Kabanata 15

15.4K 330 2
                                    

Strappy sandal

Pagka labas ni King, agad kong sinuyod ang kwarto ko. Wala akong masabi, ang ganda talaga. Patalon akong humiga sa kama, ang lambot. Tapos ang bango bango pa ng buong kwarto. Pag tingin ko sa kaliwang part may nakita akong isa pang pinto, halos katabi lang ito nung pinto palabas. Baka cr.

Dahan dahan akong naglakad, binuksan at nanlaki ang mata sa nakita. Akala ko shower at bathtub ang makikita ko pero hindi. Isang walk in closet ito.

Ang daming mga damit, may mga sapatos at mga accessories nadin. Pumasok ko ang walk in closet, tinignan ko isa isa ang mga damit. Ang gaganda lahat at obvious talagang mamahalin. Nahiya tuloy yung mga dala kong damit.

Sa dulo ng closet nakakita nanaman ako ng pintuan. This time sure na akong banyo yun. Binuksan ko agad at napanganga sa sobrang mangha. Mas malaki pa ito sa apartment namin nila Minah at Yvette. May shower din at kompleto sa mga hygiene kit. Pero pinaka nabilib ako ay ang maliit na swimming pool, hugis bilog ito at sakto lang sa isang tao, ito na siguro ang nagsisilbing bathtub. Mga nasa 3 feet lang ito. Pinalilibutan ng tiles ang buong banyo.

Naakit tuloy akong maligo. Isa isa kong tinanggal ang damit ko at dahan dahang lumoblob sa mini swimming fool. Maligamgam ang tubig, may napansin akong blue, red at yellow na botton sa gilid ng pool, pero ang pula ang pinaka matinggad.

Na attrack akong pindutin ang blue botton, agad na lumamig ang tubig. Gininaw ako. Pinindot ko naman ang yelow at biglang nagbabawas ang tubig, binalik ko nalang sa pula at guminhawa ulit ang pakiramdam ko. Napatunayan ko na mayaman talaga ang mga Kasmey. Inisip ko kung ganito kami kayaman, baka hindi ko na kailangan pumasok sa ganitong sitwasyon.

Nag buntong hininga ako at pinag patuloy na ang pag ligo. Pagkatapos kong maligo, hindi napigilang sukatin ang mga damit sa walk in closet. Madami akong try, halos lahat ng damit mga dress na above the knee. Hindi ako masydong nagsusuot ng dress pero nagustuhan ko ang mga damit dito.

"Shine!" Nagulat ako nang may tumawag sakin kaya napalingon agad ako. "Dinner's ready." Tinignan ako ni tita Caroline simula ulo hanggang paa.

"Ah. Pasensya na po, hindi ko napagilang sukatin yung mga damit dito." Nakatitig lang sya sa damit ko. "Magpapalit nalang po ako.."

"No. Okay lang! Bagay sayo." Lumapit sakin si tita. "I'm just amazed, ang ganda kasi sayo nyan." Tinuro ni tita ang suot kong white, may butas ang magkabilaang balikat nito, design lang naman, mas lalo itong gumanda kahit all white lang.

Nilapitan ako ni tita at inayos ang pagkakasuot ko ng dress. "Alam mo, pangarap ko talagang magkaroon ng anak na babae.. hindi sa ayaw ko ng lalaki pero iba parin kasi yung feeling e." Hinawakan ako ni tita sa balikat.

"Yung feeling na may ka girl talked ka, kasamang mag shopping tapos manunuod kayo ng mga romcom movies at sabay na kikiligin.." Kitang kita ko sa mukha ni tita Caroline ang pagnanais na magkaroon ng babaeng anak.

"Pwede nyo naman po akong ituring na tunay na anak e." Pagco comfort ko sakanya.

She smiled at me. Maliban sa mga katulong nila ay si tita Caroline lang ang babae sa pamilya nila kaya ramdam ko ang pangungulila nya sa anak na babae.

