Kabanata 31

13.4K 281 9
                                    

Halik

Pagkatapos ng game nila King, nagpaalam muna ako sakanilang uuwi. Magpapalit lang ako ng damit sa bahay, okay lang naman kahit hindi na naka P.E uniform sa contest. Ganun din ang ginawa nila Yvette at Minah. Magkita nalang daw kami sa gate ng school.

Dumiretso na si King sa library kung saan nagtitipon tipon ang iba pang mga kasali sa Ms & Mr Intrams. Ang sabi wala daw talent portion, magco cosplay lang sila at yun ang magsisilbing talent. Hindi ko alam kung anong susuotin ni King, hindi naman kasi namin pinag uusapan ang tungkol sa contest.

"Alis na po." Paalam ko kay Manang Daisy.

Nasa business trip kasi sila mommy Caroline at daddy Todd kaya sakanya nalang ako nagpaalam.

"Sige. Ingat ka Shine." Bilin ni Manang. Nguniti ako sakanya at lumabas na ng bahay.

Nagsuot lang ako ng kulay blue'ng ripped jeans at naka shoulder cut out denim shirt. Naka kulay pink mix with white akong sneakers. Nilugay ko lang ang buhok ko.

"Tara na po kuya." Sabi ko kay kuya Gerry pagkasakay ko ng kotse.

Mabilis lang kaming nakarating sa school, nakita ko agad sila Yvette at Minah na nakatayo sa gilid ng gate. Hininto ni kuya Gerry ang kotse sa tapat ng mga kaibigan ko.

"Shine." Tawag sakin ni Minah.

Bumaba ako ng kotse. Agad naman itong pinaandar ni kuya Gerry para i-park.

Nilibot ko ang tingin kina Minah. "Nasan sila Red at Niel?" I asked.

"Pinabili muna namin ng snacks. Hindi pa kami kumakain e." Sabi ni Yvette.

Wala nga pala kaming time kumain kanina, dire diretso kasi ang ginawa namin. Pag uwi ko naman sa bahay, naligo at nag ayos lang ako tapos umalis na. "Gutom na nga ako e." Sabi ko.

Hinintay pa namin ng konti sila Niel at Red. Sa fast-food pa kasi sila bumili ng makakain.

"Ano habang nanunuod kakain tayo?" Tanong ni Red habang papunta kami sa school auditorium. Don kasi gaganapin ang contest.

"Oo. Bakit may problema ka?" Hamon ni Minah.

"Wala. Hehe." Tumawa si Red.

"Under ka talaga bro." Pang aasar sakanya ni Niel. Nag make face si Red sakanya.

Natawa nalang kami ni Yvette. Nakakapit ako sa braso nya habang naglalakad.

Pagpasok palang namin sa auditorium, sumalubong na samin ang napalakas na music. Madami narin ang mga tao.

"Don tayo sa unahan." Ani Minah sabay turo sa bakanteng upuan sa harapan ng stage.

"Sobrang lapit naman." Ani Yvette.

"Okay lang yan. Baka magpatalo nanaman si King kapag hindi nakita si Shine e." Pang aasar ni Niel. Pinalo ko sya sa braso. "Bakit totoo naman e."

Nag pout lang ako sakanya tapos sumunod na kina Minah para makaupo narin. Kinuha ni Minah kay Red ang dalang paper bag na may lamang mga pagkain galing sa fast-food chain.

"Kain muna tayo. Wala pa naman e." Sabi ni Minah at inabutan kami ni Yvette ng mga naka styrofoams na pagkain.

"Salamat." Sabi ko at binuksan ang styrofoam. One piece chicken at rice ang laman nun, may gravy narin. Inabutan kami ni Red ng kutsara at tinidor.

"Kayo? Kumin naba kayo?" Tanong ko sa nasa right side kong si Niel.

"Bago yung game kumain muna kami." Sagot nya.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now