Kabanata 48

13.1K 233 9
                                    

Ang pag-alis

"Hello?" Sagot ko sa tawag. Si mommy Caroline ang nasa kabilang linya.

"Hello? Shine? Where is King?" She asked. Tinignan ko si King, nakapikit nanaman sya.

"Natutulog pa po sya." Sagot ko.

"Ah. Ganun ba? Nasa bahay nyo naba kayo ngayon?" Tanong nya.

"Wala po. Nandito po kami sa rest house."

"Rest house? Saan?" Kumunot ang noo ko, hindi alam nila mommy ang tungkol sa pinagawang rest house ni King at wuwa?

"They don't know about this." Napatingin ako sa nagsalitang si King, nakapikit parin sya.

Bumaling ulit ako sa kausap ko sa cellphone. "Ah. Mommy opo, dito po sa private beach ni wuwa?" Sana alam na nila ang tungkol doon.

"Ah. Oo alam ko yan, may rest house na pala dyan?" She asked.

"Opo." Ani ko.

"Buti naman at bati na kayo ni King, I feel sad nung nalamang umalis ka ng bahay, sana nandun ako para pigilan ka. I'm sorry, Shine." Naalala ko yung pag-luhod ni mommy Caroline sa harapan ko. Ayoko na ulit mangyari iyon. "Sasabihin ko sana kay King na puntahan kana kina Minah e."

Sasabihan nya palang si King? So ibig-sabihin, sinundo talaga ako ni King dahil gusto nya na akong umuwi at hindi dahil lang ng parents nya. Tinignan ko ulit si King, nagtakip sya ng unan sa mukha. Guilty ang mokong. "Opo my, sinundo nya ako kagabi." Baling ko sa telepono.

"Mabuti naman.." Ani mommy. "Sya nga pala, pwede ba kayong pumunta ngayon dito sa mansion?" Dugtong nya.

"Bakit po?" Pagtataka ko.

"May importantante kaming sasabihin sainyo, may messenger na dumating galing Europe, kailangan nyang makausap si King." Lalo akong nagtaka sa sinabi ni mommy.

"Ano pong messenger?" I asked.

"Oh Shit!" Mura ni King, nagulat ako sa biglang pagbangon nya

"Mamaya ko nalang ie-explain sayo, Shine. Dito nalang kayo mag-breakfast ni King, wake him up first." Ani mommy.

"Sige po." Sabi ko at binaba na ang telepono. Bumaling ako kay King. "Anong problema, King?" I asked.

"Ten years ago nang may pumuntang messenger sa mansion, they are the people who helping the werewolf council, pinupuntahan nila ang mga alpha ng personal para sabihin na nagkakaroon ng labanan ngayon ang mga wolf at kailangang tumulong ng alpha at ng iba pang werewolf.." Ani King.

"So ibig sabihin, aalis ka dahil may labanan ang mga werewolf ngayon?" Umiling-iling ako. "King, ayoko! Baka mapahamak ka doon." Pag-aalala ko.

Ayokong iwan ako ni King, kakabati lang namin tapos aalis sya? Aalis? Hindi ko kaya. Ayoko! Bigla akong niyakap ni King. "Hindi pa naman tayo sure kung ganun nga ang pakay mg messenger, don't worry, hindi kita iiwan."

Naligo muna kami ni King, nagsuot ako ng ripped jeans na sky blue tapos white t-shirt na may animal print, si King ganun parin ang suot, ang muscle shirt nya tapos maong jeans.

Buong byahe namin papuntang mansion, sobrang kabado ko, ang lakas ng kalabog ng puso ko. Hindi pa man kami sigurado sa pakay ng messenger, masama na ang pakiramdam ko.

"Shine." Niyakap agad ako ni mommy Caroline pagkapasok namin ni King ng mansion.

"Good morning po mommy." Bati ko sakanya.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now