawang side tapos pwede atang maghagis ng barya doon at magwish.

Pinagmasdan ko ang loob ng hotel. Madaming hagdanan, madami ring elevator. Ang gaganda ng mga gamit. Lalo na ng mga sofa. Pang mayaman. Parang kapag inupuan mo may gold na lalabas.

Sa kakalibot ng mata ko sa loob, hindi ko agad napansin na may kumakausap na pala sakin. Kinalabit na ako nung magandang babae na malamang stuff ng hotel.

"Ma'am? Ano pong kailangan nila? May I help you po?" Sabi nya.

"Ah. Sorry po! Nandito po ba si Mrs Kasmey? Sabi nya po kasi dito kami magkita e." Sabi ko naman.


"Ah sige po. Iko-confirm ko lang! Ano palang name nila Ma'am?"

"Ah! Sunshine Hernandez po."

"Wait lang po ma'am hah!" Sabi nung babae at lumakad sa counter.


Mabilis naman syang bumalik sakin.

"Ma'am, punta nalang daw po kayo sa room 456 sa 3rd floor. Nandoon na daw po si Madam Kasmey."

"Ah. Okay po. Salamat!" Sabi ko.


Sumakay ako ng elevator para makapunta na sa hotel room. Bakit hindi nalang sa opisina ni Mrs Kasmey? Kailangan sa kwarto pa dito sa hotel? Pwede narin. Para makita ko naman ang itsura ng loob ng rooms dito.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng room 456. Agad naman akong pinagbuksan ng medyo binata pang lalaki. May itsura.

"Madam, nandito na po si Miss Shine." Sabi nung lalaki.

Nakita ko si Mrs Kasmey na nakaupo sa sofa na nakaharap sa bintana. Pinagmamasdan nya ang papalubog na araw. "Salamat butler Ken. Pwede mo na kaming iwanan!"

"Sige po madam." Sabi ni butler Ken at agad namang lumabas ng kwarto.

"Maupo ka Shine!" Sabi ni Mrs Kasmey na hindi parin ako hinaharap.

Umupo ako sa kabilang sofa. Side view iyon sa bintana.

Humarap na sakin si Mrs Kasmey. "Pasensya kana sa una nating pagkikita hah! Nagmamadali kasi ako e." Sabi nya.

"Ayos lang po." Sabi ko naman.

"Ano? Nakapagdesisyon ka naba?" Tanong nyang diretso.


Kahit wala sa mukha, siguradong tatanggalin ni Mrs Kasmey ang scholarship ko kapag hindi ako pumayag. Nagiisa nyang anak si Kingston kaya gagawin nya ang lahat makuha lang ang gusto nito. Ang maging alpha. Importante rin sakin ang pamilya ko.


"Nagoffer din po ng deal sakin ang anak ninyo. Sinabi nya bibigyan nya ako ng tatlong buwan para mapa inlove ako sakanya." Sabi ko.


"Pero after three months, 18 na sya. Baka magbago na ang isip ng council kapag hindi ka nainlove sakanya at hindi ka pumayag." Sabi nya.

"Alam ko po. Masyado pa po kaming bata para dito. Pero naiintindihan ko naman po ang sitwasyon ninyo. Hindi po normal itong nangyayari." Huminga ako ng malalim.

"Wala po akong balak na pabayaan ang pamilya ko. Kapag hindi ako nakapagtapos wala silang aasahan sakin. Mahal ko sila. At iyon nalang ang magagawa ko para sakanya. Pumapayag na po ako sa deal ninyo."

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now