Kabanata 7

19.6K 458 11
                                    

Wolves

Bumalik kami ni King sa classroom na hindi nagsasalita. Tinanong ako nina Minah at Yvette kung anong nangyari pero yung utak ko andun parin sa rooftop at sa pinagusapan namin ni King.

-

"Yun ang tunay kong itsura kapag nagiging wolf ako. Naniniwala kana ba sakin ngayon?" Sabi ni King.

"Pwede ba, magdamit ka muna!" Sabi ko. Nakakaloka kasi yung fascinating abs nya te! Putcha! 6packs ang yummy yummy nya.

"I'm sorry!" Agad nyang kinuha yung uniform nya at sinuot nang nakatalikod tapos humarap din agad sakin.

"Nangangain ba kayo nang tao?" Biglaan kong tanong pagkaharap nya sakin.

"Depende kapag gusto namin." Sabi nya. "Ano? So may tendency rin na kakainin mo ako?" Tanong ko.

Tumawa sya. "Joke lang! Hindi kami katulad ng mga vampires, were still human, Shine. Tao parin kami!" Paliwanag nya.

Hinayaan ko pang magexplain si King. I need for information please.


"We knew who is our mate sa pamamagitan nang sense of smell. Oo aso talaga kami, matalas ang pang  amoy namin. Pero kapag mate na namin, may smell na kami lang ang nakakaamoy dahil doon namin nalalaman kung sino yung taong yun..

My dad is an alpha, tawag yun sa mga leader nang mga wolf at sya din ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Kailangan kitang mapakasalan bago ako mag 18 dahil ako na ang susunod na alpha, kailangan ko nang mate na hahalili sakin. Hindi nila ako papayagan nang council na maging alpha hanggat wala pa akong mate. Since birth pinababantayan kana nila dad, we investigate about you and your family. Kaya nang malaman namin na andito ka sa Manila, hindi na ako nagaral sa Harvard. Mas importanteng mapakasalan kita kesa sa pagaaral ko."

"Ganun ba kaimportante ang pagiging alpha? Hindi ba pwedeng maging Anak ka nalang nang alpha?" Tanong ko.

"No! Tradition na namin na kapag alpha ka, ang susunod sayo ay ang Anak mong lalaki. I don't have a choice. Ako lang ang anak nang parents ko. Saka pangarap nang bawat isang wolf ang maging alpha. You don't know how much power it will give you if you become one." Sagot nya.

"So may powers ka din? Kagaya nang sa twilight? Si Jacob?" Osige baliw na nga yung tanong ko.

"Hindi ko masabing natural powers, kasi nasa ability na talaga nang mga wolf ang mga lakas namin. We can hear sounds 100 kilometers away from were we are, we can smell stronger than normal person can. Matalas din ang mga mata namin, nakakakita kami sa dilim at nakakapatay ang mga titig nang isang wolf." Sabi ni King.

"Diba sa ibang bansa lang may mga wolf? Pano kayo napunta dito sa Pinas?" Tanong ko ulit.

"Bawat bansa may mga naka assign na wolves. Kung baga Pinoy wolves ang tawag namin sa sarili namin dito sa Pinas. Pero sa Europe talaga galing ang mga werewolf. Ang ninuno namin, sinumpa maging werewolf, nagsalin salin nalang ang lahi namin kaya dumami kami. Were not dangerous, Shine. Nakikipag laban din kami kagaya nung mga nasa movie pero para nalang yun sa safety na mga kalahi namin. We need to protect our species. My mom will explain you more kapag nagkausap na kayo. Alright?" Sabi nya.

Tulala ako sa lahat nang sinabi sakin ni King. May ganto ba talaga? Hindi ba ako nananaginip? Totoo ba ito?

"Shine? Did you understand?" Nagulat ako sa tanong ni King.

"Huh? Oo Oo!" Sagot ko agad.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now