Hinayaan ko syang ayusan ako bago kami bumaba para maghapunan. Kinulot nya nya ang ibabang parte ng buhok ko tapos ginawa itong pony tail. Ang ganda ng pagkakaayos nya. Nilagyan din ako ng konting make up. Ni hindi ko nga nakilala ang sarili ko dahil sa ginawa nya sakin. Pakiramdam ko, nasa fairy-tale ako at sya ang fairy god mother ko.

Sabay kaming bumaba ni tita Caroline. "Andito na kami." Sabi ni tita para maagaw ang atenyon nila tito Todd at King na nasa hapag kainan na.

Nagtama ang paningin namin ni King, agad akong nag iwas ng tingin dahil nag init agad ang mukha ko.

"Ang tagal nyo namang.." Naputol ang sasabihin ni tito ng mabaling ang mata nya sakin. "Wow! As in wow! Ikaw ba nag ayos sakanya, Honey?" Tanong nya sa asawa.

"Yes Honey!" Naunang makababa ng hagdan si tita kaya sumunod agad ako. Pero dalawang steps nalang ng hagdan ay natapilok ako at muntik ng mahulog pero may agad na sumalo sakin.

"Ki-king?" Sabi ko nang makita kung sino ang sumalo sakin. Nagulat ako kung paano sya nakapunta agad sakin samantalang nakaupo na sya ng maayos.

"Hindi ka dapat nagsusuot ng heels." Bulong nya. Inayos ko ang upo ko at napatingin sa suot kong 2 inches blue high heels shoes. Pinasuot sakin ni tita kanina.

"Shine, okay ka lang?" Tanong ni tita kaya napatingin ako sakanya.

"Okay lang po." I smiled.

Inalalayan ako ni King hanggang sa makaupo ako sa tabi ng upuan nya. Magkatapat sila ng mommy nya habang ang daddy nya ay nasa center. Pinapakitang sya talaga ang haligi ng tahanan.

"Mom, dapat hindi mo sya pinapa suot ng mga high heels, she's not used to it." Pagalit na sabi ni King sa mommy nya.

"Triny lang naman namin ni Shine e." Nag pout si tita na parang bata.

"Tss." Tanging sagot ni King tapos biglang nag snap kaya nilapitan agad sya ng katulong nilang halos ka edad lang namin. "Kunin mo yung strappy sandal ko don sa kwarto, the white one." Utos nya dito.

"Okay po sir." Sagot nung babae tapos patakbong umakyat sa second floor.

"Wala man lang Paki-kuha!" Bulong ko. Ganun ganun nalang kasi sya kung mag utos.

"I heard you Shine.." napatingin ako kay King dahil sa sinabi nya. Naka focus lang sya sa paglagay ng pagkain sa plato nya. "Trabaho nya yun kaya ayos lang."

Nag pout nalang din ako, baka kasi pag bumulong ako, marinig nya parin. Tinignan ko nalang ang mga pagkaing nasa harapan ko. Hindi ako makapili, halos lahat masarap. Ng kukuha na ako ay biglang kinuha ni King ang plato kong wala pang laman at pinalit ang plato nyang nilagyan ng mga pagkain kanina.

"Just eat." Utos nya.

Tinignan ko ang mag asawang Kasmey pero wala lang sakanila yung ginawa sakin ni King. Hindi nalang ako nagtanong at kumain nalang. Nagugutom nadin ako.

Tapos na kami kumain ng bumaba ang babaeng inutusan ni King. "Bakit ang tagal mo?" Galit ang tono ni King tapos kinuha sa babae yung sandal.

"Sorry po sir, hinanap ko pa po kasi e." Paliwanan nung babae pero hindi na sya pinansin ni King.

"Wear this." Nilapag ni King sa paanan ko ang sandal nya kaya napatingin ako don.

Dahan dahan kong hinubad ang heels ko tapos sinuot yung sandal ni King. Ang comfortable sa pakiramdam, medyo maluwang lang ito ng konti pero ayos naman. "Sa-salamat." I said.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now