Kabanata 4

22.5K 523 11
                                    

Wanted Waitress

Kinabukasan nagpatulong ako kay Minah na maghanap ng pwedeng pagtrabahuhan, kahit sakto lang ang sahod. Sa internet sya naghanap.

"Ito bakla, urgent hiring daw. Waitress, 18 above. Malapit dito yung restaurant." Sabi ni Minah.

"Talaga? Pupunta na ako." Nakabihis na ako dahil balak ko naman talagang magapply na. Lalabas na ako nang pinto pero pinigilan ako ni Yvette.

"Teka! Alam mo ba kung saan ka pupunta?" Napakamot ako sa ulo, oo nga pala. Hindi ko alam.

"May bibilhin ako sa labas, sasamahan nalang kita!"

Napanganga kaming pareho ni Minah.

"Sasamahan mo talaga sya Yve?" Tanong ni Minah.

"Oo! Masama ba?" Tanong ni Yvette.

"Sasama rin ako!" Agad na tumayo si Minah at nagbihis.

Sinamahan ako nila Yvette at Minah hanggang sa makarating kami sa restaurant. Nakalagay nga sa may pinto, "WANTED: WAITRESS!" binasa ni Minah.

Pumasok na kaming tatlo. May nakita kaming matandang magasawa ata na nakaupo sa counter. Nilapitan namin sila.

"GoodMorning Maam and Sir. Gusto ko po sanang magapply na waitress!" Sabi ko agad.

Hindi sumasagot ang dalawang matanda. Putcha! Baka pati sila mga multo rin hah!

"Annyeong haseyo, ajussi, ajumma!" Sabi ni Yvette.


Nagkatinginan naman kami ni Minah.

Sabay na lumingon ang matatanda.

"My friend here is looking for a job, she wants to apply here." Sabi ni Yvette.

"Really? Okay! What's your name?" Tanong sakin nang matandang lalaki.

"I'm Sunshine Hernandez. I'm 18 years old! Can I work here?" Sabi ko.

"Yes sure! But you have to submit the copy of your birth certificate tomorrow? Okay?" Sabi nung matandang babae.

"Okay ma'am! I will submit it tomorrow." Sabi ko.

Nagpaalam na kami sa magasawang Mr and Mrs Baek. Mga Korean national pala sila, at kakabukas palang nang Korean restaurant nila kaya urgent hiring dahil wala silang  katulong.

"Yve, paano mo nalamang koreano pala yung magasawa?" Tanong ni Minah habang naglalakad kami pauwi.

"Hindi nyo ba nabasa yung pangalan nang restaurant? BaekTaeIl Korean Restaurant." Mataray na sagot ni Yvette.

"E paano ka nakapagsalita nang Korean? Marunong ka pala?" Tanong ulit ni Minah.

"Nagtutor ako sa batang Korean dati kaya may alam akong konti." Sabi ni Yvette.

"Wow! Ang galing mo naman pala e. Ano naman ibig sabihin nun?" Si Minah nanaman.

"Hello, Mr and Mrs? Parang ganun!" Sagot ni Yvette. Mukhang ginaganahan syang kausapin si Minah ah. Nakiking lang ako.

Makalipas ang ilang araw, nagsimula na ako sa part time job ko bilang waitress sa Korean restaurant nila Mr at Mrs Baek. Maganda naman ang trato nila sa akin. Mabait silang magasawa, kahit hindi sila gaano marunong magenglish, tinatry parin nilang makipag communicate sakin. Naikwento pa nga nila na may anak silang kasing edad ko na nagtitrain maging artista sa Korea.

Lunes ngayon at simula na nang pasukan. Sabay sabay kami nila Minah at Yvette pumasok, pareho rin kami ng room, regular kami kaya hindi na kailangang lumipat ng classroom.

"Gosh! Excited na ako! Classmates tayong tatlo!" Excited na excited talaga si Minah.

Ako rin naman, pero hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko ngayon, parang iba na hindi ko maipaliwanag. Parang may mangyayaring kakaiba ngayong college na ako? Nakakaloka.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now